Chapter 20~Ang orange, bow

116 2 0
                                    

Dedicated to WalkingSaluyot 

Siya gumawa nung bagong cover nito. THANKS YOOOUUU! At saka madaming beses ko ding nabanggit ang salitang 'orange' dito. hahaha. Salamat ulit! :-* -- YunisLowis :D

[SHAIRA’S POV]

Di pa din ako makapaniwala sa mga sinabi ni Spencer. Di kaya epekto lang yun ng sakit niya? Siya? Saka si Dominique? Parang ang imposible naman. Yang si Spencer papatol dun sa landita na yun? Pero sabagay, pede din, mukang kina-career ni Dominique ang pangfi-flirt kaya nagtatagumpay siya eh. Hay nako. Pero ang hirap pa din paniwalaan.

11:39 na ng gabi at mahimbing pa din tong si Spencer, mukang magtutuloy na hanggang bukas ng umaga yung tulog niya.

Binuksan ko muna yung cellphone ko at naglaro dahil hindi pa ko dinandapuan ng antok. SIguradong mapupuyat ako ngayon kaya hindi na ko papasok bukas. Perwisyo tong spencer na to. Pangatlong araw ng klase aabsent agad ako. =_=

Naisipan ko naman tawagan si Angelie para kamustahin dahil hindi na siya bumalik kanina . Lumabas muna ko ng kwarto at baka magising tong pasyente. =_=

“ Oh, Shaira, ikaw pala. “

“ Kamusta Angelie? Bakit di kana bumalik kanina? “

“ Aah. E-eh.. S-sumama pakiramdam ko eh. “

“ Di ka man lang nagpaalam sakin. “

“ Eh di ko na kaya eh.. Ang sakit sakit na. “

“ Ha?”

Ibig ko sabihin, ang sakit sakit na ng tiyan ko kaya umuwi ako agad.”

“ A-ah ganun ba. “

Nakita kong biglang may isang babaeng nagmamadaling pumasok sa kwarto ni Spencer kaya nataranta ako.

“ Angelie teka lang ah may pumasok sa kwarto ni spencer eh! “

“ Ha? Kwarto ni Spencer? Nanjan ka sa bahay niya? Hoy! Anong ginagawa mo dyan?! “

“ Teka! Saka nalang ako magpapaliwanag ! bye “

Inend call ko na agad at tumakbo sa kwarto ni Spencer.

Nagulat yata yung babae sakin na mukang masungit at frustrated.

“ Uh, sino po kayo?” Tanong ko.

“ Ikaw ang dapat kong tanungin, sino ka?”

“ Uhm, kaklase po ako ni Spencer. “

“ Anong ginagawa mo dito?” Binabantayan ko malamang. Tatanga tanga naman to. =_=

“ Nagbabantay po sakanya. “

“ At bakit ikaw ang nagbabantay sa kanya? “ Napaka walang sense namang magtanong nito.

“ Ako po kasi nagdala sakanya sa clinic. “

So, ikaw pala ang may kasalanan kung bakit nangyari sakanya to. “ Kapag ako ang nagdala sa kanya dito ako na agad ang may kasalanan? Di ba pwedeng sakitin lang talaga si Spencer? =_=

“ Di ko naman po kasi alam eh. Sorry po. “

Ako ang Manager ni Spencer. I am manager Jham. “

“ Uh, okay po. Shaira po pangalan ko. “ Nagulat naman ako nang iabot niya yung kamay niya para makipag shake hands at nginitian pa niya ko.

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon