Chapter 3~ Budoy's POV

224 4 2
                                    

[ Matthew’s POV]

Papunta ako dapat sa registration office dahil kailangan kong humabol sa pagbabayad bago mag-lunch break dahil marami pa akong gagawin.

Pag-akyat ko sa unang landing ng hagdan , nakita ko may babaeng nakahiga at walang malay. Bangkay ba to?! O_O

" Tulong .. Tulungan nyo ko ... "

Ay, nagsalita. Buhay pa to.

Nahulog ata siya sa hagdan. May mga gasgas sa braso at noo eh. Kinilabutan tuloy ako. Ayokong nakakakita ng dugo eh. =_=

Kawawa naman. Ang ganda ganda pa naman. Ayy? :D

Dadalin ko sana siya sa clinic kaso lang ang dami kong dalang bag tapos may bitbit pa kong mga libro. Napag-utusan kasi ako ng isang teacher. Di ko naman to pwedeng iwan lang kung saan saan dahil ako ang mananagot sa mga teachers kapag nawala to. Tsk.

Nagpapanic na tuloy ako, di ko alam kung pano sa ililigtas. Napag-desisyunan ko nalang na umakyat muna at humingi ng tulong.

Pagbalik ko, wala na yung babae. Nanaginip lang ba ako?

Pero hindi eh, may naiwang bracelet. Pinulot ko ..

“ Shaira “ Bulong ko. Binasa ko yung naka-engraved dun sa silver na bracelet. Sa kanya nga to. Di nga ako nananaginip. 

Tinago ko na lang yung bracelet para pag nagkita ulit kami eh maibigay ko.

Dumerecho na ko sa pupuntahan ko. Dinala ko na tong mga libro dun sa office na sinabi nung teacher na nag-utos sa akin.

Nakipag-buno pa ko para lang makapasok dahil apaka daming tao. 

" Salamat hijo. " sabi nung matandang teacher.

" Wala pong problema Ma'am. Sige po. " 

Tapos lumabas na ko ng room

Ang haba pala ng pila.  =_______=

Ano ba yan. Di pa ko kumakain. Gutom na gutom na ko. T_T

'

After 1hour .. 

" nom nom nom nom nom. waa. Ang sarap tlaga. " -- sabi nung nasa likod ko.

Napalingon naman ako sa likod ko.

 May matabang lalaki na nakaupo sa bench tapos kumakain ng Chicken Joy.

Waaa. Why art thou? Bakit ang daming temptasyon sa paligid? Gusto ko nang hablutin yung pagkain nya.  

Hay. Buti na lang may baon ako palaging skyflakes saka tubig. Boyscout to! HAHAHA. Yeah. Let's take a break. :D

Ninamnam ko yung skyflakes na parang chicken joy na may gravy. Edi solve!

Nagbasa muna ako ng libro habang nag aantay.....

" Asar naman oh. "  Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa gilid ko. 

O________O Si Shaira?!

Hala? Kanina nakabulagta lang to sa may hagdan ah?

" Miss may sinasabi ka? " 

Tumingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay.

" Ha? Sino ka ba? "

" Ako budoy! " Tapos ginaya ko yung mga gestures nung 'budoy'

Lalo atang nainis.

Kaya kinamusta ko nalang. Naweweirduhan kasi talaga ako sakanya.

Lalo pa kong tinarayan. At nagwalk-out pa.

Sinundan ko pa rin. Tapos bigla ba namang .....

" What do you want?! " 

Ouch. Ang lakas ng sigaw. Halos mabasag eardrums ko dun ah. 

Nangangamusta lang naman ako ah? Problema nito?

Tinanong ko siya kung ayos lang ba sya, tingin ko kasi matindi pagkahulog nya eh.

" Pagkahulog saan? " Ano to? May amnesia?

" Sa puso ko. "  - Ako

Tapos ang dami nyang sinabi na di ko maintindihan. Tapos bigla syang umalis.

Muka syang naiinis na natatakot na naiirita sakin. 

Ano kala nun sakin? Stalker? Excuse me. Masyaso akong gwapo para sa role na yon. MWAHAHAHA.

*****

[ Shaira's POV]

Grabe. Enrollment palang sinalubong na ko ng kamalasan. Ano ba yan. Napa-facepalm tuloy ako. 

Kakauwi ko lang dito sa bahay. Sa bahay namin sa paranaque. Eto talaga yung tirahan namin pero dun kami nakatira ng kapatid ko sa isa pa naming bahay. Mas malapit kasi yon sa school.

Gutom na gutom na ko. T__T 4:30 pm na. Ang huling kain ko eh 11am. At donut lang yung kinain ko. 

Nadatnan ko yung kapatid ko na nakaupo sa sofa habang naglalaro ng psp tapos nanonood pa ng tv. Multi-tasking? haha.

" Shaira, bakit andito ka? Diba dapat andun ka sa condo? " 

Nice greeting sis! =_= Siya nga pala si Sophia. Younger sister ko. 1st year highschool na sya ngayon..

" Ano pakelam mo? Eh ikaw bakit andito ka? " Ganyan kami mag-usap . Ang sweet namin no? :D

" Nevermind. Tss. Magluto ka na nga. mga aalas-sinko na oh. "

" Wow, pano mo nalamang di pa ko kumakain? How thoughtful of you. May lagnat ka ba Pia? "

" Tumigil ka nga. Hindi ikaw. Ako, hindi pa ko kumakain. "

Ouch. Pahiya ako. HAHA

" Eh bakit di ka nagpaluto kay manang? Asan ba sya? "

" Di ba obvious na wala? Nag-grocery na stock dito sa bahay. Dali na magluto ka na, mag-saing na na din. "

" Che! Mag-pagutom ka dyan. Nang pumayat ka. "

" Argh! Isusumbong kita kay daddy pag-uwi nya! "

" As if namang uuwi yun? HAHAHA "

Dumerecho na lang ako sa kwarto ko at nahiga. Sobrang pagod at sakit ng katawan ko. Di naman sinemento yung braso ko, nilagyan lang ng benda. Yung parang kulay brown. HAHA.

Unti-unti nang bumagsak yung talukap ng mata ko. 

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon