Chapter 18 - Sweet Escape
Sabay kaming umuwi ni Niven sa bahay at pareho kaming nagtaka dahil walang tao dito sa sala. Nasaan sila?
"Yaya, where are my brothers?" tanong ni Niven.
"Ay Ser, nasa office po ng Daddy niyo silang lahat. Dumating na po si Ser Nero at ang Daddy niyo."
"Seriously?" gulat na sabi ni Niven.Sabay pa kaming nagkatinginan dahil pareho pa kaming hindi makapaniwala sa mga narinig namin.
Nagmadali kaming dalawang nagtungo sa office ni Mr. Villamayor at dun ay inabot nga namin sa long table ang mga magkakapatid at ang nakaupo sa may pinakagitna ay si Mr. Villamayor na nakangiti saming dalawa ng agad kaming makita.
"Dad!" masayang tawag ni Niven at nanakbo papalapit kay Mr. Villamayor at yumakap. Niyakap din naman siya ni Mr. Villamayor.
Kita ko namang maayos na ngang talaga si Mr. Villamayor at mukha na talaga siyang masigla pero di mo maikakaila na namayat din siya. Siyempre, ikaw ba namang ma-comatose.
"I missed you so much Dad!" sabik na sabik na sabi ni Niven. Matagal kasi din talagang nagkita. Marahil ganoon din ang reaksyon ng iba kanina. Sadyang hindi lang namin na nakita ni Niven.
"I missed you too, son. It's been a while. How are things going with your work?" tanong ni Mr. Villamayor at kinamusta ang trabaho ni Niven.
"I'm good, Dad. Indeed." nakangiti niyang sabi.Parang kanina lang ay hindi siya makausap dahil gusto na niyang i-give up ang trabaho niya. Well, ganyan naman tayong mga tao. Akala natin lagi kailangan nating magbago para matakbuhan ang problema. Iniisip natin na kapag binago natin ang sarili natin ay mawawala na ang problema. Kaso hindi ganun yun. Hindi yun mawawala. We see change as an escape in our problem. But it doesn't. What we need is not to change ourselves but to face the problem we have at hand.
Nawala ako sa iniisip ko ng magsalita si Mr. Villamayor.
"Kamusta Jannie? Pinahihirapan ka ba ng mga anak ko?" baling sakin ni Mr. Villamayor.
Gusto ko sabihing oo pero nakakahiya naman di ba? Haha. Biro lang.
"Hindi naman po." nakangiti kong sabi.
"Hindi ba sila naging problema sayo?" tanong pa ni Mr. Villamayor.
"Naging problema naman po," I paused for a moment and throw a gaze at each boys' faces. They look frazzled. Haha. Kabahan na kayo. Haha.
"Really? How inconvenient for you." disappointed na sabi niya.
"Pero ayos lang po yun. Kahit ganyan ho sila ay sumusunod pa din naman sila sakin. Mababait ho ang mga anak niyo." pagtutuloy ko na nakabago sa mga expression ng mukha nilang di maipinta sa takot at pangamba.
"Ahaha. Akala ko naman kung ano na," natatawang sabi ni Mr. Villamayor. "Pero salamat talaga ng marami, Jannie. I owe you my sons' welfare. Thank you for taking care of them."
"Wala po yun. Trabaho ko naman ho yun." sagot ko sa pasasalamat niya.
"Pero salamat pa din." pasasalamat niyang muli na ginantihan ko ng ngiti.Bumaling na siya sa mga anak niya matapos ang usapan naming yun. Pinagmasdan niya silang lahat at mababakas mo talaga sa mga mata ni Mr. Villamayor ang galak na nakita niya muli ang kaniyang mga anak. Pero kahit pa ganun ay may bahagi niya na mababakas mong malungkot. Lungkot na dahilan ng pagkawala ni Bran.
Blangko siyang tumingin sa upuan ni Bran. Kita kong napansin din ng mga magkakapatid ang pagtinging yun ng kanilang ama sa upuan ni Bran.
"Dad," tawag ni Knox na nakakuha sa kanyang atensyon. Ramdam kong ayaw ni Knox na muling malungkot siya.
"Ah yeah. Sorry. I was just spacing out. Haha." pilit niyang tawa at saka muli silang tiningnan.
"So I'm here now. I can't believe na makakabalik pa ko. I thought I was about to give up." pagkukuwento ni Mr. Villamayor. "Pero naisip ko pa ding lumaban. Hindi dahil wala akong pakialam sa kapatid niyo kundi dahil alam kong pag namatay ako ay pagagalitan lang ako ng Mommy niyo at ni Bran sa langit. Hahahahaha." pilit niyang tawa sa kabila ng lungkot na nadadama naming lahat. "Hindi pa ko pwedeng mawala. Kasi nandito pa kayo. Paano na lang kapag wala na ko? Papaano na kayo? Hindi ko naman ata kayang sumuko knowing na may mga maiiwan pa ko. I still need to fight." naiyak niyang sabi.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...