Chapter 23~Spencer's POV

86 2 0
                                    

Dedicated to Katkat_smile

Pakibasa din yung story niya.

TV+BOOKS=LOVE? 

SALAMAAAAAAAAAT!

*************

[ SPENCER’S POV]

6am palang nagising na ko. Ang haba na kasi ng tulog ko eh.

Pagtingin ko sa sofa. Mahimbing na mahimbing pa din ang tulog ni Shaira. Nakokonsensya tuloy ako. Pakiramdam ko masyado siyang napapagod at napupuyat dahl sakin.

Tiningnan ko siya at para siyang prinsesa matulog.  Parang ang hinhin at ang bait niya habang nakapikit. Sana palagi nalang siyang tulog. HAHA.

Nakabaluktot siya at mukang nilalamig kaya kumuha ako ng kumot sa cabinet at kinumutan siya.

At dahil wala akong kakaining almusal dahil hindi pa gumigising si Shaira, kakain nalang muna ako ng prutas.

Kumuha ako ng orange at maglilimang minuto na eh hindi ko pa din mabalatan lahat. Tss. Pati ba naman sa pagkain ng orange kelangan ko pa din si Shaira. Pambihira oh. =_=

Naglaro nalang ako ng temple run hanggang sa alas dyes na ng umaga, hindi pa din gumigising! >_<

Niyugyog ko yung balikat niya para gisingin siya.

“ Psst  huy. “

“ Mhhzzssaxz. “ ABA! Ayaw pa din?!

“ Umaga na oy. “

*PAAK!*

Ayun, sinampal ko. Ayaw gumising eh. Nakakayamot na. >.<

Buti naman nagising na siya dahil sa sampal. Gusto pang nasasaktan eh. =_=

Mga 11am, lumabas siya ng kwarto para bumili ng lunch. Gutom na gutom na ko eh. Di pa ko nag aalmusal.

At dahil napakatagal niya at inip na inip na ko. Natripan ko pakelaman yung bag niya.

Ano pa nga ba ang inaasahan? Edi may polbo, suklay, salamin.. Pero walang make-up. Nakakapagtaka lang. Halos lahat ng babae nagmemake-up, siya lang ang wala.

May nakita akong isang wallet sa bag niya.

BInuksan ko to ng magulat ako sa laman nito.

(PS. Wala akong balak nakawan si Shaira. Marami akong pera =_=)

Pictures. Maraming pictures.

Pictures niya..

At pictures nila…

Nila ni Warren.

O_o

Nung una napaisip ako sa kaugnayan nilang dalawa. Pero dahil kita naman sa mga pictures, alam na.

Nakakagulat lang. Pumapatol pala ang isang palaban na Shaira Villegas sa isang Warren Concpecion na isang gangster at basagulero? Tss.

Nakita ko pa yung mga pictures niya na naka-ngiti. Yung ngiti na dito ko lang sa litrato nakita. Hindi ko pa nakikita si Shaira na ngumiti nang ganito. Parang ang saya saya nya sa picture. Muka ding napaka saya niya kasama si Warren.

Niligpit ko na yung mga gamit niya at ibinalik ng maayos sa bag dahil baka bigla na siyang dumating.

Saktong pabalik na ko sa kama nang dumating siya.

Tiningnan ko siya ng masama dahil ang tagal ko nag-antay. =_= Isa pa, gutom na gutom na ko.

Parang namang abno, natatawa pa siya eh galit na nga ako.

Tinanong ko siya pero pinilosopo lang ako kaya naman kinuha ko nalang yung dala niyang pagkain. Napansin kong ang dumi at ang dungis niya. Pero di ko nalang pinansin dahil kumakain ako at gutom na gutom ako. =_=

Inaya ko siyang kumain pero ang tigas ng ulo. May nalalaman pa siyang ‘Makita lang kitang busog busog na din ako’. Kinikilabutan ako sa kanya. Ilang beses ko tinawag pero ayaw pa ding lumapit kaya binato ko ng kutsara. Napaka kulit eh.

Umupo siya sa kama ko pero nanood lang siya ng tv, hindi pa din kumakain. Tinusok tusok ko yung tagiliran niya at nung oras na humarap siya eh sinalpak ko sa bibig nya yung pagkain.

Ayan, aangal ka pa ahh..

Aba! Hindi gumanti? May sakit ba to?

Tinanong niya ko kung tapos nab a ako kumain, tapos niligpit niya yung pinagkainan ko. Mukang may kinikilos siyang hindi normal. =_=

Sabi ko na nga ba eh! May pinapalano tong masama eh!

Bumalik siya sa kama at binatukan kiniliti at sinapak ako. T_T Kawawa naman ang gwapo kong muka. >_<

“ A-r-ray! Oww! Te-te-teka lang! M-mas-sakit! HAHAHH! H-hoy! A-anuba! “

Di ko mapigilan ang sarili ko sa kakatawa. Mejo nanghihina pa ko kaya hindi pa ko makalaban. Kung nagkaton baka tumilampon na sa malayo tong babaeng to.

May bigla namang pumasok sa pinto. Ang inaasahan ko eh si Manager dahil siya lnag naman ang nagpupunta dito.

Sino tong mokong na to?!

“ Ay! Sori! Naistorbo ko kayo. DIbale next time nalang. Bye. “ Aalis na yung lalake. Buti naman. =_=

‘ O-oy! T-teka lang! Pumasok ka! Tara dito! “  Aalis na nga pinipigilan pa! Tsss!

“ E-eh. “

“ SINO SIYA?! “  SIgaw ko. Sino ba naman ang di maiinis na may biglang may papasok sa kwarto mo na ni hindi mo kilala.

“ SI Kenneth, kaibigan ko. “ Pakilala ni Shaira sakin. Kaano ano naman niya tong ungas na to?

 “ Hello Shaira and Spencer. Sorry sa istorbo. Eto nga pala wallet mo, naiwan mo sa upuan mo kanina nung kumain tayo eh. “  Kung maka-Spencer naman kala mong close kami! Ni hindi ko nga siya kilala eh!

Kumain?! Kaya ba matagal nawala si Shaira kasi nakipag kita siya sa kanya?

“ Bakit mo ko kilala? Saka kumain kayo?! “

“ U-uhm, I guess I have to leave. “

“ Buti alam mo. “ Sagot ko. Naaalibadbaran ako. Ampanget ng aura sa kwarto. >_<

“ A-ay. Bye Shaira. Sige. “

Pagkalabas nung ‘Kenneth’ tinanong ko kaagad si Shaira kung sino yun at pinapaliwanag ko siya sa mga sinabi nung ungas na yun.

“ PA kita, kaya dapat alam ko ang lahat sayo. Sino yun? Kaya ba di ka kaagad bumalik kanina at hinayaan mo kong magutom dito eh dahil dun? Ha? Eh pambihira pala! Ano ba naman yan?! Kala ko nagtatrabaho ka tapos nakakikipag kita ka lang pala sa ibang lalake?! Di ko na alam kung ano mga nasabi ko. Nakakayamot lang kasi! Kampante ako na lalabas lang siya para may bilin tapos nakikipag kita na siya sa iba!?

Teka, why am I  acting this way? Parang nakipagkita lang sa iubang lalaki naiinis na ko ng ganito. Tsss. Arghh.

“ HOOOOY! Magtigil ka! Wala kang karapatan para magalit sakin sa mga ginagawa ko, bakit? Kumain lang naman kami ah? Ano ba pake mo? Bakit ang dami mong tanong?!  Ano ba kita? HA?! Kung gusto mo ng trabahador humanap ka ng katulong mo! Nakakainis ka!! “ Sht. Di ko alam na magagalit siya nang sobra. ANO NGA BA AKO at ganito ako umasta? Wala naman diba? Ako lang naman ang lalakeng nagpapahirap sa buhay nya. Yun lang.

Umalis siya ng ‘ alis na ko bye’ lang ang sinasabi.

I was left dumbfounded.

Ano gagawin ko? Hindi ako marunong manuyo ng galit na tigre este babae. =_=

Nakakainis. Ako yung boss tapos ako pa yung magpapakumbaba. ARGH.

Vote and comment. :)

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon