Chapter 31 - Suicide

1K 26 9
                                    

*Linus POV*

I still kept thinking about the words Honey told me. Sa totoo lang, hindi ko gusto yung ideya na dapat naming makipag-kiss and make up kay Nero so that Jannie will come back. But if ever that is possible, then siguro susugal kami. Yun nga lang, ang tanong ay kung papayag ba si Nero? And another thing na dapat i-consider ay kung anong dapat sabihin ni Nero kay Jannie to make her back.

"Lenin, Lanier, my twins. What do you think of us talking and convincing Nero to retrieve back Jannie?" tanong ko sa mga kambal ko.

"Didn't I tell you to let her go if she wishes so?" supla ni Lanier sa sinabi ko.

"But I just can't! Oo. Alam ko ang selfish ng reasons ko Lanier. But don't you miss her? I mean we miss her not because we like her but because she has been a family member now. And losing another family member is painful and hard to bear." I contradicted.

"Sang ayon ako sa parte na, kapamilya na ang turing natin sa kaniya. She's been with us through thick and thin. She felt like a mother and a sister to us." Lenin agrees.

"Pero gaya nga ng sabi ko, parang sinasakal lang natin siya if we ask her to stay. I don't think she'd still be happy staying with us lalo na at iniisip niyang siya ang dahilan kung bakit nawala yung ama niya. Didn't you think about it?" tanong at paglilinaw ni Lanier.

Para kaming nagdedebate at naghahanap ng kaniya kaniyang magagandang puntos para lang sa argumento na pabalikin si Jannie sa bahay.

"I thought of it too. I'm pretty sure all of know how it feels losing someone you held dearly and not doing anything to save them." saad ni Lenin.

Lahat nga kami alam namin ang pakiramdam na yon. Yes I did blame myself for Bran's lost and doing nothing to save him. I felt how much sorrowful it is. Siguro nga dapat ko nga na talagang tanggapin na hindi na siya babalik. Aalalahanin ko na lang ang mga pinagsamahan namin bilang pamilya. If she wishes to let go, then we'll give it to her if that's what she desire.

"LENIN! SI ZEPH! TULONG!" sigaw ni Nixon na mabilis na nakarating dito sa kwarto ko. Ano ginawa niya?!

"Anong nangyari?!" tanong ni Lanier.

"Overdose! Nakita ko yung mga iba ibang pills dun sa side table niya!" sagot ni Nixon.

"Bakit meron nun dun?!" sigaw ko.

"Di ito ang oras para diyan! Kunin niyo yung susi ng kotse bilis, Nixon!" utos ni Lenin.

"Ako na!" pag-ako ni Lanier.

"Sige. Mauna ka na sa kotse kami sa kwarto. Ikaw Nixon, tawagan mo si Dad at ang iba pa. Ipaalam mo ang nangyari then sumunod ka kay Lanier!" bilin ko.

"Sige."

Madaling madali kaming tumungo ni Lenin sa kwarto ni Zephyr. Nang makarating kami ay inabot namin ang nakahandusay sa sahig na si Zephyr. Putlang putla siya at tila nawalan na ng malay dahil sa pagkawala nang hininga. Tila nabato ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siya.

Buhay pa ba siya? Tngna. Bakit nanginginig ang tuhod ko?

"Buhay pa siya Linus! Wag kang magpanic! Wag kang tumayo lang diyan! Tulungan mo ko. Ipasan mo siya sa likod ko. Bilis!" sigaw ni Lenin sakin na bumuhay sa adrenaline ko.

Agad kong inalalayan si Lenin para mapasan niya si Zephyr. Kinuha ko naman sa side table niya yung mga gamot na ininom niya for reference at saka kami kumaripas papuntang kotse.

Tngna. Ano bang nangyayari?! Ano at naisip niyang gawin to?

Zephyr, whatever your problems are. Hang on dude. Stay with us. Don't leave us yet. Please.

BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon