Chapter 11~The moment of truth

113 3 0
                                    

[ Warren's POV ]

Flashback..

February 13 na. Anniversary na namin ni Shaira bukas. Saktong valentines day pa. Mahal na mahal ko si Shaira. Pero imbis na mag-isip ako ng surprise para batiin siya, ngayon ay nag-iisip ako kung pano ko siya lolokohin at iiwan. napaka hirap ng sitwasyon ko. Kapag sinaktan ko siya, tripleng sakit ang mararamdaman ko.  Pero andito na to. wala nang atrasan.

 Dinial ko yung number ni Dominique. Isang babeng obssesed na obssesed sa kin.

Alam kong siya lang ang papayag sa plano kong to. Magugustuhan nya naman to panigurado eh. Saka sigurado akong hindi siya tatanggi. Tutal makulit naman siya eh, pagbibigyan ko na.

Calling Dominique ..

" Warren! HEY BABE! NAPATAWAG KA? NAMISS MO KO?! EEEH .. KAW TALAGA .. KAKILIG. "

Tingnan nyo? Hindi pa ako nakakapagsalita ang dami na niyang nasabi. =__= Ni hindi ko nga ka ano ano tapos babe ang tawag sakin. Ano ako, baboy!?

" Makipagkita ka sakin sa park bukas ng 5pm. Wag nang madaming tanong , basta sumipot ka na lang. "

 " wow. date ba yan babe? how swe--- "

Inend call ko na. Ang dami pang sinasabi eh. Kairita.

Tapos cinontact ko naman si Shaira.

Calling Shaira ....

  " Hello, Shaira. "

" Warren, napatawag ka? Buti hindi ka na busy. Advance happy anniversary hon, I love you. "

Tapos narinig ko siya tumawa. Ramdam kong naghihintay siya sa sagot ko pero di ko na talaga napigilan yung luha ko. Tuloy tuloy na siya sa pag-agos habang naririnig ko yung boses ni Shaira na punong puno ng kasiyahan at pananabik. Bukas lang ulit kami magkikita matapos ang ilang araw dahil sa sobrang busy ko tapos eto pa ang gagawin ko.

 " Uy, umiiyak ka no? Hon, may problem ba? Uy .. "

" Wala to hon, sobrang miss na miss na miss lang kita. Advance happpy anniversary. I love you so much. "

" Aww. Ang sweet na hon ko. San tayo bukas? "

" Magkita tayo sa park ng 5pm. Be on time ah? hehe. Magingat ka. Kung ano man ang mangyrai bukas. tandaan mo, mahal na mahal kita. "

" Eto naman masyado akong pinapakilig. Sige hon, kita tayo bukas. Miss na kita. Love you. "

Binaba ko na yung call. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang sasabog na yung dibdib ko dahil sa lungkot at guilt. Napaka bait at inosenteng tao ni Shaira para saktan lang ng isang katulad ko.

Iba siya sa lahat ng babae, naiintindihan niya ko kapag busy ako. Tinetext niya pa pa din ako palagi kahit na hindi ko siya narereplyan. Dinadalan pa niya ko ng pagkain sa basketball training kapag hindi ko siya masabayan sa paglu-lunch. Sinorpresa pa niya ko nung birthday ko samantalang ako boque of roses lang ang nabibigay ko at hindi ko pa yon maaalala kundi dahil sa bestfriend niya. Naisip ko tuloy na napakasama kong tao lalo na kay Shaira.

 ----

Thursday. 4pm

Eto na. Dumating na ang itinakdang araw. Ang araw na babasagin at sasaktan ko ang puso ng babaeng pinakamamahal ko.

 Gumayak na ko at nagsuot ng simpleng shirt, pants, at hoodie. Di ko kelangan pumorma ng husto dahil nonsense din naman.

4:45pm na. Andito na ko sa park. Naupo ako sa isang bench at inantay dumating ang sino man sa kanila.

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon