Dedicated to Katrina. ^^
Pakibasa na din yung mga story niya. TV+Books=love yata yun, kung di ako nagkakamali. HAHA.
Ayun, Thanks!
Author's Note: May inupload po akong short story, pakibasa po. ^^ ( Broken Promises )
******
" Ambagal mo. Nakakainis ka. " Kararating lang ni Angelie. Mga 15 minutes din akong nag-intay.
Andito kami ngayon sa parang bench sa lob ng mall. Pabilog siya tapos may fake tree sa gitna nito.
" Sorry naman! Wala kayang jeep na maskyan, halos kumandong na nga lang ako dun sa katabi ko para lang masingit at masakay agad eh. "
"Osige. Utang na loob ko pa. " =__=
" Bakit ba kasi ang init ng ulo mo?! Meron ka ba?! "
" SHH! Ingay neto! May makarinig sayo eh! Tsk. " Eh may mga tao pa naman kaming katabi sa bench dahil nga pabilog yun.
" Eh ang sungit mo kase! Problema mo?! "
" Wala! Badtrip lang ako doon sa lalaki sa may bookstore kanina. Napaka-walang galang. "
" Ano nangyare? Share mo yaaaaan! " Loka. Tss.
Then kinwento ko lahat. Pati yung reaksyon at ginawa nung lalake.
" Ano ba yan? Walang UUUUUUUUUUUUUUUUUUtang na loob! " Inemphasize talaga niya yung pagkakasabi. Nakakatawa tuloy. HAHA
" Oonga. Sayang nga eh. Gwapo pa naman. Saka ang cool ng porma. Parang naka-disguise lang. "
" Weh? Gwapo?! " Nako. Eto na naman tayo. >_<
" Hindi. Nagkamali ako ng sabi. Panget pala siya. Panget. Mukang asong makapal ang luibag na tinubuan ng sandamakmak na kulugo. "
" Yuccck! Kadiri to! Kinikilabutan ako! "
" Arte mo. "
" Tara na nga. Samahan mo na ko at madami pa akong bibilin. " Parang PA lang ako nito eh. =__=
Nagpunta ulit kami ng bookstore. Tapos pumunta na din kami ng department store kasi bumili pa siya ng mga medyas, accesories, ets.
Aba, kahit probinsyana eh pasyonista. =))
" Okay. Tapos na lahat. " Then pinakita niya sakin yung listahan niya na may check na lahat.
" Osige. Hanapin ko lang si Sophia para makauwi na. "
Tapos iniwan ko muna si Angelie sa may mga dress. Titingin daw muna siya don.
Calling Sophia ....
0916******* ...
♪♫ You Can count on me, like one two three, I'll be there , 'coz that's what friends are sipposed to do, oyeah... ♪♫
May narinig akong tumutunog na cellphone. Tingin ko kay Sophia yung cellphone na yun, saktong sakto sa pagkatawag ko eh.
Sinundan ko yung tunog ng cellphone. Nakarating ako dito sa fitting room. Dito ako naintay sa labas ng isang pinto. Dito kasi malakas yung music kanina eh. Baka nag-fifit ng damit si sophia kaya andito siya.
Naramdaman ko binubuksan niya na yung pinto.
TING! *light bulb!*
Gulatin ko nga. HAHA. Magugulatin pa naman yun.
Pumwesto ako sa gilid ng pinto, para pagkabukas eh saktong lilitaw ako para magulat. *evil smile*
* ENNGGGK * ( Tunog ng pagbukas ng pinto XD )
" BOOO! "
O_________________________________________O
ooommph! Napatakip ako ng bibig ko sa nakita ko.
________________
[ Spencer's POV ]
Nakakabwisit talaga yung babae kanina sa bookstore. Binangga na nga ako, ayaw pa ako paalisin. Nakilala ba ko neto kahit nakadisguise ako? Tae naman oh.
♪♫ You can count on me like one two three ... ♪♫
Manager Jham calling ....
Tumatawag si manager. Bakit na naman kaya?
" Manager , Bakit po? " Syempre good boy ako sumagot.
" MAY NAGSABI SAKIN NASA MALL KA DAW NGAYON?! BAKIT DI KA NAGPAPAALAM? BAKA DUMUGIN KA DYAN! ANO BA!!?! ANG T--- " Inend ko na yung call. Tae. Halos i-extend ko na yung braso ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Manager
♪♫ You can count on m--
Manager Calling ....
Aish! Ang kulit naman oh! Pero kailangan ko pa din sagutin. Di ko naman matatakasan to eh. =__=
" Hello. Manager! PLEASE RELAX!! " Sinigaw ko na yun, tumingin tuloy yung ibang tao sa department store.
" Okay, okay. I'm sorry. Nasan ka ba kasi Spencer? Nasa mall ka ba talaga? "
" Yes, manager, I'm just going to buy some books. I'm bored. "
" Dapat inutos mo na lang sa PA mo yan. I told you, wag kang aalis nang mag-isa, lalo na sa public places. ang tigas talaga ng ulo mo. Ipapasundo kita dyan. Antayin mo. "
" No, manager. Kaya ko umuwi mag-isa. "
" NO. "
* tooot tooot*
Binaba yung call. Amf. Nakakainis talaga. Lahat na lang kelangan ipag paalam.
Naka-disguise naman ako eh? Sino naman ang makakakilala sakin dito? Tsk.
♪♫ You can count on me like one two three I'' be there, 'coz that's what friends are supposed to do, oyeah ... ♪♫
Tumutunog na naman yung cellphone ko. Pagtingin ko si manager na naman. Ayaw ko nang sagutin, ipapasundo lang ako nun eh.
Luminga linga ako sa paligid, nakita koyung dalawa kong PA. Mukang may hinahanap, at sigurado akong ako yun. =__=
Humatak ako ngdalawang t-shirt at tumakbo sa fitting room. Di naman siguro sila pupunta don para hanapin ako.
Whew. Ayun, nakapasok na ko sa fitting room.
Mga 10 minutes din ako sa loob nun. Narinig ko may tao sa labas, nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa sdun, eh wala naman akong ginagawa. Baka nga mahaba na yung pila sa labas eh. >_<
Binalik ko yung shades ko tapos dahan dahang binuksan yung pinto .
* ENNNNGGGGGGK*
Pagtingin ko wala namang tao. Wew. Buti naman.
Dahan dahan akong lumabas nang biglang .....
" BOOO! "
" SHOCKS! " YUCK! Parang ang bading naman nung reaksyon ko. >_<
Paglabas ko kasi ng pinto biglang may nanggulat na babae.
ARRGHHH! Yung babae na naman! Sinusundan ba ko neto?!
Napatakip siya sa bibig. Nagulat ata. Ano to lokohan? Siya pa yung nagulat? Tae naman pala eh.
" What's your problem!? "
Ayokong ayoko kasing binibigla at ginugulat ako eh. It annoys me.
___________
... to be continued.
Author's Note: Sorry sa maikling update. ^^ Next time po ulit. :)
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
Teen FictionPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...
