Chapter 16~The freak sister

119 3 0
                                    

 **********

[SHAIRA’S POV]

Lumabas na lahat ng estudyante samantalang naiwan ako ditong nakaupo at nag-iisip pa din ng gagawin. Lalo lang akong naguluhan sa mga sinabi ni Matthew.

Pano na? Ano na gagawin ko?

Wala talaga akong maisip. Pero syempre hindi ako threathened sa yamot na yun, kung mayaman sila mas mayaman kami. Wala akong pakelam kung sila may ari ng school na to. Basta hindi ako makikipag deal sakanya. Manigas siya.

Since wala akong kasabay maglunch sa canteen dahil wala pa din si Angelie, kakainin ko nalang yung baon kong lunch dito sa room. Sayang naman kasi ang dalawang oras kung tutunganga lang dito, magugutom lang ako.

Wala naman sigurong pakielam yung mga natirang estujante dito. At kung magreact man sila isusupalpal ko sakanila  tong heels ko. 

Binuksan ko na yung dala kong Tupperware at bumulaga sakin ang masarap  na tocino at beef tapa, ang mga paborito kong almusal. Di talaga nakakalimot si nanay Maring. :”>

Nakatatlong subo na ko nang biglang …

“  Aww. Ang cheap. Ano siya? Walang baong pera at nagbabaon pa ng kanin at ulam?“

“ Tss. College na nagbabaon pa, di na nahiya . “

“ Oonga, nung kinder ko nga lang ginagawa yan eh. “

Tapos nagtawan sila. Di na kaduadudang ako ang pinaguusapan nila. Ako lang naman ang kumakain dito sa loob ng room eh.  Naku, kung di lang ako gutom eh ihahagis ko tong pagkain ko sakanila, kaya lang sayang.  Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at umaasang tumigil sila pero nangangalahati na ko sa pagkain eh patuloy pa din sila.

“ Ano kaya yung ulam na yun? It looks like a little creepy. “

“ Oonga eh, what’s with that color brown thing? Yuck. “

“  And it also smells bad. Didn’t she realized that we are just in the same airconditioned room?! Tss. No manners. “

“ WILL YOU SHUT UP YOU  FROGS! NAKITA NYO NAMANG MAY KUMAKAIN EH ANG INGAY INGAY NYO JAN! AT ISA PA KUNG PAGUUSAPAN NYO KO, MAGBULUNGAN KAYO NANG HINDI KO MARINIG! TSS. Morons! “

Nagulat sila tapos tumayo yung girl number 3 at mukang susugurin ako.

“ Anong tinawag mo samin?! “

“  Oh bakit nagtatagalog ka ngayon? Ubos na ba dugo mo sa kaka-nosebleed? Gusto mo dalin na kita sa ospital? Pasalin ka na nga dugo ano ba blood type mo? Namumutla ka na oh”

“ Ulitin mo nga yang sinabi mo!? “

Di kalang pala anemic. Bingi ka pa. Pag nagpa-ospital ka pachek-up ka na din sa tenga ha? “

“ YOU FREAK! “

“ Tao ako, hindi freak. Di katulad nyo, FROGS. “

“ Stop pissing me off! “

“ Aww. Bakit? Napipikon ka na ba? Kawawa ka naman. Oh! Tingnan mo oh, naluluha ka na! Wag mong sabihing iiyak ka? Ay oonga iiyak ka na nga oh! “

“I can definitely expell you out of this school! “Pagbabanta niya. Namumula na siya sa galit. Like what. Lahat ba sila kaya ako iexpell dito? Ano ba naman yan? Pa-expellan?

Bakit? Ikaw din ba pagmamay-ari mo din tong school? HA? “

“ Definitley YES! “

“ Ay ganon? Yung lalaki kanina sabi siya daw may ari nito, tapos ikaw din? Ano to pagmamay-ari ng lahat? Public property? Come on, sino maniniwala sa kalokohang yan? “

“ Remember  this face you  ewe creature! “

“ Promise, I will remember your face, your UGLY FACE “

“ Aba tala---“

Hey stop that nonsense Tanya. “ Saway nung lalaking nasa may pinto.

“ Ka-kanina ka pa ba jan? “

“ Yes. “

“ Wala lang to, d-di kami nag aa----“

“ Oh come on. Tinatawag ka na nagpapaliwanang ka pa. “ Pangaasar ko sakanya. Sino naman kaya yung lalaking yung at parang kinabahan ata tong palakang to? Dalidali naman siyang lumabas kasunod yung mga frogs.

Tinapos ko na yung pagkain ko then….

I LIVED HAPPILY EVER AFTER.

Charing.

Eto 5 mins nalang bago magbell kaya nagsipasukan na yung mga  kaklase ko kaya naalala ko naman yung yamot na lalaking yun.

As usual, katabi ko na naman tong yamot na to.

“ Have you already made up your decision? “ Sabi ni yamot. Pero hindi nakatingin sakin. Sino naman kausap nun?

“ Hoy. Tinatanong kita. “ Biglang tumingin sakin. So ako pala ang kausap nya.

Tiningnan  ko siya ng masama at sinabing, “ Ayoko. “

“ Oh really? I can extend the time if you want to think again. Just tell me your decision tomorrow after class. “ Tapos inalis na ulit niya yung tingin niya sakin.

Hindi lang yamot, makulit pa, gusto pa ata ng paulit ulit. =_=

**

Dumating na yung teacher, design teacher daw.Muka naman siyang nice at kumportbale magturo.

“ I will call your name one by one the I will let you introduce yourself here in front. “

WHAT.

Nag-react yung buong klase at mukang lahat kami eh ayaw pumunta sa harap.

“ I’m Paul M. Alonzo, 17 years old, lives in BF homes Paranaque city. My hobbies are reading books especially harry poter and Chronicles of Narnia.”

“ Aww. Gay. “

“ hahahaha”

Nagpakilala na yung unang estudyante kaya lang inasar lang nung iba naming kaklaseng  lalaki dahil may pagka-nerd. Kawawa tuloy. =_=

After 1234567899876542124 years. Nasa letter L na din sa mga boys. Actually konti lang kaming magkakaklase, kaya lang napakabagal magsalita nung mga nauna dahil nahihiya tapos nagiisip pa ng sasabihin. Yung isa ba sa sobrang kaba eh nasa harapan na bigla pang nagpaalam na magsi-cr.

“ Hi everyone! My beautiful name is …. TENENENEN TENEN! Pedrillo Ismael Lacson! But I prefer the name Precious! My hobby is playing with boys. “ Tapos nagtawanan yung buong klase kasama ko, pwere tong katabi kong pasan ang buong daigdig.

Bigla siyang tumayo at nagpunta sa harapan.

 .

“ Spencer Lee. 18 years old. Matalino, gwapo, mayaman. “

“ MAY BAGYO BA? ANLAKAS NG HANGIN!! HAHAHA! “ Sigaw nung isang lalaki tapos tinawanan siya ni Spencer. Mukang kabarkada niya ata yung mga yun. Pero ngayon ko lang nakitang ngumiti yung yamot na yun ah. Sabagay, first day of class lang naman ngayon. Tss.

“ NEXT! “

“ Hello everone! My name is ESMERALDO AKA EMERALD MARTINEZ! *kaway beauty queen* 18 years of age! I live in the beautiful place of Tondo! 30-23-25! May kasabihan po tayo, aanhin pa ang damo kung patay na ang katabi ko! That’s all thank you!*kaway kaway*

Nakakatawa yung mga kaklase ko, may mga kalog din pala. Bahala na, basta pipilitin kong makicope up dito sa mga taong to. No choice ako eh, lalo na sa katabi ko.

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon