Please, vote, comment and like. :")
__________________________________________
*****
[ Shaira's POV ]
*present*
Paglingon ko, nakita ko si Warren. O________________O
Teka, totoo ba to? Di ba ko namamalikmata?
Nakita ko may pasa siya sa muka.
" Lalabas ako. Uuwi na ko, bakit? Pake mo? " Sagot ko sa tanong niya. Ambitter ko no?
" Uuwi kang naka hospital gown ka? May pamasahe ka ba? Eh nasakin to? " Tapos tinaas niya yung bag ko. Nasa kanya pala.
" Eh bakit ka ba kasi andito? Kung dahil jan sa sugat mo sa muka, bakit dito sa kwarto ko? Wala na bang ibang room sa ospital na to at andito ka? "
" Ba't ba? Ikaw ba ang nagbayad sa kwartong to at pinapalayas mo ko? "
Napahiya naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin siya ang nagbayad nito? At siya din ang nagdala sakin dito?
" Bakit, pinapalayas ba kita? Tinatanong ko lang naman kung bakit andito ka ah? At isa pa kahit buong ospital pa na to, kaya kong bilhin."
" Tinulungan na nga nagmamasungit pa. " Nakita ko na naman yung ngiti niya na yan. Namimiss ko tuloy siya.
Pagkatapos non, kinwento niya sakin lahat at na siya pala nagdala sakin dito...
" Oh? salamat. Sorry rin sa pagtataray kanina. Di ko kasi alam eh. " Then nginitian ko din siya.
" Nakakatuwa ka kausap. HAHA. Ano nga pala pangalan mo? " PAK! OUCH. Seryoso ba siyang di niya alam ang pangalan ko? Ansakit ha.
Ganyanan ba? Alam kong hindi niya ko minahal pero pati ba naman pangalan ko kinalimutan niya? Sakit talaga. Ni siya nga bawat gabi naaalala ko eh, sa tagal ng panahon na di ko siya nakikita eh hindi ko siya nakalimutan, tapos ako, pangalan lang, pangalan lang! DI PA NIYA MAALALA?!!~
Strangers again ba ang drama niya? Tss.
" Uhhmm. Tawagin mo na lang akong Lukresia .^__^V " I smiled bitterly at pinipilit ko pa din magmukang masaya kahit sakit na.
" Oh. Hi Lukresia. HAHAHA. You're funny. " I saw it. He faked his smile. I knew it. Naaalala pa niya ko, ayaw niya lang aminin.
Aish. Ano ba tong pinagsasasabi ko. Pinapaasa ko lang ang sarili ko.
" Kailangan ko nang umalis. Thanks for the company. Babayaran na lang kita pag nagkita tayo. Sorry sa abala. HAHA. Ano nga pala name mo? " Kung kinalimutan niya pangalan ko, pwes ako din.
" Ako si Karding. HAHAHAHA! ^_________^V " Oh. Nice. Natawa siya sa sarili niya. Ako naman serious face lang. Hindi naman kasi ako nakikipag biruan eh. Amf. Bahala siya. Makikiride na lang ako sa kalokohan niya.
Tutal nakabihis na naman ako at nasakin na yung bag ko. Umuwi na ko.
Sumakay ako ng taxi pauwi ng condo. Kapag minamalas nga naman. Ang traffic oh. nagdidilim na. aissshh.
Bigla naman tumugtog yung strangers again sa taxi. Yung totoo, nananadya ba to?
At dahil ang haba ng byahe mula hospital hanggang condo, napilitan akong pakinggan at tapusin yung kanta.
would you look at me?
I am frustrated
I am sick and tired of things I love to do

BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
Teen FictionPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...