Chapter 9~ Super Warren!

134 3 0
                                        

[ Warren's POV ]

 “ Thanks Miss. *Wink “ Napangiti naman yung cashier lady sakin, napag hahalatang kinikilig eh. Ba’t ba ganyan ang mga babae, masyadong obvious.

Dumaan muna ko ng Mcdo para magtake-out ng pagkain. Di kasi pwedeng magluto sa dorm, para daw iwas sunog, saka tamad din naman akong magluto, saka higit sa lahat, wala kaming lutuan. XD

Pag-akyat ko ng dorm eh nilamon ko na yung binili ko dahil gutom na gutom ako. Nung itatapon ko na yung pinagkainan ko, nakita ko eh punong puno na yung basurahan namin. Grabe talaga kapag puro lalake kayo sa bahay. Kala mong araw araw may bagyong ondoy o milenyo, kung hindi magulo o nakakalat ang mga gamit sa sahig, baha ang lababo o ang cr.

Apat kaming magkakabarkada na magkakasama sa iisang kwarto. Ako, si Lloyd, si jedd at si desh.

Bumaba ulit tuloy ako ng building para itapon yung mga kalat at basura sa kwarto namin . Pasalamat sila masipag ako at may malasakit sa kapaligiran. XD

Pagbaba ko naman eh may nakita akong maaksyong pangyayari. Isang babaeng walang mala yang pinagsasamantalahan ng apat ng lalake hindi naman ganong katandaan. Siguro ay matanda lang sakin ng 5 years.

Te.. Teka. .. Kilala ko yung babaeng yun ah. ARGH! HUMANDA KAYO SAKEN!

“ Hoy! MGA ****! LAYUAN NIYO SIYA! “ Sinabi ko habang tumatakbo papunta sa kanila.

“ Pare, kilala mo ba yang totoy na yan ha? “ – Panget 1

“ Hindi pare eh. “ tumingin sakin “ Ikaw, sino ka ba ah? Umalis ka na kung ayaw mong madamay dito.  “ – Panget 2

Binalik niya yung tingin kay Shaira at pinagpatuloy yung ginagawa niya.

“ ANG SABI KO. LAYUAN. NIYO . SIYA! “ I told them with closed fists and gritted teeth. Tapos, binato ko kay panget 2 yung dala dala kong malaking supot ng basura.

Tiningnan naman niya ako ng masama.

“ Aba pare, mukang lalaban si totoy ah. “ –Panget 3

  Simulan nay an ng matigilan na. Daming istorbo eh. Naghihintay ang masarap na ulam oh. “ –Panget 4 Sabay nguso kay Shaira

Binitawan nila si Shaira kaya bumagsak siya sa lupa at sabay sabay silang lumapit sa akin. Inextend ko naman yung right hand ko sa kanila para sabihing ‘ wait ‘. Sumunod naman ang mga loko at huminto. Hinawi ko sila at dumaan sa gitna nila.

Nilapitan ko si Shaira, inayos ko siya ng pagkakaupo at pinagpagan yung damit niya. May konti dugo pa siya kaya pinunasan ko na din.

“ Ehem. “ – panget

Mukang ready na sila sa laban at tintawag na nila ako. Humarap ako sa kanila at nag-flex ng mga braso. Apat sila at isa lang ako, alam kong hindi ko sila kaya, pero bahala na, para kay shaira.

PInalibutan nila akong apat, umiikot naman ako para bantayan ang mga kilos nila, nang biglang sumipa sa binti ko kaya napaluhod ako. May humawak naman sa dalawa kong kamay kaya para akong nakaposas sa likod at may sumabunot din sa buhok ko kaya nagyon ay nakatingala ako at nakatingin sa kanilang apat.

“ Ang lakas ng loob mong makisali sa gulo, wala ka naman palang binabat. Ang mga totoy na tulad mo, dapat nandun sa bahay niyo, sa ilalim ng saya ng  nanay mo! HAHAHAAH! “

Tapos may sumapak sa muka ko. Ouch. Nahilo ako dun.

“ Bitawan niyo siya. “ Mejo hilo na ko pero narinig ko may nagsalita. SImple lang yung pagkasabi pero sobrang bossy ng boses.

Bigla naman akong binitawan nung apat kaya napahiga ako sa semento. Ano ba yan, bumigay agad sila? Mga duwag naman pala eh. Narinig ko silang nagtakbuhan.

Pagdilat ko, nakita ko si lloyd, jedd, at desh na nakatingin sakin. Nakatayo sila kasama ang isang lalaking naka-amerikana.

Tinulungan nila akong tatlo para makatayo kaya naman nakilala ko na yung lalaking kasama nila. Siya yung leader ng fraternity na kinabibilangan naming nila Lloyd, desh at jedd.

“ Niradyuhan kami nung gwardya kaya napuntahan ka kaagad namin.”  - jedd

“ Iwan niyo muna kami, may paguusapan lang kami. “ – master

Yan lang ang gusto niyang itawag naming sakanya. Kahit sino samin ay wala pang nakakalaalam ng pangalan niya.

Nag-bow naman yung tatlo sa kanya tapos sinenyasan ko naman sila para kunin si Shaira at ipagamot.

“Ano po ba ang pag-uusapan natin master. “

“ Nakalimutan mo na ba yung pinagkasunduan natin? “

“ Hi... Hindi po master.. Hindi ko po iyon nakakalimutan . Iniligtas ko lang po siya kaya ko siya nilapitan.”

“ Good, mabuting nagkakalinawan tayong dalawa. I don’t anyone breaking my rules. Ayaw ko ng traydor sa grupo. Alam mo ang maaring mangyari. At isa pa, kung may gusto kang iligtas, tumawag ka ng back-up, wag kang kumilos mag-isa.“

“ Yes master, pasensya na po. Di na po mauulit. “

I said with scared and trembled voice… Wala akong magagawa .. Hawak niya ko sa leeg. .. 

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon