Iminulat ko ang mga mata ko't nakita ko na nakapalibot sila sakin. Nasa isang kwarto kami at lahat sila'y nasa gilid ng kama.
"Onee-chan! You're awake now!" agad na yakap ni Bran.
"Bran, don't hug her tight! She might get hurt." saway naman ni Lanier.
"Duh? She won't. Lalo na kung ikikiss ko siya!"
Nagulat ako ng halikan ako sa pisngi ni Linus. Baliw talaga to!
"See? Namumula na siya oh." sabi ni Linus sabay kindat.
"Bwisit ka talaga Linus! Pervert!" asar na sabi ni Nixon sabay kutos kay Linus.
"Tumigil nga kayo, maiistress lalo si Jannie." saway ni Zephyr.
"Nye. KJ ni Zephyr. Nyahahaha." pang-iinis ni Linus.
"Pwede ba Linus, respect Zephyr." salita naman ni Lenin.
"Tumahimik nga kayo. Nagpapagwapo pa ko kay beybe Jannie." banat naman ni Knox.
Biglang natigil ang lahat ng dumating si Niven na may dalang bouquet ng roses at ibinigay sakin sabay halik sa kamay ko. Anong pakulo nito?
"Hoy asshole! Anong drama mo?! May pahalik halik ka pa!" angal ni Nixon.
"Welcome back, Niven." bati ni Zephyr.
"Hi Onii-chan! You changed your hair color again? An ombre really suits you." puna ni Bran sa pink na ombre na buhok ni Niven.
Bagay nga kay Niven ang pink na ombre sa kanyang buhok. I never thought na bagay pala ang pink na buhok sa lalaki. Kung sa bagay, artista naman siya't gwapo din kaya bagay sa kanya.
"Okay ka na ba?" nakangiti niyang tanong.
Bago pa ko makapagsalita ay sumingit na si Nixon, Linus at Lanier.
"AYOS LANG SIYA!" sigaw nung tatlo.
"Wag nga kayong epal!" inis na sigaw ni Niven.
Gusto ko mainis dahil binubwisit lang nila ko pero masaya ko na nakikita silang magkakasama at nagkukulitan. Eto siguro ang gustong mangyari ni Mr. Villamayor, ang makita ang mga anak niya na sama sama.
Sino ba namang hindi gusto makitang sama sama at kumpleto ang pamilya mo?
All of us wants a good, complete and a happy family.Ang saya nila. Para bang walang nangyari.
"Aray! Masakit!" inda ni Nixon sa tama ng bala sa braso niya ng madali siya ni Niven.
"Ayos ka lang, Nixon?" nag-aalala kong tanong dahilan para mapatayo ako mula sa hospital bed.
"Akala ko ako lang artista dito? Pati pala ikaw, Nixon? Ahahaha." pang-aasar ni Niven.
"Gago. Di ako nag-iinarte." asar na sagot ni Nixon.
Nagtawanan naman lahat sa mga sinabi nilang yun.
Teka sandali. Parang may kulang?
"Nasan nga pala si Nero?" tanong ko. Ngayon ko lang napansin na nawawala yung pervert na joker na yun.
"Baka na-oplan Tokhang. Nyahahahaha." biro ni Linus.
"Hahaha. Appear tayo dyan, bro!" sabi naman ni Lanier sabay high five.
Binatukan naman ni Lenin yung dalawa.
"Para talaga kayong mga bata. Tigilan niyo nga si Nero."
"Lenin naman, wag kang KJ. Para ka ng si Zephyr eh. Yun nga lang, mas masungit ka. Tandaan mo, mas matanda kami sayo." sabi ni Linus.
"Mas mature pa nga ko sa inyo." masungit na sagot ni Lenin.
"Hindi. Wala. Wala. KJ ka talaga. Hahaha." dagdag pa ni Lanier.
"Sshh nga kayo. Di ako makapagconcentrate! Nagugulo na yung buhok ko! Jannie beybe, what ya think of my blonde hair?" epal naman ni Knox.
Haay. Kailan kaya titino tong si Knox? Pero infairness, bagay sa kanya ang blonde niyang buhok. Medyo nagkakahawig na sila ni Nero yun nga lang mas mahaba buhok ni Nero. Ang ganda nga ng buhok ng adik na yun, straight hair tapos blonde, dinaig pa buhok ko. Kaso adik yun eh. Baka nga na-oplan tokhang na yun. Haha.
"Onii-chan, I'm hungry na. Can we buy some food?" tanong ni Bran kay Zephyr.
"Yeah. That's what I'm exactly thinking." Zephyr said.
"Ah Jannie, bibili lang kami ni Bran ng pagkain. Babalik din kami kaagad." paalam ni Zephyr.
"Sige."
Nahiga na lang ako at hinayaang magkulitan yung triplets at yung iba pang natira.
"So how was my hair, Jannie?" pangungulit ni Knox.
"Ang kulit mo Knox. Okay naman. Kamukha mo si Vaness Wu nung long hair pa siya. Ume-F4 ka pa din? Laos na yun e. Tsk."
"Mas gwapo pa ko dun Jannie beybe." sagot niya.
"Nako Knox. Ganyan ka na ba talaga, forever?" tanong ko.
"Don't ask him to revert back to his old self. He's a mess, like Nero." singit bigla ni Lenin.
"Si Knox?"
"He's better that way. Drug dealer and user siya nung younger days niya. He's a waste and a rebel." kwento niya.
Parang ang hirap maniwala, si Knox ay isang barumbado noon? Yang itsurang yan.
"What made him change?" tanong ko. Naku-curious kasi ko.
"Who knows? Why not ask him directly?" Wala siyang alam?
"Di mo din alam? Ibigsabihin lang nun, hindi din siya magkukwento sakin."
"Ewan. Just try." pursige niya sakin.
"Parang nakakahalata na ko e Lenin. Ako ang gusto mong kumausap kay Knox no? Sus. Pakulo mo."
"Whatever. Makulit ka din pala Sister?"
"Wag naman 'sister' tawag niyo sakin. Di pa naman ako madre talaga. Matagal pa."
"Ah basta, Sister."
"Nanununtok ako ng mga nakakabwisit na bata. Hahaha." biro ko.
"Hahaha. Baliw ka."
"Hahahaha. Mas baliw ka." sagot ko pabalik.
"HOY! Ano Lenin? Artista ka na din? Papaltan mo na si Niven? Wag mo nga pinopormahan ang aking si Jannie!" panggugulo ni Linus.
"Tss. Tigilan mo ko." asar na sabi ni Lenin.
Sinamaan ko din ng tingin si Linus sa sinabi niyang yun.
"Joke lang babe. Di ka mabiro. Hehe."
Mas lalo kong tinaliman ang tingin ko para maramdaman niyang inis na ko.
"Hahaha. Kalma ka lang kasi babe." Tss.
"Hindi 'babe' ang pangalan ko. Tigilan mo ko sa mga pakulo mo."
"Hahaha. Oo na po." sagot niya.
"Lanier, si Nero ba? Nasaan?" tanong ni Lenin.
"Ewan dun. Ilang araw ng di nauwi yun e. Nasa condo niya ata." sagot naman ni Lanier.
"Di na siya umuuwi ah. Dad would scold him again, for sure." paniniguro ni Lenin.
"Bakit ba di kayo close kay Nero?" singit ko.
Natahimik silang dalawa at tila nag-isip.
"Dahil iba ang takbo ng isip niya." sagot ni Lenin.
"He's different and unpredictable. Di din namin masakyan mga trip niya." sagot ni Linus.
"He never talked to us seriously. Puro siya pang-aasar. Never namin siyang nakausap ng matino." saad naman ni Lanier.
"But he's a smart guy." sabi ni Lenin.
"Smarter than Zephyr." dagdag ni Lanier.
Talaga? Wow.
"Papano niyo nasabi?" tanong ko.
"He always gets a perfect score in his exams while still slacking off." paliwanag ni Lanier. Wow.
"I also heard na naka-sampu lang siyang mali sa entrance exam ng isa sa top university dito sa atin." dagdag ni Linus.
"Yung University of Blue Eagles?" tanong ko.
"Oo." sagot nung triplets.
Nakakamangha naman si Nero.
"Yun nga lang, kahit may utak siya, ayaw niyang gamitin." puna ni Linus.
"Pero iniisip ko din, papano kapag nagseryoso si Nero, what do you think will he be?" tanong ni Lanier.
"Oo nga. Siguro katulong na yun ni Dad sa business. Well, that's more preferable." wika naman ni Lenin.
"Pero imposible ng mapagbago yun. Matagal ng gago yun e. Nyahaha." Linus ridiculed.
Nakakagulat ang mga nalalaman ko sa kanila. Mas lalo na tuloy akong ginaganahan alamin at kilalanin silang lahat.
What would it be like to be with this new family of mine?
I'm looking forward for more things. Sana maenjoy ko ang stay ko dito.
I will get to know them more, my dear family.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...