Chapter 3: The confession, the suitor

336 6 0
                                    

[Luhan]

"Crush mo naman." sabi ko atsaka umiwas ng tingin. Nabigla din ako sa nasabi ko. Fvck, Luhan. Bobo mo!

"Ano yun?!" naka-kunot nyang tanong sakin.

"Ha? Ang alin?" pagpapalusot ko. What the fvck! Ano bang problema ng bibig ko? Pa-bigla bigla nalang nagsasalita ng mga ganung bagay.

"Yung huli mong sinabi." sabi ni Patricia. Fvck. Ano ba!?

"Ah. Ano. Wala. Sabi ko, gwapo naman." pagpapalusot ko ulit. Tsk. Siguro nagtataka kayo kung bakit ko nasabi yun.

Minsan kasi nahahalata ko na masyado syang kinikilig sa mga simpleng bagay na ginagawa at sinasabi ko. Mabilis syang namumula at halata mo sakanyang kinikilig talaga sya.

Hindi naman sa ayaw ko na Crush nya ako. Gusto ko nga e. Gustong gusto. Kasi Crush din ako ng crush ko.

What?! Did I just said that?! O_____O Ugh! Okay. Nadulas na ako. Psh. Secret lang natin yun ah? Wag nyo sabihin kay PATRICIA RAMOS NA CRUSH SYA NI LUHAN. BAKA KILIGIN. :D

You read it right. Crush ko si Patricia. Crush! Crush lang! Hanggang dun nalang yun. -.- Ewan ko. Pero, magaan loob ko sakanya. Mabilis kaming magkasundo sa mga bagay-bagay. Siguro kasi pareho kami ng mga gusto at ayaw.

Tsk, hindi naman sa nag-fifeeling ako no? Hindi ko pa naman kasi talaga sure kung crush nga ako neto ni Patricia. Gusto ko lang i-confirm. Hihintayin ko nalang na mag-confess sya. Ayoko naman kasi mag-assume.

Napagpasyahan ko na syang ihatid sakanila. Since medyo magdidilim na. Baka mapano pa ito sa daan. Hirap na. Konsensya ko pa. -.-

"Dito nalang, Luhan." sabi nya at hinawakan ako sa braso. Napatingin ako sakanya ng nagtataka.

Sa kabilang street pa ang bahay nila pero pinahinto nya ang kotse dito sa tapat ng isang kulay berdeng bahay.  di naman sakanila to pero bakit dito nya pinahinto? -.-

"Hindi pa naman sainyo ah? Dun pa diba?" sagot ko at pinaandar ulit ang kotse.

"H-HINDE!!" pasigaw nyang tanong. Ano bang meron? Dati naman kapag hinahatid ko sya sakanila sa mismong tapat na ng bahay nila ko sya ibinababa. Eh bat ngayon? Dito sa tapat ng kapitbahay nila? -.-

"Tsh." sabi ko at pinaandar pa ang kotse hanggang sa marating namin ang harap ng bahay nila. Napasapo naman sya ng noo nya. What's wrong? >___<

"Thank you sa paghatid ah? Sige, alis ka na." sabi nya pagkababa ng kotse na parang nagmamadali at pinagtatabuyan pa ako. Letche. "Sige na. Alis na." dagdag nya pa.

"Oh, Princess. Andito ka na pala. Bakit bigla ka nal—oh. You're with someone." biglang may nagsalitang lalaki sa likuran nya. What? Princess? Bat Princess ang tawag nya kay Pat? Ano sya neto? -.- 

***

[Patricia]

"Oh, Princess. Andito ka na pala. Bakit bigla ka nal—oh. You're with someone." sabi ng nangaasar kong kuya paglabas nya ng bahay. Siguro para ilabas ang basura sa harap ng bahay namin. Dala nya kasi ang mga yon. Nang makita nya si Luhan, eh agad nya akong binigyan ng isang nakakalokong ngiti. NGITING ASO!

Nagkatinginan lang kami ni Luhan at parang tinatanong nya kung sino yon.

"Princess. Di mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo?" nakangising sabi ni kuya. Aish! Babanatan ko na to e.

Tinignan ko muna sya ng masama atsaka ko nilipat ang tingin kay Luhan.

"Pero bago ko kilatisin yan, papasukin mo muna sa loob." dagdag pa ni Kuya. Paktay na. Ito na. Baka rumble-in ni Kuya to! :X

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon