Chapter 18~DEAL!

105 1 0
                                    

[ SHAIRA'S POV ]

Second day na ng school ngayon at syempre hindi ako nalate at tinanghali ng gising dahil ang aga ko natulog kagabi. HAHAHA. Nauna na nga pala akong pumasok sa kapatid ko dahil magkaiba kami ng schedule. Bahala na siya sa buhay niya, malaki na siya. 

Magkahiwalay na nga pala kami ngayon ng kwarto dahil tapos na ayusin yung kwarto niya. Tss. Maganda pa nga yung kwarto niya kaysa sakin eh. =_=

So ayun, nakarating ako sa school 30 mins. before the time. Nag-taxi ako ngayon dahil no choice, wala kaming driver. Napaka talaga ni daddy >_<

9am ang una naming subject na history. Balita ko naman eh mabait daw yung teacher namin dun. Dumerecho na ko sa room pero ako palang mag-isa kaya umupo na ko sa upuan ko sa likod. Sanadali lang at nagsidatingan na yung mga kaklase ko.

Dumating na din yung tatlong pala AKA T3 (Topak 3) na sila Tanya, thea at toni, aba't inirapan pa ko. Siguro ganyan ang mga muka nyan dahil ang aga aga inii-stress ang mga sarili. Jusme.

Ilang minuto lang sumating na yung History Teacher namin at nakangiti naman syang bumati samin. 

" Good morning Archi students. I am Mr. Martin Carpio, your History professor. I took BS Architecture at the Harvard Academy  and graduated Magna Cum Laude and I want to share you my knowledge." Gwapo sana si Sir kaya lang mayabang. Tss.

*TOK TOK TOK TOK!*

May kumatok. (obvious ba?) 

" Wait a second." Binuksan ni Prof yung pinto at may kinausap sa labas. Isang minuto din siguro siyang nakipag usap tapos humarap ulit siya samin. " So here's your new classmates. They'll introduce themselves one by one."

Pumasok yung isang lalaki may itsura tapos singkit. " I'm Lloyd Lopez. Nice to meet you all. " Sabay kindat kay Klarysse kaya lang hindi yata kinilig kaya minura siya. Natawa tuloy yung buong klase.

" Goodmorning. I'm Desh. " Ngumiti  siya tapos naupo na siya sa bakanteng upuan sa harap.

" Hi I'm Jedd Rivera." Ngumiti siya at kumaway pa sakin. Nagdalawang isip pa ko kung ako yung kinawayan niya pero since lalake yung nasa harap ko at pader na yung nasa likod ko, ako nga yun. Hindi nalang ako kumibo dahil late na para mag-react.

Umakyat ang dugo ko sa ulo at dumilim ang paningin ko sa sumunod na pumasok. 

" My name is Dominique." Ngumiti at nag-bow siya samin na kala mong isang mabait, kagalang-galang at harmless na anghel. Pasalamat siya hindi nagtama ang paningin namin kundi patay siya.

" So I guess this is the last."

Bumagal naman ang takbo ng lahat sa kahulihulihang nagpakilala.

" Warren, Warren Concepcion." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sakin. 

Naglakad siya sa aisle tapos nadaanan niya si Dominique, hinawakan nito yung kamay na at sinabing doon siya maupo sa tabi niya pero binawi ni Waren yung kamay nya nang hindi man lang tumitingin kay Dominique tapos dumerecho na siya sa upuan sa pinakalikod....... 

....sa tabi ko.. 

Lumingon naman sakin si Angelie with worried face. Ngumiti naman ako sakanaya ng pilit para ipakitang ayos lang ako.

Pero hindi. Andun pa din eh, andun pa din yung sakit.

 Pati yung feelings, eto pa din oh. *turo sa puso*

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon