Chapter 25 - Unexpected

1K 47 56
                                    

Huling lamay na ngayon. Kinabukasan na ang libing ni Itay. Inabot kami nang tatlong araw dito ni Nero. Hindi naman siya dito tumutuloy, dun siya sa hotel. Marahil ay binibigyan niya ko nang oras upang makasama ko ang aking pamilya. Matagal na din kasi simula nang huli kaming makumpleto dahil may asawa na ang dalawa naming panganay na kapatid, si Kuya Jethro at Kuya John, ang pangalawa.

"Ate Jessa! Ate Jannie! May mga bisita pong dumating!" hingal na sabi Jayco, ang aming bunso.

"Bisita? Sino naman?" tanong ni Ate Jessa.

"Mga lalaki po. Mga nakakotse ate! Ganda nang kotse!" paglalarawan ni Jayco.

Hindi kaya sila ano yun?

Lumabas ako sa eskinita namin para silipin ang mga bisita at para makumpirma kung sino ang dumating. At tama nga ang hinala ko. Sila nga.

"Jannie! Kamusta?" tanong ni Lanier.

"Pasensya na at ngayon lang kami." banggit ni Zephyr.

"Sorry ngayon lang kasi may mga inasikaso pa kami. Ngayon lang kami nakumpleto." paumanhin ni Knox.

"Hello Jannie. Sorry 'cause I'm the cause of delay." paghingi nang tawad ni Niven.

Sila nga. Ang magkakapatid na Villamayor.

"Ayos lang. Halina kayo, nandun sa loob ang bahay namin."

Itinuro ko sa kanila ang bahay namin. At habang papasok kami sa eskinita ay nakikiusyoso ang mga kapitbahay. Nakakailang. Nakakahiya din para sa mga magkakapatid at the same time. Pinag-uusapan kasi sila nung mga kapitbahay, lalo na yung mga babae at bakla.

"Ang gwapo nun oh!"

"Ay oo nga!"

"Gusto ko yung isa. Ayun oh. Ang pogi. Hihi."

"Mas gusto ko yung isa. Ano kayang pangalan non?"

"Ay ang lakas nang dating nung isa teh. Bet ko yung fafa na yon."

"Di ba yun yung artista? Si Niven! Oh my gosh!"

"Oo nga! Kaloka! Papicture tayo mamaya."

At madami pang mga salita. Hay nako.

"Pasensya na kayo sa mga naririnig niyo ha." paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang yun Jannie! Flattered pa nga ko! Haha." pagmamalaki ni Nixon.

"Dito ka lang kasi gwapo no? Hahaha." pang-iinis ni Linus kay Nixon.

"Yabang mo talaga!"

"Wag kayo dito mag eskandalo." pigil naman ni Zephyr.

"Tama si Zephyr. Nandito tayo sa lamay, umayos kayo." banggit naman ni Lenin.

"Magsorry kayo kay Jannie. Nakakahiya." dagdag pa ni Zephyr.

"Sorry Jannie." pagsosorry nilang dalawa.

Nagbehave naman sila gaya dahil sa sinabi nung dalawa.

"Hindi ko nakikita si Hana? Hindi niyo siya kasama?" tanong ko't hinahanap si Hana.

"Bukas pa siya makakarating. May ipinagawa kasi sa kaniya si Dad. Nga pala, hindi makakapunta si Dad dahil sa business. Pasensya na raw." sagot at paliwanag naman ni Lanier.

"Ayos lang."

"Nga pala, nasaan si Nero?" tanong ni Linus.

"Sa hotel siya tumutuloy. Baka mamaya nandito na din siya."

"Oh sa hotel naman pala, mabuti at doon siya." salita naman ni Nixon.

May problema ba sila? Kung sa bagay, lagi naman silang inis kay Nero. Wala namang bago.

BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon