[SHAIRA'S POV]
“ Sa labas tayo ng school kumain. 3 hours naman ang vacant eh. “ Sabi ni Spencer habang naglalakad kami.
“ Palalabasin ba tayo ng gwardiya? Baka di na tayo makabalik? “ Reklamo ko sa kanya.
“ Tss. Adik ka ba? Baka naman nakakalimutan mo kung sino ko? “ Ugh. Naalala ko, sila nga pala may ari nitong school na to, at siya pa ang tagapagmana. Di na ako magtataka kung pwede niyang gawin lahat ng gusto niya.
May bigla akong naalala. Nung naospital siya. Nanaginip siya noon habang sinisigaw ang pangalan ni Dominique
“ Ahm, Spencer, may itatanong ako. “ Tanong ko pagkasakay naming si kotse niya. Iniwan ko muna yung kotse ko.
“ Oh? “ Sagot niya pagkastart ng kotse at pinaandar niya agad ito.
“ Si Dominique.. “ Di ko pa natutuloy yung sasabihin ko nang bigla siyang nagpreno.
“ Hoy! Ano ba yan! Ba’t bigla kang nagpreno?! “ Nagulat naman kasi ako, hindi pa ako nakakapag kabit ng seatbelt, gamuntik na kong masubsob.
“ A-ah, may dumaang pusa. “ Alangan niyang sabi. Hoo. Ang gulo niya.
“ Mas gugustuhin mo pa pala akong mamatay kesa sa pusang dumaan. Harujuskong mahabagin. “
“ P-pasensya na. “
“ So balik nga sa topic. Kilala mo si Dominique? “ Tumingin ako sa kanya. Binubuka niya yung bibig niya pero di siya nagsasalita.
“ HOOY! Ano ba nangyayari sayo?! “ Ginulat ko siya para naman matauhan. Tagal eh.
“ S-si Dominique, e-ex ko.. “ Oh I see. Kaya pala parang uncomfortable siya sa topic.
“ Sorry, nabuksan ko yung topic. “
“ H-hinde. Okay lang. Bakit mo ba naitanong? “
“ Alam mo kase, nung natutulog ka sa ospital, nanaginip ka, eh nandun ako so narinig ko. “
“ Ano sinabi ko?! “
“ Eto sabi mo, Dominiiiqquuueee, mahal na mahal kitaaaa~ HAHAHAHA “ Ginaya ko mismo yung pagkasabi niya sa panaginip niya.
Natulala naman siya kaya nag snap ako sa muka niya. HAHAHA Kyut!
“ Wag kang mag alala hindi ko vinideohan o nirecord HAHAHA “
“ Ah ganon?! Eh pano naman yung mga pictures niyo ni Warren na nakita ko sa wallet mo?! “ S-sa w-wallet ko?! O_o
Hingang malaliiiimmm…
Inhale….
Exhale….
“ BAAAKIIT MOOO PIIINAAAKEELAMAAAN ANG MGA GAMIT KOOOOO?!! “AYOKO SA LAHAT YUNG PINAKEKEALAMAN ANG MGA GAMIT KO LALO NA YUNG WALLET KO! WALANGHIYAAA!
“ Teka ano ba! Ang ingay mo!! Mababangga tayooo! Teka laaaang! “
“ ISAA PANG TAANNOOONNG! BAKIT MO PINAKEELAMAN ANG MGA GAMIT KOOO!?!?! “
“ TEKAA! LET ME EXPLAIN! MANAHIMIK KA LANG MUNA UTANG NA LOOB! “ Nakakabingi sa loob ng sasakyan , nagpapalakasan kami ng boses ni Spencer, dagdag mo pa yung mga sasakyang bumubusina samin dahil pagewang gewang ang pag dadrive ni Spencer na binging bingi na sakin.
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
أدب المراهقينPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...