Chapter 19~Wild pig appears!

106 1 0
                                        

 [ SHAIRA'S POV]

Natapos na din ang klase sa wakas, apaka-boring na mga subjects, ay hindi pala yung subjects yung boring, yung teachers. =_=  Si Sir Carpio nga ang pinaka bata sa lahat ng profs eh, almost all of them 40 pataas na,    pati tuloy atmosphere sa klase nahahawa sa antukin nilang pagtuturo. Aish. 

Isa pang dumagdag sa panget na atmosphere eh tong si Warren, feeling ko kasi nakatingin siya sakin. (feeler lang haha).. Nakikita ko kasi sa peripheral vision ko na parang nakatingin siya sakin kaya mejo naiilang ako na ewan. Parang hindi ako makagalaw o kaya maka-singhot o kaya makapag-punas ng pawis o kung ano pa man dahil pakiramdam ko pinapanood niya ko. EWAN! Di ko alam kung totoo tong pakiramdam ko oh nag-iilusyon lang ako. Naku, hindi ko na lang ikekwento to kay Angelie dahil siguradong babatukan lang ako non. 

Speaking of Angelie, hindi na siya bumalik simula pa nung lunch break. Remember? PInauna niya ko dahil magsi-cr lang daw siya. Ano kaya nangyari dun? Umuwi kaya dahil masama kaya pakiramdam? Kaya ba nag-cr siya dahil...... O_O HAHAHAHA! Siguro may LBM kaya nauwi nang di oras! HAHAHAHA. Maasar nga kapag nagkita kami. =))

So eto, papunta ako ngayon ng parking lot dahil dito kami magkikita ng yamot na si Spencer dahil sa 'Personal Assistant' drama niya. Umupo ako sa bench sa may lilim ng puno. Kapal talaga ng muka. Ako pa talaga ang pinag-intay. Gentleman much?

Habang tumatagal ang pag-iintay ko ay lalong umiinit ang ulo ko. Pinagbibigyan ko na nga siya tapos nagpapaimportante pa.

5 minutes...

" Pssh. Asan na ba yon... "

10 minutes....

" Bwiset ka Spencer ang tagal mo!"

15 minutes...

" Grr. Badtriiiiiip. Ugh. "

Kinakausap ko ang sarili ko habang inis na inis sa pag-iintay sa busangot na yon. Kanina ko pa gusto umuwi kaya lang baka ma-trouble na naman ako kapag hindi ko inantay yung bwisit na yun dito.

30 minutes....

" ARGH! "

Kumuha ko ng bato at hingis ng malakas with matching GIGIL FACE na walang pakelam kung saan tumama. Nakakainis nama-- *CCCCRAAAACCKKK* (soundeffect ng nabasag XD)

SHEMAY. Tumama sa isang kotse yung malaking batong hinagis ko at nabasag yung salamin sa likod ng sasakyan.

 " What the **** is this? WHO DID THIS?! NOO! MY PRECIOUS CAR!!!" Sigaw nung matabang  lalaki mukang goons at parang batang hinimas himas ang kotse niya. " WHO DID THIS?!?!!?!!" At slow motion na lumingon sa paligid at naghanap ng suspect.

O_______O OH NOOOO. NAKATINGIN SIYA SAKIN. 

Nagkatama ang paningin naming dalawa at ang sama ng tingin niya sakin. T.R.O.U.B.L.E

Winave ko yung dalawang kamay ko at sinenyas na 'its not me'. Pero mukang hindi siya naconvince sa paawa ko at mabilis na naglakad palapit sakin na parang isang galit na baboy este toro. Nasindak naman ako sa muka niya kaya mabilis akong tumakbo.

Kala ko hindi siya makakasunod sa pagtakbo dahil ang taba taba niya pero ang bilis pala niya tumakbo. T_T Potek. KASALANAN MO TO SPENCER!!!

Takbo lang ako ng takbo ng takbo ng takbo ng takbo 100x .. At dahil sa pagtakbo ko lalo pa ata siyang na-convince na ako nga ang may sala sa pagka-basag ng salamin ng kotse niya.

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon