Chapter 10: Jealous Much

177 5 0
                                    

[Luhan]

It's been 2 weeks since naging kami ni Patricia. And it's been a week since that incident between me and Vincent. He apologized for it actually. Hindi nga ako makapaniwala eh. Ang isang ga-gangster gangster, tumiklop sa isang Luhan? Isn't it funny? XD

Pero tangina galit padin ako. Hindi dahil sa sinabi nya. Hanggang ngayon, may konting pasa pa ako sa mukha! Pero okay na to. Kesa naman sa nangyari sa mukha nya. Pumutok pa yung labi, may gasgas sa cheekbone at may mga pasa pa. Ganun ba talaga ako kalakas sumuntok?

Nandito kami ngayon sa field. Magpa-practice kami para sa Soccer. Si Patricia ewan ko kung nasaan. May practice din ata sa Theatro.

"Luhan? Can you be the goal keeper?" tanong sakin ni Coach Lim.

"No." matipid kong sagot at tinignan ang phone ko nang biglang mag-vibrate.

1 new message from Babe<3

Luhan? Andito kami sa Rehearsal Room sa kabilang building. Practice. Behave ka dyan ah?

Napangiti ako sa sinabi nya. Alam ko naman kung ano yung dalawang ibig sabihin nya dun eh. Una, mag-behave means wag makipag-away. At pangalawa, mag-behave means wag makipag-fling fling. Selosa kaya girlfriend ko! Hahahahaha. :)

Nagstart na kaming maglaro ng Soccer. Matagal tagal na din mula nung huli naming paglalaro ng  Exo. 4thyear highschool pa kami. Kaya kinapa muna namin yung game namin ngayon bago namin makuha yung timpla. Ayos ba? :D

Napakalaki ng field kaya ang lawak ng tinatakbo.  Nakakapagod! -__- Parang feel ko di ko na ramdam yung mga paa ko. Pagkatapos naming maglaro ng soccer, basketball naman ang pinractice namin. Sa Court naman yun sa kabilang building.

Bago kami dumiretso sa Court dumaan muna ako sa Rehearsal room kung san nagpa-practice sina Patricia. Nakaka-inis nga eh. Hindi na ako kasali sa Theatro, baka kasi hindi ko na daw kayanin. Pagod ako sa Soccer at pagkatapos nun, sasalang na kaagad ako sa Theatro? Ako na haggard nun no?

"Chanyeol, pahinging pabango." sabi ko sakanya at agad naman nyang kinuha sa bag nya at binigay sakin. Nag-spray ako sa buong katawan. Oo halos ipanligo ko na. Hirap na. Baka mangamoy pawis ako. Baka ma-turn off pa girlfriend ko. XD Binalik ko na ang pabango at pinauna ko nalang sila.

Nagayos muna ako ng buhok at pagkapasok ko sa rehearsal room, nakita kong nakaupo sa floor si Patricia habang naka-indian seat at may hawak na bote ng tubig.

Nag-tip toe ako papalapit sakanya para hindi nya marinig ang yabag ko. At paglapit ko, kaagad kong tinakpan ang mga mata nya gamit ang mga palad ko.

"Hahahahahaha. Chanyeol ah? Mukha kang timang!"

Nawala ang ngiti ko nang bigla nyang sinabi yun. Chanyeol? B-bakit si Chanyeol?

Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mga mata nya at agad naman syang napatingin sakin habang hawak nya padin ang mga kamay ko. Halatang gulat sya nang makita ako. Pilit akong ngumiti sakanya.

"L-luhan. I-ikaw pala y-yan. Hehe." nauutal nyang sabi habang hawak padin ang kamay ko. Tumayo sya at humarap sakin.

"A-akala ko ba may t-training kayo ngayon?" tanong nya sakin.

"Oo nga. Ge, alis nako." matipid kong sagot sakanya. Tumalikod na ako at lumabas na sa Rehearsal room. Rinig ko pang tinatawag nya ako pero di ko na pinansin.

Pagkadating ko sa court, nandun na lahat ng kasamahan ko. Ako nalang ang kulang.

"Oh, the Prince is finally here" dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. At pagkatingin ko si Vincent pala. Gagung to. Lumapit ako sakanila at nakipag-fist bump pa silang lahat.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon