Chapter 25~twelve fifty one

75 1 0
                                    

SHAIRA'S POV

“ Shaira.. “

Nagulat ako nang biglang magsalita si Kenneth. Andito kami sa counter ng kitchen. Kumakain kami ng almusal. Nagluto ako ng bacon itlog at fried rice. Haha. Muka namang sarap na sarap siya, sarap ko kayang magluto?

“ Oh, bakit? Sasabihin mo bang masarap ang luto ko? Hehe. Thank you.. “

“ Haha, you’re welcome, pero ano kasi.. “ Aynako, napaka-mahiyain nitong si Kenneth. Di na nasanay. Isang linggo na kaming magkasama dito sa bahay nahihiya pa din. =_=

“ Ano, magsasalita ka ba oh ipapaubos ko sayo to? “ Tinuro ko yung kawali na may lamang fried rice. Marami pa kasing natira, ang dami na din naming nakakain. Pinapakain ko siya ng madami, para kasing mejo payat siya.. Oo, may muscle, may abs, pero parang ang skinny niya. =_=

“ e-eh, osige na nga. Eh kasi, magkaklase tayo. Papasok na tayo bukas diba? “

“ OOHHH??? “ Naibuga ko naman yung kanin sa bibig ko sa sinabi niya. Magkaklase kami? YEHEY! May makakausap na ako kapag busy si Angelie, may kasama na ko kapag sinusungitan ako ni Spencer, may iiyakan na ko kapag nakikita kong magksama si Dominique at Warren, may paglalabasan na ko ng sama ng loob kapag napipikon ako sa pang aasar ni Matthew.

“ B-bakit? Ayaw mo ba? “

“ oy hindi ah! Gusto ko nga eh! Ang saya saya ko!! “ Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

[ KENNETH’S POV]

oy hindi ah! Gusto ko nga eh! Ang saya saya ko!! “ Masayang sabi ni Shaira habang kumakain siya..

LUBDUB. LUBDUB. LUBDUB.

Bakit kaya siya masayang maging kaklase ako?

Pero kung ano pa man ang dahilan na yun, Masaya din ako, isang linggo palang kaming magkasama ni Shaira, naging malapit na ang loob ko sa kanya, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Ang bait kasi niya eh. Malakas nga lang mantrip, ilock daw ba ako sa labas ng unit nila. =_= Pero bumawi naman siya dahil siya ang nag-alaga sakin nung may sakin ako. Sweet siya, pero alam kong may tinatagong siyang lungkot sa sarili niya.

Parang ako lang, di mo aakalaing pasan ko ang daigdig.

Hindi naman ako mahiyain, medyo naiilang lang ako, BAWAL kasi talaga kami magusap ni Shaira, sa totoo lang kasi hindi niya dapat makita ang muka ko, di dapat niya ako makilala. Pero wala na akong magawa kasi nahigit niya bigla yung takip ko sa muka. Tapos nagkataon pa na nagkakilala kami sa ospital. Argh. Tanga tanga ko talaga.

Bawal kami mag-usap kapag nasa bahay lang sabi ng daddy niya, BOSS ko, body guard lang daw kasi ako, hindi houseboy o kaibigan ni Shaira na kasama sa bahay na pwedeng kausapin ano mang oras. Kaya naman sa tuwing mag uusap kami pakiramdam ko may nilalabag akong batas.

Kaya hindi pwedeng malaman ng daddy ni Shaira na magkakilala na kami at nauusap kami, kundi lagot ako.

Pwede lang kaming magusap kung si Shaira ang masastart ng conversation at may itatanong siya. Hindi ako pwedeng magtanong o mag-initiate ng usapan.

[ SHAIRA’S POV]

Nakita ko nangiti si Kenneth dun sa sinabi ko, di siya nagreply pero,, angkyyuuuuuut! Nakakatuwa! Minsan lang siya ngumiti! Hahaha.

Argh. Ano bang nangyayari sakin, parang ang hyper hyper ko ngayon EWAAAN~

Lahat ng makita ko pinagtatawanan ko. Mahaching o masinghot lang si Kenneth natatawa na ko. Kami lang kasing dalawa nasa bahay namin. Si Sophia, nasa bahay ng kaklase niya, dun naman daw sila magii-sleep over.

Way Back into Love -- Ongoing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon