Chapter 24~Kenneth the SPY-der

90 2 0
                                    

[ SHAIRA’S POV]

Paguwi ko, unexpected ang nakita ko. Ang daming gwardiya sa labas ng pinto ng condo ko. Pagpasok ko naman ay  nakita ko ang isang lalake na nakaupo sa upuan sa may dining table namin.

“ Dad? “

Tumayo siya at humarap sa akin. He gave me a fake smile at pumalakpak, sarcastically.

“ Dumating na pala ang magaling kong anak. Where have you been, my princess?”

Lumapit siya sa akin at sinuklay ng kamay niya ang buhok ko, sarcastically again.

Problema ba ng tatay ko na to? Nakaka walang pasensya na ah.

“ Bakit ho kayo nandito?”

“ Ayaw mo bang makita ang daddy mo? “ sarcastically said again. My dad is a master of sarcasm, seriously.

“ Dad, please go straight to the point. I’m not fond of playing games. “

“ Andito lang naman ako para ipaalam sayo na you’re grounded for a week and from now on, you will go everywhere you want, with your body guards. “

Watta nice. Ang galing talaga ng ama ko. Yung mga tama kong nagagawa hindi niya pinapansin, yung mga accomplishments ko hindi man lang niya nabibigyang credit, sa lahat ng oras ni hindi man lang niya ko makamusta o mapuntahan, tapos, pupunta lang pala siya kapag may isusumbat na naman siya sakin o kaya may punishment na ipapataw sa akin.

“ WHAT!? Pero may kasunduan tayo! Papayag ako sa course at university na gusto mo na pagaaralan ko basta’t aalisan nyo ko ng body guards! How dare you!? “

“ Oh, really? Nalimutan mo ata ang kasunduan natin, you should maintain your grades, your publicity, reputa---“

“ yes! I know! Eh ano naman ang binali ko sa kadunduan natin? My grades are high! “

“ Hah. You should have known what you’re doing. Nalaman ko lang naman na 3 days kang hindi umuwi at nagbantay ka sa isang lalaki sa ospital. Am I right, young lady? “

Paano naman niya nalaman?! >_<

Napatingin ako kay Sophia na nasa likod ni daddy. Nakangisi siya sakin. Alam ko na ngayon kung sino ang may kagagawan nito. 

“ What’s the big deal? Concerned lang naman ak—“

“ Oh come on. Concerned? Lang? Nasa iisang kwarto kayong dalawa? Babae ka at lalaki siya. Tingin mo tama yun? Paganahin mo ang utak mo. Umabsent  ka pa sa school para lang sa binabantayan mo!

As usual. Natalo na naman ako sa usapan. Sumasakit na ang ulo ko. Problema nga kay Spencer problema pa din pag uwi. At ang masaklap, may mga body guards na naman ako! Argh! I HATE IIIIIIIIIIITTT!!!!! >_<

Umalis na si Daddy at naiwan nalang kami ni Sophia at ang isang body guard sa loob ng bahay. Like hello!? Nagalit siyang may binantayan akong lalaki sa ospital then hahayaan niya kami ni Sophia sa bahay ng may kasamang lalake na hindi man lang naman kilala?!

Nasa may pinto siya, nakatayo  lang dun. Nakablack long sleeved shirt, black pants at naka black face mask at black bonnet. Di naman siya nilalamig? =_=

Nakita ko siyang nakatingin sakin, lumayo naman siya ng tingin. Nakakailang lang! Paano ako makakakilos ng maayos kung may lalaki sa bahay?!

Nanood ako ng tv hanggang sa maghapon, 5pm na at ugali kong mag jogging at magbike tuwing hapon kapag free ako. Nagpalit ako ng damit at akmang lalabas ng pinto nang biglang siyang humarang.

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon