[SHAIRA’s POV]
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Eto ako, nasa harap ko ngayon ang dalawang taong naghahalikan.
Takte, pangalawang beses ko na makapanod ng liveshow. Di na talaga virgin ang mga mata ko.
Pero imbes na umalis ako, nakapako na yata ang mga paa ko.
Ansarap lang eh. Sarap makita yung mahal mo na nakikipag halikan sa iba. Masaya eh. Damang dama ko.
Sa sobrang kabusyhan nila, di nila napapansin na nandito ako. Wala eh. Enjoy!
“ Shaira! “ Nabalik ako sa sarili ko nang tawagin ni Kenneth ang pangalan ko. Napalingon ako sa likod at nakita ko na paparating siya.
At dahil sa komosyon, napatingin sakin si Dominique at Kenneth.
Gulat na gulat si Warren habang si Dominique ay di maipinta ang muka, yung parang sarap na sarap siya sa halik pero at the same time natutuwa siya at nagulat siya dahil nakita ko sila..
Di ko alam, napatakbo nalang ako. Di ko alam kung saan, basta tatakbo ako, kung saan walang makakakita saking nasasaktan.
Bakit ba kasi ako apektado? Ano ko ba siya?
Ano Warren, masaya ka na ba?
***
[WARREN’S POV]
Isang linggo..
Isang linggong hindi pumasok si Shaira. Pakiramdam ko ilang taon ko siyang hindi nakita.
Ano ba kasi nangyari dun? Bigla nalang nawala. Hindi man lang nagpasabi.
Sabagay, sino ba ako para sabihan niya kung kelan siya lilitaw o mawawala.
Kung alam niya lang.
Kung alam niya lang kung gano ko siya ka-miss.
Hindi kayang i-expres ng salitang ‘MISS’ ang pangungulila ko sa kanya.
Kung pwede ko lang siya kausapin, kung pwede ko lang siya hawakan at yakapin. Matagal ko nang ginawa.
Pero hindi pwede, dahil kinamumuhian niya ko.
Napaka komplikado ng buhay ko.
Kung mamamatay ako at mabubuhay ulit sa ibang katauhan, hindi ko na hihilingin na makilala ko si Shaira.
Mas mabuti nang hindi ko siya makilala kaysa masaktan ko lang siya.
Tinangka kong tanungin si Angelie kung nasan si shaira at kung bakit hindi siya pumapasok. Ano pa nga ba ang aasahan ko, syempre wala, galit sakin yung tao eh. Saktan ko ba naman yung bestfriend niya.
Lahat samin walang nakakaalam kung nasan siya at kung bakit hindi siya pumapasok.
Linggo ngayon, nagpasama si Dominique magsimba. Pagkatapos, dumerecho kami sa mall.
Kami ni Dominique? Eto, ganito pa din. Para sa kanya, kami.
Para sa kanya, in a relationship kami pero para sakin, it’s complicated.
Ewan. Simula nung eksena sa playground nung araw na binreak ko si Shaira, di na siya umalis sa tabi ko.
I mean, inakala niya na talagang seryoso yung ginawa ko sa kanya at talagang siya yung mahal ko at pinili ko siya over Shaira.
Di ko kasi pinag isipan yung desisyon ko. Napaka tanga ko lang. Dalawang babae ang pinaglaruan ko.
Kung may pwede lang sana akong gawin para maitama lahat, ginawa ko na sana, matagal na. Pero wala eh, no choice, kundi ipagpatuloy to.
BINABASA MO ANG
Way Back into Love -- Ongoing~
Ficção AdolescentePaano kung saktan ka ulit nung taong mahal mo na binigyan mo na ng second chance? At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sumalo pa sayo sa panahong depressed ka ay yung taong sobrang kinaiinisan mo. Ano kaya ang magiging bunga nito? Meet Shaira. Is...