Chapter 8 -Regrets

4.1K 104 18
                                    


    Ilang araw na lang, Pasko na. Napakabilis talaga ng araw, parang kailan lang ay kakapasok ko lang dito bilang katulong, tapos ngayon magpaPasko na.

Abala kami ngayon sa pagdedecorate ng buong bahay. Ngayon lang kami nagdecorate kasi sabi ni Bran gusto niya nandito lahat ng kapatid niya para tumulong. Pero di pa din sila nakumpleto dahil busy pa sa trabaho at school yung iba. Ang nandito lang ngayon ay si Zephyr at Nixon.

"Onee-chan! Look!" tawag ni Bran at saka ipinakita sakin ang stick figure drawing niya ng pamilya niya.
"I want them to be with me this Christmas." sabi niya.
"Why? Aren't you complete during Christmas?" tanong ko.
"Yeah. Kuya Nero and Niven is always not here. Even kuya Linus and Lanier. They don't stay here. I want them with me." malungkot niyang sabi.
"Malay mo, this time pupunta na sila."
"Really?"
"Oo. Gusto mo tawagan ko sila para malaman kung pupunta sila?"
"Hai! Let me call them too." masaya niyang sabi.

Agad kong tinawagan yung dalawa pero pareho silang nagsabing di sila makakapunta.

"Kuya Nero, please? Just this time." pagmamakaawa ni Bran over the phone.
"I don't like. Over your dead body." sabi ni Nero.
"Nero ang sama mo talaga! Pati bata naman!" inis kong sigaw sabay off.
"Huhuhu," iyak ni Bran.
"Bran, you know naman na they're all grown ups na kaya they decide for their own." paliwanag ni Zephyr.
"I don't want to grow up so I can stay at home! I want them to stay with me!" sigaw ni Bran sabay takbo sa kwarto niya.
"Bran!" tawag ko.
"Hayaan mo na siya Jannie. Ganyan talaga yang si Bran. Never pa kasi niyang naranasan magPasko na kasama kaming lahat." paliwanag sakin ni Zephyr.
"Bakit naman?"
"Dahil palaging wala si Nero at Niven. Wala si Niven dahil sa trabaho. Si Nero naman, ayaw ng Pasko."
"Huh? Pero bakit?"
"It's Christmas day when our Mom died. She died right before his eyes."

Nagulat at na-speechless ako sa nalaman kong yun. Kaya pala wala siya't di kailanman gugustuhing pumunta.

    Nanahimik na lamang ako't bumalik sa pag-aayos ng mga dekorasyon.

May magagawa ba ko para kay Bran? I want him to be happy. After all, Christmas are said to be for children, right?

Matapos kong mag-ayos ay tinawagan ko ulit sila isa isa't kinulit. I want Bran to be happy.

"Pumunta na kayo oh, sige na." pangungulit ko kay Nero.
"I don't wanna. Bye." walang ganang sagot ni Nero.

Kainis. Binabaan agad ako. Si Niven naman.

"Hello Niv-"
"Hi! This is Niven! Just leave a message! Arigato Gozaimasu!"

Tsk. Recorded voice message. Haay. Reject na naman ako. Anyway, yung triplets naman.

"Hello Lanier? Can you make it on this coming Christmas?"
"Sorry. I'm at CCP. The orchestra has a presentation. They need us."
"Ah. Okay. God bless you on your presentation."
"Thanks. Bye."

Pianist si Lanier. Nagpeperform siya sa iba ibang mga okasyon. Yan ang part time job niya. Talented siyang maituturing pagdating sa piano kaya di na bago saming tumutugtog siya paminsan minsan sa CCP. Imagine, CCP ang level niya? Bongga no? Kung sa bagay, what do you expect from someone who's into the Conservatory of Music in UP, right? Hats off. Superb.

Sunod na tinawagan ko ay si Linus.

"Yes my wife?" pangbubwisit niya.
"Tsk. Linus, can you make it on Christmas?"
"Nah. I'm busy here hanging with my friends. We'll be having our middle school reunion. I'm not going home til Christmas. I'll be sleeping with my girls. Nyahahaha." isa pa tong babaero gaya ni Nero. Tsk.
"Sasapakin na kita. Please make it for Bran!"
"I'll try. Bye!"

Haay. Wala man lang positive reply.

"Onee-chan, arigato."

Nagulat ako ng makita ko si Bran na nasa likuran ko.

"Thank you for calling them for me. I love you, Onee-chan Jannie. I wish you'll stay with our family forever. Please be with us forever."

Talaga bang bata ang kausap ko to be hearing something like this?

"Please? For my family."

"Please Onee-chan? For my family to be happy! If you're with us, we're happy."

Talagang desidido at seryoso si Bran sa mga sinasabi niya.

"Ah eh. Okay." sagot ko.
"Promise? Pinky swear!" pamimilit niya.
"Yes."

Nagpinky swear kaming dalawa and locked our promises. Masayang masaya si Bran na nakangiti sakin bago siya bumalik ng kwarto niya.

"Arigato, Onee-chan! Aishiteru, minna! Bye-bye!" masaya niyang banggit.




Hindi ko sukat akalain na ang mga pangako naming yun sa isa't isa at ang mga pasasalamat niya ay ang mga huli na pala niyang salita...

Mga salita pala yun ng pamamaalam...

2 araw bago mag-Pasko, binawian ng buhay si Bran mula sa isang aksidente.

Nabangga siya ng isang kotse ng papatawid siya ng kalsada. Yung araw mismo na sinabi niya ang mga huling salita niya ay tumakas siya ng bahay para hanapin ang mga kapatid niya. Pero sa kasamaang palad, nadisgrasya siya.

Nung una di ako naniniwala dahil parang ilang sandali lang ay kausap ko pa siya. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay may bigla na lang tumawag at sinabing 'Dead on Arrival' na siya. Lahat kami ay di makapaniwala sa nangyari. At bawat isa din samin ay sinisisi ang aming sarili sa pagkawala niya.

Sa kasalukuyan ay nandito kami't inililibing na siya. Ito na ang huling paalam namin sa kanya. Hindi pa din kami makapaniwala sa nangyari. Napakabilis ng lahat. Sa isang iglap ay naglaho na lang siya bigla.

Hindi ko talaga akalain na yun na pala ang huling paalam niya. Wala na si Bran... Wala na siya...

Sana masamang panaginip na lang to. Sana di na lang to nangyayari...

"Patawad Bran, if we're not busy with our lives, maybe you're still here." umiiyak na sabi ni Niven.
"You only wanted us to be complete but we weren't able to fulfill your wish..." iyak ni Lanier.
"Bran, nandito na si Kuya Linus. Labas ka na diyan sa coffin mo. Di masaya diyan. Please come back..." iyak ni Linus.

"Mamamasyal pa tayo, Bran! Wake up lil' bro! Bran, please..." hagulgol ni Nixon.

    "Bran, gomene..." iyak ni Lenin.
"Sorry, Bran. We tried but it's too late." sambit ni Zephyr.

Isa isa kaming naghagis ng bulaklak bilang pamamaalam na ng tuluyan. Matapos yun ay nauna ng umalis ang mga bisita. Tanging ang pamilya na lang ang natira at ako.

Nandito ngayon si Madam Farrah na siyang nag-aasikaso dahil na-stroke si Mr. Villamayor sa nangyari kay Bran.

Bawat isa samin dito ay kapwa hindi alam kung papaano namin haharapin ang bukas na wala na si Bran. Ang sakit isipin na sa isang iglap ay wala na siya.

"Boys, here." tawag ni Madam sa atensyon ng lahat at ipinakita ang hawak niyang papel.

"Yan yung..." naluluhang sabi ni Zephyr.
"Yung drawing ni Bran na kung saan kumpleto kayo." diretso kong sabi. Yun yung dinodrawing niya nun na ipinakita niya sakin. Nandun nakaguhit ang mga kapatid niya, si Mr. Villamayor, ang Mommy nila at ako.
"The police informed us that, this paper is the only thing Bran is holding. Some witnesses say that this paper flew off and Bran followed it which caused the tragedy." kwento ni Madam.
"Hanggang sa huli, mahalaga pa din sa kanya na mabuo kayo. See? Napagsama sama niya kayo ngayon, yun nga lang ay sa libing niya." pagpapaintindi ko sa kanila.
"Naniniwala akong hindi nasayang yung pagkawala ni Bran. Kumpleto na kayo ngayon, And I guess he is happy now together with your Mom." dagdag ko.
"But wait, I know wala ako sa posisyon para sabihin to pero, hihintayin niyo pa bang may mawala ulit sa inyo para marealize niyo na kailangan niyo pa ding bumalik? Kahit gaano pa kayo kaabala sa inyong mga trabaho. Your family is your home and haven." dagdag ko pa.

After bursting out those, we still had a hard time crawling back home.

This home suddenly turned into an empty house. Nakakapanibago. The former inviting atmosphere of this home suddenly vanished.

For what we're only left now is a whole empty house full of bittersweet memories and of one thing, -- regrets -- which are painfully memories made.    

BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon