[ SHAIRA’S POV]
Nandito na kami ni Kenneth sa mall pero di pa din kami nag-uusap. Huu. Ewan ko ba dito, lakas ng sapak. Kanina lang okay kami eh, may pahawak hawak pa siya ng kamay.
“ Kenneth! Tara sa national bookstore! “
Inaya ko siya para naman hindi awkward. Ang tahimik eh =_=
Hinayaan ko lang siya mamili dun habang tumitingin naman ako ng mga libro. Tamang tama! May nakita akong maganda, bale bumili ako ng apat ng libro, She’s dating the gangster, stainless longganisa, 50 shades of gray saka isang cookbook. Madalas ko kasing makita o marinig na magaganda daw tong mga librong to.
Binayaran na naming yung napamili namin tapos niyaya ko siya sa Razon’s para kumain ng halo halo. Paborito ko yun eh. :”)
“ Uhm Kenneth, masarap? “
“ H-ha? Alin?” Di ko nakumpleto yung sasabihin ko, pano ba naman kasi kinakabahan ako.
Gusto ko lang naman itanong kung ano problema niya at tinotopak siya.
“ Y-yung halo halo kako. “
“ Ah.. Oo.. Salamat sa libre.. Pati sa pagsama.. “
“ Salamat din kanina sa ginawa mo sa may elevator. Sorry, di kita pinakinggan. Matigas talaga ulo ko eh, kaya nga anjan ka eh, para iuntog ako. Hahaha. “
“ Walang anuman, sorry sa inasal ko, ayaw ko lang na nababastos ka.” Sabay subo sa halo halo. Hahaha. Angkyut.
Napansin kong pareho na naming nakakalahati yung halohalo kaya may naisip ako.
“ Ken! Paunahan tayo! “
“ Game! Hahaha “ Angkyut niya tumawa. Kainis. XD
“ 1..2..3.. GO! “
NOM NOM.. GULP.. NOM.. GULP.. GULP.. NOM NOM NOM… GULP…
“ Woo! FINISH! “
NANALO AKOOOO. Hahahahah
“ Oh, pano ba yan, ako ang nanalo. May punishment ka! “
“ Anong punishment?! Wala ka namang sinabi kanina ah?! “
“ Eh ngayon meron na. hahaha. Tara tara. “ Inaya ko siyang maglakad tapos nadaan kami sa Time zone.
“ ALAM KO NA!~ Ayun oh! Ayun ayun.. Kunin mo yun.. Gusto ko yun! Hahaha “
Nakaisip na ko ng punishment. Nakita ko yung isang malaking teddy bear na pwedeng iredeem kapag may enough tickets ka na.
“ Okay, kung san ka masaya. “ Bigla naman niyang hinila yung kamay ko para makapasok na kami sa loob. Mukang excited din siya. Hahaha.
Pagpasok namin, bigla akong may naalala..
Dito kami huling namasyal ni mama. Yung huling pasyal naming bago siya nawala..
“ Shaira ayos ka lang ba? Teka umiiyak ka ba?”
“ Ha? Hindi, slight lang. May naalala lang. “
“ Pwede ko bang malaman kung ano yung naalala mo? Makikinig naman ako eh.. “ Parang I felt relief, siguro nga dapat kong ilabas to para naman gumaan tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
Teen FictionPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...