[ANGELIE’S POV]
Okay, hatinggabi na, di pa din ako makatulog dahil sa nangyari kanina..
Kanina pa din ako iyak ng iyak. Madedehydrate na ata ako. T_T
Kung galit ka, magparamdam ka! sabihin mo! Hindi yung pinagmumukha mo kong tanga dahil ni hindi ko alam kung ano yung ginawa kong mali!
Kung galit ka, magparamdam ka! sabihin mo! Hindi yung pinagmumukha mo kong tanga dahil ni hindi ko alam kung ano yung ginawa kong mali!
Kung galit ka, magparamdam ka! sabihin mo! Hindi yung pinagmumukha mo kong tanga dahil ni hindi ko alam kung ano yung ginawa kong mali!
*SNIFF * *SNIFF*
Parang nasaktan ko yata siya T_T Di ko na kasi alam ang gagawin ko. Tumalikod ako sakanya tapos tuloy tuloy nang umagos yung luha ko kaya hindi na ulit ako nakaharap sa kanya para sabihin yung nararamdaman ko.
Napakababaw ko talaga. Pagdating kay Matthew napaka iyakin ko.
Pano nalang yan? Kung habang buhay akong ganito, nananahimik, umiiwas at umiiyak sa isang tabi, habang buhay nalang din kaming ganto, di maayos. Pano nalang yung pagkakaibigan namin? Masasayang nalang ba yun dahil dito sa nararamdaman ko? T_T
╛♫ Shawtys like a melody in my head~╛♫
O, gabi na ah. Sino naman kaya yung natawag? Haayy, I’m not in the mood. K
╛♫ Shawtys like a melody in my head~╛♫
Okay. Ang kulit ha. Kinuha ko yung cellphone ko sa side table at sinagot ko ng hindi tinitingnan kung sino yun.
“ Oh, Shaira, ikaw pala. “
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung narinig ko yung boses ni Shaira, Tuwa? Galit? Tampo? Hinanakit? Alam kong hindi ko dapat siya sisihin kung bakit ako nasasaktan, sa katunayan ako nga yung may kasalanan eh, pero dahil sa kanya, unti-unti nang nawawala sakin si Matthew.
“ Kamusta Angelie? Bakit di kana bumalik kanina? “
Tinatamad akong hawakan yung cellphone kasi pakiramdam ko, nonsense tong usapan na to. Kaya niloud speaker ko nalang at ipinatong sa unan habang nakahiga ako.
“ Aah. E-eh.. S-sumama pakiramdam ko eh. “
“ Di ka man lang nagpaalam sakin. “ Anong sasabihin ko? Tulala na ko, naalala ko na naman yung nangyari knina at tumutulo na naman yung luha ko.
“ Eh di ko na kaya eh.. Ang sakit sakit na. “ Di ko namalayan kung ano yung nasabi ko. Nabalik na lang ako sa ulirat nung nagsalita si Shaira.
“ Ha?”
“ Ibig ko sabihin, ang sakit sakit na ng tiyan ko kaya umuwi ako agad.” Buti nalang naniwala siya sa sinabi ko.
“ A-ah ganun ba. “
Napakamanhid lang ng mga tao sa paligid ko. Ni hindi nila alam kung ano yung totoong nararamdaman ko.
*TOOT!* *TOOT!* *TOOT!* *TOOT!*
May nagtext naman ngayon.
Text message received.
From: Matthew</3
S-si Matthew?
Parang kinakabahan akong buksan yung message, kinakabahan ako kung ano yung laman nun.
![](https://img.wattpad.com/cover/898234-288-k492126.jpg)
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
Teen FictionPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...