*Nixon's POV*
Pumasok naman kami sa loob gaya ng sabi ni Linus pagkalabas nilang tatlo. Turn naman kasi namin ngayon. Actually, parang ayaw pa ngang papasukin ni Linus si Nero base sa mga tinginan niya. Tila ba gusto niyang mangain ng buhay sa ngayon. Tsk. Buti na lang at napigil lang siya ni Kuya Lenin kaya di na nakapalag. Pero kung tutuusin, kita ko yung pagkairita ni Linus at any time, kaya niyang manapak. Ganyan yang si Linus, masayahin pero ill-tempered. The duality. Tsk.
Noong kami na ang pinapapapasok ay di pa din iniaalis ni Linus ang titig niya kay Nero. Kahit nakatalikod siya ay alam mong napakatalim ng titig niya. Pero dahil si Nero nga itong nasa harap namin, hindi siya natinag sa masamang titig ni Linus at bagkos ay nanguna pang pumasok sa loob na di inalintana ang init ng ulo ni Linus sa kaniya. Kung sa bagay, si Nero kasi to. Pumapangalawa sa pagiging black sheep ng pamilya, sunod kay Knox. Well, si Kuya Knox naman ay ganoon nung kabataan niya pero dahil pamilyado na ay nag-iba na ang ugali.
Nang makapasok na kami sa loob kung saan naroon at nakabantay si Dad kay Zephyr, sinalubong siya ni Nero ng isang maikling yapos at bati.
"Kamusta ka naman Nero?" bungad ni Dad pagkayapos niya kay Nero.
"So far I'm doing good. How's your health, Dad?" pangungumusta niya kay Dad.
Panandalian ay nagkamustahan sila samantalang kami naman ni Niven ay nagkatinginan lang at sunod na ibinaling ang tingin kay Zephyr na mahimbing na natutulog.
Sa isip isip ko ngayon ay napakaswerte niya at naisipang bumisita ni Nero. Ni minsan ay di ko din kasi nakitang nagkasundo ang dalawang kuya kong to dahil sa pagkakaiba ng kanilang personalidad.
Ngunit nakakatuwa naman kasing isipin na sa kabila ng pagkakaiba nila, nandito si Nero at binibisita siya. Pagkagising ni Kuya Zeph, ikukwento ko sa kaniya ang kakaibang ganap na to. Sana naman e magising na siya.
"Hoping for his recovery the soonest." simpleng dasal ni Niven.
"Yeah. I also hope that. At sana magrely naman siya satin kahit papano." I simply hoped.
Napansin ko namang nakangiti sa Dad sa amin. Medyo nahiya nga ako ng kaunti kasi di ako sanay na nakikita ni Dad yung ganitong side ko o side namin. Kasi sa bahay madalas ay asaran kami ng asaran. Puro lalaki kasi kami kaya wala talaga kaming ginagawa kundi mag-asaran. Pag hindi, naglalaro kami ng video games, tamang ML, nood ng movie at kung ano ano pa. That's how our usual life goes kaya naman naninibago ako na nandito kami sa ospital at walang magawa kundi mag-intay at magdasal ng taimtim na sana mailigtas sa kapahamakan ang kapatid namin. We cant afford to lose another one. Once is too much is already.
"Kaya please, lumaban ka kuya Zeph. Nandito kami." di ko na napigilang maibulalas at bahagyang napaluha.
Napakatraydor talaga ng katawan at ng emosyon ko. Di ko na napigilan ang aking sarili. Pano naman kasi, di kasi ako sanay na ganito e. Di ganito ang mga Villamayor. Magugulo kami. Hindi ganitong nag-iiyakan. Nakakainis.
Mas lalo akong napaluha ng makita kong umiiyak si Niven. Nakakainis naman tong isang to inunahan pa kong umiyak.
"You're still a crybaby." pang-aasar ko kay Niven na umiiyak na ngayon. Kanina naman kasi ayos pa siya at di naiiyak.
"Stop mocking me. You also cried. I just so happened to be moved to tears." he argued.
Ako pa sinisi nito. Nahawa kuno. Pero di nga, nakakaiyak kasi. Hindi naman kasi namin ginusto to. Walang may gustong mangyari to. For the past years, ayos naman kami. Pero sabi nga nila, hindi laging Pasko. Hindi laging masaya. May mga panahon talagang susubukin ang katatagan mo at naniniwala akong isa ngayon ang pagkakataong ito.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romansa[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...