"Condolence to you and your family."
"Condolence, Jannie."
Bakas sa mga mukha nang magkakapatid ang pag-aalala at ang lungkot.
"Jannie, tawagan mo kami pag may kailangan ka ha?" alalang sabi ni Linus.
"Sige." sambit ko na lang at pinilit ang aking sariling ngumiti.
"Susunod kami sa iyo pag ayos na kami dito." banggit ni Zephyr.
"Maraming salamat, Zeph."
"Are you sure you'll be okay on your own?" tanong ni Knox.
"Oo. Wag kayong mag-alala sakin. Isipin niyo ang sarili niyo, wala ako dito. Kailangan niyong tulungan ang isa't isa. Si Hana ang makakatulong ninyo kapalit ko." pagbibilin ko.
"Kami nang bahala Jannie. Wag mo kaming alalahanin." salita naman ni Lenin.
"Salamat. Mauuna na ko." pagpapaalam ko sa kanila.
Ito ang unang beses na iiwan ko ang magkakapatid to attend to my personal reasons.
Sakay ako ngayon nang sasakyan ni Nero. Siya ang maghahatid sakin pauwi sa amin. Sinubukan kong tumanggi, but he insisted. Nahihiya ako sa kaniya dahil maabala ko siya pero sabi niya ay baliwala yun sa kaniya. Hindi na naman ako nag-inarte pa at tinanggap ang alok niya. Tatanggihan ko pa ba ang tulong ngayong kailangan ko din naman ito?
Sa tabi nang driver's seat niya ko pinaupo. Wala namang issue sakin ang pag-upo don, sa mga kapatid niya, meron. Pinagtalunan pa nga nila kung bakit daw don pa ko dapat umupo.
Hindi ko na naman pinansin ang mga bagay na yon. Sa totoo lang, lumilipad ang isipan ko sa ngayon.
Kagabi pa ko iyak nang iyak matapos kong malaman ang balitang yumao na ang aking ama.
Sa mga palabas, may mga pangitain kagaya nang pagkahulog at pagkabasag nang picture frame o ano pa. Bukod don ay minsan, naririnig pa nang mga mahal sa buhay nila ang kanilang mga huling salita. Ganun pala ang kamatayan, hindi dramatiko at walang pasabi, di tulad nang mga sa palabas. Parang kahapon lang ay maganda kahit paano ang aking araw dahil nagkaunawaan na kami ni Hana, nagawa ko pa ngang mainsecure sa fianceé ni Nero. Hindi ko sukat akalain na bigla na lang may ganitong pangyayari.
Wala na si Itay.
Hindi ko na siya muling makikita.
Sa tuwing naiisip ko yon ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na umiyak. Katulad ngayon, muli akong umiiyak.
Ang huli naming pagkikita ay nung naospital siya. Nakaratay siya non dahil sa aksidenteng nangyari. Hindi ko siya nagawang makausap dahil yun din ang araw na tuluyan akong lumabas nang kumbento at nagsimulang magsilbi para sa pamilya nang mga Villamayor.
Parang kailan lang ay nakita at nakasama ko pa si Itay.
Parang kailangan lang ay isa akong bata na laging sumusunod sa kaniya sa pangingisda at ayaw na ayaw humiwalay. Parang kailan lang kasa-kasama niya ko sa pagpalaot sa dagat upang humuli nang mga isda na siyang aming kabuhayan. Hindi ko alam kung bakit ngunit gustong gusto ko lagi siyang nakikita. Hindi ko akalaing darating ang araw na tulad nito na tuluyan ko nang di siya makikita. Bakit ganon? Bakit ang aga niya kaming nilisan? Parang kailan lang ay siya ang nagsabit sakin nang una kong medalya non sa elementarya. Parang kailan lang ay siya din ang unang sumuporta sa pagmamadre ko. Siya ang unang pumayag non sa kagustuhan ko. Parang kailan lang ay nakikita ko pa siyang nakangiti sa kabila nang hirap nang buhay. Parang kailan lang ay napag usapan namin ang mga plano niya para sa amin, na sana'y makapagtapos kaming lahat na para balang araw magkaroon kami nang maayos na buhay upang hindi daw kami matulad sa kanila na hikahos kung maigaod ang pamilya. Parang kailan lang ay ibinilin niya sakin na suportahan ko ang mga kapatid ko dahil ako ang lubos na nakakaunawa higit kanino man sa aming magkakapatid. Parang kailan lang kasama pa namin siya magpasko...
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...