Chapter 34: Face your Fears

68 6 4
                                    

(A/N: Hi mga babesss. Aagahan ko ang ud ko ngayon kasi magiging busy na ako. HAHAHA! Seryoso na to. Trisem na kasi kami kaya kailangan ko ng umayos ng buhay ko. Before last week of May kailangan ko na talagang tapusin ang SIH kasi May 26, start of Class na namin. Kaya ayun, obligado na akong tapusin to kasi hindi ko na maasikaso kapag nagumpisa na ang klase namin kaya eto. Ayun lang. Sana magustuhan nyo to kasi madaming pasabog! Kainisan nyo na kung sinonng gusto nyo kainisan! Hahahaha. Ang importante, nadala din kayo! Chos lang. At di po ito kabahaan ha? Wala ng edit edit!  :D K so daldal na. Enjoy!^^)

[Third Person POV]

Halos dalawang buwan na mula noong magkausap sila Luhan at Patricia. Hanggang ngayon, para pading may isang malaking pader ang namamagitan sa kanilang dalawa. Madalang nalang silang nagkakasama at nagkakausap. Parang awkward na lahat ng bagay sakanilang pareho mula ng pangyayari sa garden.

Madami na ang nagbago sa loob ng dalawang buwan. Hindi na masyadong nagkakasama ang EXO at sila Patricia at Irish. At katulad nga ng inaasahan. Ilang araw nalang ay ang kasalang Luhan at Andrea na. 

Hindi maitatanggi ni Luhan at Patricia na mahal padin nila ang isa't isa. May mga araw padin na nakakalimutan nilang, hindi na nga pala sila katulad ng dati. Hindi na pwede ang dating lambingan nila na pwedeng pwede kahit sa publiko. Matapos kasi ng naging paguuusap ni Andrea at Luhan nung araw na iyon, ay napagpasyahan na ng pamilya ng dalawa na iaanunsyo na sa buong CYU ang tungkol sa magiging kasal ng dalawa. Maraming natuwa, pero madami din ang nalungkot. 

"Ilang weeks nalang ikakasal na sila, Laleng. Anong balak mo?" nabalik sa kasalukuyan si Patricia sa biglang pagsasalita ni Irish sa tabi nya. Kasalukuyan kasi silang nasa Cafeteria na palagi nilang tinatambayan kasama ang buong EXO. 

"H-ha?" wala sa sariling tanong nito sa kaibigan.

Nagpakawala ng hininga si Irish bago ulitin ang tanong. "Ikakasal na sila pagkatapos lang ng ilang linggo. Anong balak mo kako?" 

Napayuko naman si Patricia dahil sa itinanong ng kaibigan nya. Dahil sa totoo lang, nahihirapan padin syang tanggapin ang buong katotohanan. Hindi padin nagsi-sink in sa utak nya ang mga nangyayari. Nasasaktan padin sya pero wala naman syang magawa dahil nakagawa na sya ng desisyon, nung mismong araw na umamin sya kay Luhan tungkol sa nalalaman nya.

"Nothing. Anong bang kailangan kong gawin?" sagot nya at nagkunwaring tumawa ng mahina.

"Haay, I know you. Anong gagawin mo sa mismong kasal nila? Magmumukmok?" tanong uli ni Irish.

"Why should I? Haler, sayang oras ko kung magmumukmok ako. Let's have fun! Hahaha." maligayang sagot nya at saka hinablot ang bag na nakapatong sa lamesa. "And Let's start it now!" dagdag nya pa.

Napailing nalang ang kaibigan nya dahil sa mga kinikilos nya. Minsan nga ay nawi-weirdohan na si Irish sakanya. Minsan, nagmumukmok. Nakatulala. Minsan naman, nasosobrahan na sa kasiyahan. Pero dahil kilalang kilala nya na si Patricia, alam nyang ginagawa nya lang iyon para kahit papano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nya.

***

"Hey Lulu .." nabaling ang atensyon ni Luhan sa babeng tumawag sa kanya. At di nga sya nagkamali. Si Andrea nga ang babaeng iyon. 

Ganun padin si Luhan sa pakikitungo nya kay Andrea. Cold at palaging sinusungitan. Kailangan nya lang ng masasandalan noon kaya hindi nya tinaboy si Andrea nung nasa Garden sya at umiiyak.

"What?" cold na sagot nito sa dalaga at nananatiling nakatitig sa bintana habang nakaupo sa sofa. 

"Let's go somewhere." malambing na sagot naman sakanya ni Andrea.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon