Chapter 17 - My Boyfriend is an Actor?
Good morning world! Sunday nga pala ngayon! Makapaghanda na nga tapos magsisimba na ko.
Halos isang oras din akong nag-ayos at naghanda dahil kailangan ko din kasing tulungan yung mga kapwa ko katulong sa paghahanda ng umagahan nung magkakapatid. Pagkahanda namin ay pinapunta ko na sila sa dining area.
"Good morning Jannie!" bati ni Knox na ngiting ngiti. Mukhang nasa mood siya ngayon at tila normal na tao na siyang kumilos. Haha. I don't know but I kinda feel something weird about him acting normal. Don't get me wrong. What I'm saying is that, how can something normal be seen as a weird thing? Well, si Knox kasi yun. He really had undergone a sudden change from weird to normal kaya naman naguguluhan ako.
"Ohayo gozaimasu, tenshin!" masayang bati ni Nixon sakin. Nagni-Nihonggo na naman siya. Haha. Ang cute lang.
Translation: Good morning angel.
"Bonjour cherie!" bati naman ni Lenin saka ko siya sinamaan ng tingin.
"Er, mademoiselle. Hehe." Bawi niya sabay kamot sa ulo niya.
Binawi pa niya pa talaga sinabi niya ah? Haha. Natakot ba siya kaya ganun? Parang ewan lang tong si Lenin. Haha. Ginawa niyang mademoiselle or lady na lang yung tawag sakin instead of cherie. Haha. Akala niya siguro hindi ko naiintindihan sinabi niya.
Ayaw ko pang batiin sila kasi ang paulit ulit naman non di ba? Mamaya na kapag kumpleto na sila. Haha.
"Ang ganda ng umaga ko kasi ikaw agad nakita ko Jannie!" banat naman ni Linus. Ang aga aga naman ng kalandian nito. Haha.
"Good morning Jannie." nakangiting bati ni Zephyr.
"Good morning Jannie!" bati sakin ni Lanier. Siya na ang huling bumati.
Akala ko ay okay na pero pagkasabi niya nun ay saka niya ako hinalikan sa pisngi ko na tila nakapagpatulala sakin.
Bakit niya ko kailangang halikan sa pisngi? Weird niya naman.
Kita ko naman ang mga reaksyon ng mga kapatid niya na tila nagsikunutan ang mga noo at mga di mo maipinta ang itsura. Anong problema nila? Nagseselos ganun? Kung selos din man sa atensyon ko ang nakikita kong ikinaiinis nila ngayon, mukhang hindi naman ata dapat. I mean, pantay pantay na atensyon lang naman ang ibinibigay ko sa kanila dahil pare pareho ko silang mahal bilang mga kapatid at kapamilya ko. Mahal ko silang lahat syempre. Haha.
"Bakit naman may pahalik halik ka pa?" singhal ni Linus na animo'y inis na inis. Selos naman to sa kapatid niya. Talaga naman oh. Parang batang naagawan ng candy.
"Bakit? Masama ba? It's not a malicious kiss unless you give meaning to it." nakangising sabi ni Lanier kay Linus.
"Iba kasi yung dating samin. Di ba?" madiing sambit ni Linus lalo na dun sa salitang 'samin'.
"Yeah right." matabang na sabi ni Knox.Eh? Ngayon lang ata nagreact si Knox sa mga usapang ganito? Hm. Kung sa bagay, sabi niya din ay magbabago na siya. Siguro dapat na din akong masanay na simula ngayon ay mag-iiba na siya.
"I think this is not the right time to deal with that, it's just a 'friendly' kiss, right?" sabi ni Zephyr na may diin sa salitang friendly. Ako lang ba o parang may something pa din sa sinabi niya though he tried to be the arbiter in this mini argument.
"Nah. That is not a 'friendly' kiss." sarkastikong sagot ni Lanier.Hay nako. Hindi ko maintindihan kung anong big deal dun sa halik na yun. Hindi pa man din sila nakakaupo ay nagtatalo na. Masyado bang big deal yung kiss na yun? Hindi naman sa dinedepensahan ko si Lanier sa ginawa niya pero kasi, wala naman akong nakikitang malisya sa ginawa niyang yun.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...