Please basahin nyo po lahat at sana wala kayong malaktawan para mas makilala nyo pa yung character. ^____^ Thanks!
_______________________________________________________________________
[Shaira's POV]
* Blink * *Blink*
Good morning sainyyooooooo.
Pero hindi eh. Walang good sa morning . Ewan ko ba. Bad mood ako ngayon araw =_=
Tuesday ngayon. Next week pa ang start ng classes. NEXT WEEK NA. I can't believe it.
Tumayo ako mula sa kama at naghilamos sa cr. Masakit pa din yung braso ko. Aish.
Lumabas ulit ako sa kwarto at umupo sa harap ng study table ko. May malaking salamin kasi don.
Hmpf. Ampanget ko talaga. HAHA.
Di nga? Nakalimutan ko ba ipakilala ang sarili ko sainyo? HAHAHA.
Yeah. Okay. I am Shaira. Shaira Dennise Villegas. 1st year college Architecture student sa St.Tomas University. Angelie is my bestfriend since I was in highscool.
Uhm, ano pa ba? Anak ako nila Danilo at Sheila Villegas. But as I have said, wala na ang aking mader.
Sa pangalan daw ni mommy kinuha yung name namin ni sophia, parehas daw kasing may 'S' at 'H' . Tapos yung second name naman namin eh galing kay daddy , letter D kasi ang first letter ng pangalan niya. Ayun ang kwento sakin ni yaya maring nung seven palang ako.
Si yaya maring, parang nanay ko na din yun. Kasi siya yung palagi kong kasama sa oras na wala sila mommy at daddy. Siya pala ang nag-alaga sakin mula nung baby ako. Dahil pagka-panganak na pagka-panganak ni mommy sakin, balik trabaho agad siya. Ang nice no? Tss.
Yeah, anak mayaman ako. Ako lang naman ang anak ng Presidente ng VST Group of companies. And to tell you the truth? Masaya maging mayaman, makukuha mo lahat ng gusto, mahihingi mo lahat ng ituro mo. Pero ang masakit, hindi mo makukuha ang mga bagay na makakapag pasaya sayo. In some cases, siguro oo. Pero sakin, HAHA, never.
Isa pa, hindi ako malaya. Kahit san ako pumunta, may bantay, may chimay. Kaya nga yung mga kabarkada ko noon nilayuan ako eh, kesyo ang KJ ko daw, dahil hindi ako sumasama sa mga gala at outing namin, and etc. Tingin ba nila ginusto ko to? Hell no.
Marami kasing kalaban ang company nla daddy, kaya sabi nila its for my 'protection' DAW. Para iwas daw sa mga threats at para daw palagi silang sure na safe kami palagi ni sophia. Haler? Para sakin there's no safer place than our home and with my family. Eh asan sila? W-O-R-K.
Kaya eto ko, masyadong private. Ang nakaka-alam lang ng number ko ay si daddy, si yaya, si sophia, yung isa kong body guard at yung isang katulong na palaging nakabuntot sakin. Bawal ako mag pamigay ng number, kahit pangalan ko pa nga eh. Tss. Happy social life, isn't it? HAHA. sarcastically said.
Oo, isa naman akong mabuting anak. Pero madadaan ka talaga sa mga panahong wala kang maintindihan. Tulad ngayon, hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko.
Uhm, tingin ko sa sarili ko panget. Dahil ang kaisa-isang taong nagsabi na maganda ako, niloko lang pala ako. HAHA. Funny, right? I'm ugly, I swear. >:)
Kamustahin nyo naman ako. HAHAHA
Kamusta ako? Eto, miserable. Hanggang ngayon eh nabubuhay pa din sa nakaraan. Ewan ko nga ba kung bakit napaka hirap umalis don eh. Naka-super glue ata ang paa at katawan ko sa past.
E pano kase, noon, masaya.
Noon, nung wala pa kaming kompanya, kahit sa katamtamang laki ng bahay lang kami nakatira, sama sama kami at masaya. Noon, sabay sabay kami kumain. Noon, nasa iisang kwarto lang kaming lahat at tabi tabing natutulog. Noon, buo ang pamilya ko. Noon, masaya ako. HAHA.
Isa pa, noon, kasama ko ang mahal ko.
mahal ko .....
mahal ko ....
mahal ko ....
WAHAHA. Nag-flashback na naman yang 'mahal ko' na yan.
Mahal? Sus. Hindi naman totoo yan eh. Never nagiging totoo yan. Oo, minsan na kong nakaranas magmahal, and I regret it. That's why now, true love, forever, happy endings are just BIG JOKES to me. HAHA.
Sabi ng iba, kapag daw nagmahal ka, kailangan din daw masaktan, kasi parte daw yon ng isang relationship. Eh tae, kaya ka nga magmamahal para sumaya diba? Bakit kailangan pang manakit at masaktan? Tss.
HAHA. Bitter na kung bitter, eh anong magagawa ko? At anong pake nyo? Di nyo naman nararamdaman ang nararamdaman ko.
Siguro nga wala ako sa katwiran, pero please, intindihin nyo na lang ako.
Pare-pareho lang naman kasi yang mga lalaking yan eh, mga user, manloloko, girls are just toys for them. Oo, mamahalin ka nyan sa umpisa pero magsasawa din yan. HAHA
Pasintabi sa mga nage-excempt ng mga sarili nila sa mga descriptions na sinabi ko. Well, wag lang kasi puro salita, kailangan may gawa. Duh. Words wihout actions are dead.
Hoy, baka ang iba sa inyo, tinatadyakan at ginugulpi na ako sa panaginip. hahaha. Please calm down. Maiintindihan niyo din ako, soon. :)
________________
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
Teen FictionPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...