Chapter 22 - Braid My Hair
"Sino ang sumira ng mga halaman?" diretso kong tanong kay Hana.
Di ko na piniling patagalin pa ang pangyayari dahil alam kong dito din naman ito mapupunta kaya naman minabuti ko ng piliin na komprontahin na siya.
"Pinagbibintangan mo ba ko?" matapang niyang tanong.
"Hindi kita pinagbibintangan. Tinatanong ko lang kung sino ang sumira nito."
"Parehash lang yun! Ganun din ibig mong shabihin eh!"
"Magkaiba yun."
"Pwede ba? Wag mo nga ishishi shakin yung mga mali mo! Palibhasha kashi paalishin ka na dito kaya ibinabaling mo sa iba yung mga mali mo!"
Paaalisin? Anong pinagsasasabi nito?
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"Ishang taon ka lang dito hindi ba? Nandito ako para pag-aralan ang lahat para pagdating ng araw na aalish ka na, di na shila mahihirapang mag-adjusht! Actually kahit wala ka naman dito I can manage!"
Tama siya. Aalis din ako dito matapos ang isang taon. Bakit nga ba nakalimutan kong hindi nga pala pangpermanente ang pagsstay ko dito? Bakit nakalimutan ko ng nandito lang ako dahil sa kailangang kailangan ko lang ng trabaho?
Sa hindi ko malamang dahilan, natahimik ako at nawalan ng gana pa.
Iniwan ko na lamang si Hana sa hardin at bumalik na sa kwarto ko.
Nagkulong ako maghapon. Hindi ko ginustong lumabas. Hindi ako nakakaramdam ng gutom o kahit ano. Nakahiga lang ako sa aking kama at nakatulala sa kisame.
"Jannie, kanina ka pa diyan, masama ba pakiramdam mo?" tanong ni Lanier na nasa kabila ng pinto.
"Ayos lang ako Lanier. Wala kang dapat ipag-alala."
"Pakiramdam ko hindi. Hindi ka naman ganyan Jannie." dagdag pa niya.
"Ayos lang ako. Hayaan mo na lang muna akong mapag-isa."
"Jannie, sige na kain ka na." pangungulit pa niya.
"Umalis ka na!" sigaw ko na tila ikinabigla ni Lanier dahilan para mapatahimik siya.
"Sorry. Babalik na lang ako pag maayos ka na." malungkot niyang sabi.
Gusto ko mang humingi ng tawad sa di sinasadyang pagsigaw ko ay hindi ko na lang muna ginawa.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero ang alam ko lang ay nasasaktan ako kapag naiisip kong isang araw ay aalis na lang ako dito. Na iiwan ko sila. Na hindi ko na sila makakasama pang muli ng matagal dahil pag bumalik na ko sa kumbento, wala ng atrasan to. Magiging ganap na madre na ko.
Hindi ko na nagawa pigilan pang umiyak dahil sa mga bagay na naiisip ko. Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko na hindi na ganoon kabuo ang loob kong bumalik sa kumbento.
Panginoon, pakiusap, bigyan niyo ko ng tamang pag-iisip tungkol sa bagay na nararapat kong gawin. Pakiusap o mahal na Panginoon.
Kinabukasan, nagising ako at nakatulala pa din sa kisame.
"Some things don't last." naibulong ko sa aking sarili.
"Yes. But not this one." salita ng nakarinig sakin.
Napalingon ako bigla sa gilid ng kama ko sa gulat sa kung sino ang nagsalita.
"Nero?!"
Gulat na gulat ako dahil nandito siya. Once again, nandito si Nero. Madalas kasi siyang wala.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romantizm[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...