Chapter 37 - My Heart Aches For You

613 26 12
                                    

Chapter 37 - My Heart Aches For You

*Jannie's POV*

"Jannie, hapon na. Samsamin mo na ang mga sinampay at pakisarado ang gate." bilin ng Tiya.

"Opo tiyang." sagot ko.

Hindi naman mahirap ang araw araw na buhay ko dito. Ganito lang lagi. Magsisimula ang umaga sa pagiging abala sa paghahanda ng putong idedeliver at ilalako, bukod don ay magsisimula sa paglilinis ng bahay, pagdidilig ng halaman, pamimili sa palengke, at pagkukusot ng iilang labada.

Pagdating ng tanghaling tapat naman ay maghahanda ng tanghalian pagkatapos ay iidlip sa oras ng siesta at pagdating ng alas tres ng hapon ay magdadasal gaya ng nakagawian. Matapos ay manonood lang ng ilang palabas sa telebisyon, sunod ay ang pagkuha ng daing at ang huli ay ang pagsamsam ng mga sampay. Ganun lamang ang araw araw na gawi ko dito pero nakakalibang. Nakakapagod man pero hindi nakakasawa.

Matatapos na naman ang araw at susunod ay ang buwan at ang taon. Napakabilis ng oras at panahon. Di mo namamalayan, tumatanda ka na. Tumatanda at mas dumadami ang tanong sa buhay.

Ito na naman ako. Nag iisip na naman ng malalim. Parte siguro to ng pag-edad. Comes with aging are worries. Naiisip ko lang ngayon, di ko alam kung paano ako sobrang positive sa buhay noon. Focus lang ako sa magagandang bagay para happy lang sabi nga.

I was like that for the past. Pero ngayon, I can't manage to smile. sa dami ng tanong ko sa buhay, ang dati kong buhay na puno ng positive vibes ay tila napalitan na ng mga negatibong bagay. Depression is real.

Akala ko noon, hindi ako madedepress dahil hanggat positibo ang pananaw ko, magiging maayos ako. Pero hindi pala laging ganoon. Darating at darating tayo sa parte ng buhay natin na unti unti kukwestiyonin natin ang lahat.

I always move forward at alam yan ng pamilya ko. Medyo masakit ako magsalita pagdating sa ibang tao pero ginagawa ko yon para marealize nila na napakadaming paraan para maging masaya kung tapat ka lang sa sarili mo.

Ganoon ako noon.

Looking back, natatandaan ko pa kung paano ko nabago ang buhay ng magkakapatid to the point na naattach na kami sa isa't isa. Napamahal na nga sila sakin at alam kong napamahal na din ako sa kanila. At kahit magkakalayo man kami, walang makakabali sa ugnayan namin.

Malayo man ako sa kanila ngayon, someday magkikita din kami at magkakasama. Darating din naman siguro ang panahon na yon. Sa ngayon kasi, di ko pa magawang magpakita sa kanila. Pakiramdam ko hindi na kasi ako yung Jannie na nakilala nila. Maski ako hindi ko na kilala sarili ko. Magagawa ko pa nga bang harapin silang muli? Hindi ko alam.

I always try to do my best to save someone. They say I'm good with that. But now that I needed that skill the most, why can't I save myself?

If there's someone out there who understands me, please save me someday.

"Jannie," tawag ni Tiya mula sa loob.

"Patapos na po. Sandali lang po." sagot ko.

Marahil ay tatanungin niya na naman ako kung kamusta ang binuburdahan niya. Matagal niya na ding ginagawa ang binuburda niyang iyon. Simula ng dumating ako dito nagbuburda na siya ng isang bulaklak na di ako pamilyar. Nagtataka nga ako dahil yung mga nasa kwarto niya na naka-frame ay tulad din ng ginagawa niya ngayon. Panata niya bang gumawa nito palagi?

"Jannie, kamusta itong gawa ko? Maayos ba sa tingin mo?" tanong ng tiya na nakababa ang tingin sakin dahil sa kaniyang salamin.

"Maganda naman po. Ang husay niyo nga po Tiya. Napakadetalyado po ng gawa ninyo. Di po kasi ako matiyagang magburda kaya naman hanga po ako sa sipag at tiyaga niyo sa paggagawa niyan." puri ko sa ganda ng gawa niya at sipag niya sa paggawa dito.

BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon