Dedicated to ehzekiel_kharl
Pakibasa na din yung story nya. I’m Inlove with an endangered species’
Ayown. Thanks~
***
Pagkatapos ko naman mag-emote sa salamin, eh naligo at nagbihis na ko. Pupunta kasi kami ngayon ni Sophia sa mall. Bibili na kami ng mga gamit. Actually ako, konti na lang ang bibilin ko. Kelangan ko lang talaga samahan tong si Sophia at ibinilin sakin to ng aking ina’t ama. HAHA
Pagbaba ko andun si papa. Wow. Himalaaaaa~
Naupo ako. Sa tabi ni papa. Sa kabila naman si Sophia.
Bali mahaba kasi yung lamesa namin. Kahit tatatlo lang kami dito. Tapos hindi naman kami nag kakasabay sabay kumain dahil nasa dorm naman kami ni Pia.
Sabi nya para daw maraming maa-accommodate na bisita kapag may party ang mga business investors sa bahay namin .
Pagkaupo ko. Biglang nagsalita si daddy.
“ Anak.” O________________O WOW. Kailan pa niya ko tinawag na anak? May lagnat ba to?
“ Ha-a? Po? “ Tameme naman ako.
“ May ipapakiusap lang sana ko. “ Ayun! Sabe ko na eh. May hihingin siyang pabor kaya ganyan. =_=
“ Hayy. Opo. Ano po yun. “ Sinabi ko habang kumuka ng bacon at hotdog. Ni hindi ko siya tiningnan.
“ Sana lang eh pag butihin mo yang pag aaral mo. Please lang wag kang babagsak sa kahit anong subject ha, hija? Nakakahiya kasi sa mga investors eh, pati na rin sa school niyo, kilala ako dun at alam mo naman, baka sabihin eh, anak ka pa man din ng ---- “
“ Anak pa man din ako ng President ng VST Group of companies at baka sabihin ng iba eh mangmang ako at walang alam. Na ang bababa ng grades ko at malayong malayo sa matalino at magaling kong ama. “ Kalmado ko naming sinabi yan. Para naman hindi siya magalit atakalaing sinasagot ko siya ng pabalang. =_=
Di ko na pinatapos yung sinasabi niya. Rinding rinding rinding rinding rindi na ko to the tenth power sa sinasabi niyang ganyan. Nakakainis kasi. Ni hindi na nga ako maka kilos ng normal dahil sa kanya, pati lahat pinakekealaman niya. Pati ba naman grades ko kelangan nakabatay pa din sakanya?
“ Hey. Watch your words. I’m your dad. Wag mo kong sinasagot ng ganyan.” Ugh. Nakakawalang gana.
“ Eh totoo naman po diba. “ Kinagat ko yung lower lip ko dahil nagpipigil na lang ako na sumagot pa.
Inubos ko na lang yung isang hotdog tapos tumayo na ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/898234-288-k492126.jpg)
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
Dla nastolatkówPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...