Chapter 7 - The Guy Whom They Never Noticed (REMAKE)

4.6K 121 15
                                    


Magbibikini o hindi?

Di naman ipinagbabawal ang magbikini pero kasi madre ko. Yun yung problema. Haha. Hm. Isusuot ko ba 'to o hindi? Maganda naman yung bikini and kulay white. Sinadya ba talaga nilang puti as a symbol for virginity? Kaloka.

Ibinili kasi ko ni Linus ng bikini. Nakakahiya naman kung di ko gagamitin. At isa pa, galing to sa isa sa mga tinuturing kong pamilya.

Kailangan ko na magdecide.

"Jannie," tawag ni Linus.
"Sandali lang." sigaw ko.

Di talaga ko makapagdecide.

Huh? Teka. Oo nga. Alam ko na.

After few minutes...

"Jannie? Dinner na tayo sa cottage." tawag ulit ni Linus.
"Eto na!" sagot ko.

Pagkalabas ko ay nagtaka ko dahil nakatulala si Linus sakin. Problema nito?

"Linus, ayos ka lang?" tanong ko.
"Ang hot mo diyan." nakatulala niyang sabi. Hot? You mean, sexy? Yun ba yun? Ewan.
"Oy, Linus. Tara na. Bakit ka ba nakatulala?" tanong ko.
"Ha? Ah wala wala. Tara na." sabi niya sabay iwas ng tingin.

Ang weird niya. Bigla siya natahimik at namula. May sakit ba siya?

Dumiretso na kami sa cottage at dun ay nagulat ako sa parehong reaksyon ng lahat at ni Linus kanina. Bakit ba ang weird ng reaksyon nila? May dumi ba sa mukha ko?

Teka, nasan si Zephyr at Nero?

"Onee-chan! You're so pretty with your see through dress! You're like a model!" sigaw ni Bran.

Yup. Naka-see through ako. Eto yung bigay sakin ni Zephyr. Sabi niya kasi, panigurado't bibigyan ako ng swimsuit kaya ang binigay niya sakin ay isang see through na damit para di mawala yung essence ng pagsiswimsuit ko. Thanks to Zephyr. Nasan nga pala siya? Magpapasalamat sana ko.

Nagsimula't natapos kaming kumain ay di ko nakita si Zephyr at parang wala namang naghahanap sa kanya.

"Nakita mo si Zephyr?" tanong ko kay Lenin.
"Parang nasa labas siya. Sa may beach. Wala daw siyang ganang kumain kaya wala siya." sagot ni Lenin.
"Ah. Pero malamig na sa labas ah. Baka sipunin siya. May jacket ka ba dyan?"
"Eto na lang suot ko."

"Salamat."

Kinuha ko na yung jacket at nagbitbit na din ako ng makakain niya.

Matagal din ako naglakad lakad sa tabing dagat hanggang sa napansin ko na nasa isang tabi si Zephyr at tahimik na nakahiga't malayo ang tingin.

"Zephyr," harap ko sa kanya.

Matagal kaming nagtitigan at napansin ko na parang namula siya. Bakit kaya?

"Takpan mo yung cleavage mo. Nakikita ko. Sorry." mungkahi niya.

Hala nakakahiya! Nakita niya pala! Kyaaah!

Agad kong itinakip sa katawan ko yung jacket ni Lenin. Nakakahiya talaga. Kainis.

"Ah eh sinuot mo pala yung bigay ko." pag-iiba niya sa usapan.
"Ah oo. S-salamat." mautal utal kong sabi.
"Bakit ka nga pala nandito?" seryosong tanong niya.
"Wala ka kasi dun kaya naman hinanap kita. Baka kasi gutom ka na."
"How nice of you to remember me. Thank you, Jannie." pasasalamat niya.
"Wala yun. We're family."
"Mabuti ka pa, itinuturing akong pamilya. Walang naghahanap sakin. No one would bother." he said bitterly.
"May problema ka ba, Zephyr?"
"Wala." he looked away.
"I'm not convinced. Alam kong meron." pangungulit ko.
"It's nothing." pagtanggi niya.
"No. There is." pilit ko.

Pinilit ko na iharap yung mukha niya para direkta niyang sabihin sakin na wala talagang problema. Tinitigan ko siya at inintay ang sagot niya.

Matagal din kaming nagtitigan. Gusto ko malaman ang totoo mula sa kanya.

"Anong problema? Wag kang matakot magsabi. Handa akong makinig." diretso kong sabi habang hawak ko pa din ang kanyang mukha para di na siya makapag-iwas tingin.

Nagulat ako ng bigla na lang may tumulong luha sa kanyang mga mata. The next thing I knew is that he is already crying like a kid.

Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakahawak pa din sa mukha niya at patuloy na umiyak. Hinaplos niya mga kamay ko na tila ipinararamdam na nagpapasalamat siya't nandito ko. Di naglaon ay niyakap na niya ko at tumuloy sa paghagulgol.

"AAAAHHHH!" he cried out of excessive emotional pain.

Hinaplos ko na lamang ang ulo niya't tinapik tapik siya.

BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon