New Year na. Ibigsabihin, new struggle na naman ito. But it doesn't matter, as long as we're alive and kicking, we need to celebrate for another festive year to live.
There has been 2 good news announced to us by Knox. First is that, upon Nero's first week of hardwork, the company showed a good performance and the sales increased. The second one is that, mag-aaral ako't kukuha ng ilang units ng HRM sa school na pinapasukan nung triplets at ni Zephyr.
"Napakadaya!" reklamo ni Nixon.
"Yeah. Jannie should be with me too!" sabi naman ni Niven.
"Wag ka ngang epal diyan. Homeschooling ka dude! Wag ilusyonado." kontra ni Nixon.
"Wag niyo ng pagtalunan pa yung pagpasok ni Jannie sa school. Just be happy about it." paliwanag ni Zephyr.
"Palibhasa kasama niyo kasi siya." inis na sabi ni Nixon.
"Inggit ka lang kasi! Hahaha!" pang-aasar ni Linus.Para talaga silang mga bata.
"Pano ba yan Nixon? Kaklase ko pa si Jannie." pang-aasar pa ni Linus.
Magkaklase nga kami ni Linus sa ilang mga subjects. Hindi ko kaklase si Lanier at Lenin kahit sa mga minor subjects since limited units lang kukunin ko. Culinary kasi si Linus kaya medyo makakasama ko siya sa ibang mga subjects.
Nakakamiss mag-aral. Excited na kong bumalik at magpatuloy. Nagstop kasi ko simula ng magmadre ko. Nag-aaral naman kami pero iba pa din ang college.
"Anyway, you go ahead na." Knox said.
Sa ayaw ko man o sa gusto, bukas na bukas ay simula na ng pagpasok ko at madalas ko na ding makakasama si Linus.
Matapos ang pag-aannounce ng mga good news ay nagsimula na kong maghanda ng tanghalian nila. Nagpatulong naman ako sa mga kapwa ko kasambahay.
Ang dahilan kung bakit mag-aaral ako ay dahil gusto nilang matuto akong magluto ng mga 'sosyal' na pagkain. Sawa na daw sila sa mga Filipino delicacies. They said they want something different. Imagine, nang dahil lang dun ay pinapasok nila ko sa dream school ko nung di pa ko nagmamadre. That school is none other than the Blue Eagle's University (BEU), one of the top 3 most prestigious university in the country. And is said to be the dream school for every collegian in the country.
Sobrang mahal ang tuition dyan sa BEU, umaabot ng 1 million. Parang imposible no? Pero totoo. Actually, sa magkakapatid, si Linus ang may pinakamababang tuition, which ranges from 500,000 - 600,000. Mababa pa daw yun. Grabe lang.
"AY KALABAW!" sigaw ko ng may yumakap galing sa likuran ko.
"Nasan? Haha." biro ni Lanier na siya pa lang yumakap sakin.Gusto ko ng alisin kamay niya pero ang higpit niyang yumakap.
"You're spacing out kaya naman niyakap kita. Do you have a problem?" Lanier asked.
"Wala naman."
"Okay."
"Bitaw ka na, may ginagawa pa ko." sabi ko. Ang hirap kumilos. Baka maovercook yung mga gulay. Nako.
"Ayaw."
"Lanier, maoover cook yung mga gulay."
"Kiss mo muna ko." pangungulit niya.Hinarap ko siya though nakayakap pa din siya sakin.
"Nagpapacute ka. Naka-pout ka oh." puna ko.
"Hindi ah."
"Para ka namang ewan. Mamaya ka na mangulit."
"Ayaw." parang bata niyang sabi.
"Akala ko antisocial ka? Parang di naman oh."
"Oo nga. Anti-social ako sa ibang tao, but not you, cherie." seryoso niyang sabi.
"Cherie?" paglilinaw ko.
"Sweetheart in French."
"Kilabutan ka nga sa mga salita mo. Cherie ka dyan!" sabi ko sabay buong lakas na tulak."Jannie!"
Pareho kaming napatingin ni Lanier dun sa sumigaw.
"Linus," sambit ko. Si Linus yung tumawag sakin. Kita ko na masama ang tingin niya kay Lanier. Nakakuyom na ang kamao ni Linus. Nakakatakot. Bakit ganun? Ano bang problema niya?
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...