[ Matthew's POV]
“ Bye!” Kumaway naman ako kay Shaira habang papaalis na ko.
Hinatid ko siya pauwi dahil wala siyang kasabay kasi busy daw si Angelie. Pero sa totoo lang, pinauwi ko lang talaga si Angelie.
Nagkasalubong kami sa hallway nung uwian at tinatanong niya kung nakita ko daw ba yung bestfriend niya, tapos dinescribe nya sakin yung sinasabi niya at nalamang kong si Shaira yung hinahanap niya.
Kaya lang nung mga panahon na yun, hindi ko naman alam kung nasan siya kaya pinauwi ko na si Angelie. Sinabi ko nalang na nakauwi na si Shaira.
Hinatid ko sa gate si Angelie at nung pabalik na ko sa loob para kunin yung gamit ko. Nakita ko si Shaira kausap sila Tanya. At mukang binubully nila to kaya nilapitan ko. Nagulat naman sa kagwapuhan ko kaya umalis na sila.
Nakakatuwa nga dahil sabay kaming umuwi ni Shaira tapos pinatuloy pa niya ko sa condo nila kahit kanina pa lang kami nagkakilala ng lubos.
Ang bait bait niya. Sino ba naming lalaki ang di maiinlove sakanya. Ehem ehem.
Nung una ko palang siyang nakita na nakabulagta sa baba ng hagdan nung enrollment, kilala ko na talaga siya. Alam nyo kung bakit? Naikekwento kasi siya ni Angelie sakin nung highschool kami. Magkaiba kasi kami ng school ni Angelie nung highschool kaya magkahiwalay kami.
Ayun, eh alam ko yung password ni Angelie sa facebook niya, kaya nakita ko yung profile ni Shaira. Ang ganda ganda niya. Kaya simula nun, gumawa na ko ng sarili kong account sa facebook para palagi kong makikita yung profile niya .
Hindi ko nga lang alam kung kalian ko isosoli tong kwintas sakanya. Di ko alam kung pano eh.
Tapos kanina nagtanong siya tungkol kay Warren. Nacu-curious nga ako kung bakit eh. Bakit niya tinatanong yun eh basagulero yun. Member pa nga ng frat yun eh. So pano niya makikilala yun? Di naman ako naniniwalang sa facebook niya lang nakilala yun. =_=
Nung malapit na ko sa dorm naming, saktong pababa ng building nila si Angelie kaya nagkita kami.
" Uy Mat-mat! Bakit ngayon ka lang nakauwi?"
" Eh nagpraktis pa kami sa banda eh." I lied.
" Ah ganon ba. Pasama naman sa Mcdo, wala akong kasabay kumain eh."
" Pssh. Sige na nga." Umoo ako kahit busog ako. Sasamahan ko nalang siguro siya
Pagpasok namin ng Mcdo. Unang napansin ko sa isang table sila Warren. Naalala ko tuloy si Shaira. Lima silang magkakasama, si Warren, si desh, si jedd, si lloyd tapos may kasama silang babae. Hindi ko masabing maganda siya dahil si Shaira lang naman ang maganda para sakin. =))
Umupo na kami ni angelie tapos umorder na siya. Pagbalik niya may dala siyang dalawang burger at dalawang float. Antakaw naman neto? O_O
" Oh, tig isa tayo."
" Wow naman. Kelan ka pa natutong manlibre."
" Kapal mo. Ako nga palagi nanlilibre sayo eh. Wala kang utang na loob."
" Hahaha. sige kain ka na. Iuuwi ko nalang tong burger sa dorm. Busog pa ko eh."
" Bakit, ano ba kinain mo bago umuwi?"
" Cinnamon roll saka ano ba tawag dun. ahmm.. Chocolate cream chip kung di ako
nagkakamali."
" Wow! Galing kang starbucks?! Sino naman kasama mo? Bakit naman dun kayonagpunta eh alam ko namang hindi ka mahilig pumunta sa mga ganung mamahalin."
" Eh nanlibre yung isa kong kasamahan sa banda. Sinagot daw ng girlfriend niya." I lied again.
" eh diba karaniwang celebration nyo eh sa KFC o jollibee?"
" Eh bakit ba ang dami mong tanong?" Mejo tumaas na yung boses ko dahil nakukulitan na ko sakanya at kung magtaong eh kala mong girlfriend.
" Eh bakit ka nagagalit? Parang nagtatanong lang eh."
" Kumain ka na nga lang jan."
*sniff* *sniff*
Umiiyak si Angelie? O-ow.
" O, bakit ka umiiyak?"
" Wala."
" Bakit nga? "
" Wala nga, may naalala lang."
" Ano ba naalala mo? Bakit ka nga umiiyak?
" Eh bakit ba ang dami mong tanong?"
Aba. Gumaganti ata sakin.
" Pssh. Kung ano man yang naalala mong malungkot eh wag mo nanag alalahanin. Tss. "
" Tapos na ko kumain. Uwi na tayo."
Tapos yung buong time na naglalakad kami pauwi eh ayaw ako kausapin o kibuin. Mukang nagtatampo ata at napagtaasan ko ng boses.
**
[ Angelie's POV ]
Di ko alam kung bakit ganun si Mat-mat ngayon, bigla nalang akong pinagtaasan ng boses. Nagtatanong lang naman ako.
Nagtataka lang kasi ako na nagstarbucks sila eh hindi naman niya ugali magpunta sa mga ganun dahil praktikal siya.
Di ko nalang talaga napigilan yung luha ko kanina dahil mababaw talaga ang luha ko.
Tinatanong nga ako ni matthew kung bakit daw ako umiiyak.
Eh hindi ko naman siya masagot, alangan namang sabihin ko, UMIIYAK AKO DAHIL SINAKTAN MO KO. Duhh.
Di ko naman kayang sabihin yun. >____<
Siguro nga dapat di na ko nangulit.
Ganun lang naman ako magtanong sakanya dahil namimiss ko siya. Di na kasi kami gano naguusap eh hindi ako sanay ng wala kaming communication kasi bestfriend ko siya.
Pero minsan naiisip ko na parang hindi na bestfriend ang tingin ko sakanya, na parang may something na kong nararamdaman kapag kasama ko siya.
Di tulad dati, kapg nakikita ko siya normal na pakiramamdam lang kapag nagkikita ang magbestfriend, pero nitong mga nakaraang linggo, kinakabahan at ninenerbiyos na ko kapag nagkakasalubong kami o kaya kapag nagkakatitigan na kami.
Nag-aalala na nga ako dahil baka mamaya makahalata na siya. Na baka masira yung pagkakaibigan namin dahil sa nararamdaman kong to?
Actually, gusto kami ng mga parents namin para sa isa't isa. minsan nga narinig ko sila na nagbibiruan na ipapakasala daw kami ni mat-mat kapag nakatapos na kami.
Pero wala pa naman akong pakeelam non kasi mga bata pa kami noon. Pero ngayon sa tuwing inaasar kami ng parents namin, di ko na maiwasang mailang. At nagwo-worry din ako na baka maalangan din sakin sa mat mat. tss.
Ang hirap lang ng gantong sitwasyon...
Yung inlove ka sa bestfriend mo.....
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
JugendliteraturPaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...