Chapter 18: Dave's side

131 4 0
                                    

[Patricia]

"Putangina wag kang madaya!"

"Gagu! Di naman ako nandadaya eh. Kayo nga dyan!"

"Gago, malapit na ko! Wahahaha."

"Ayoko na nga! Putangina. Ang daya nyo! Yosi nalang ako!"

Nagising ako dahil sa mga naririnig kong asaran at bulyawan ng mga lalaki sa paligid ko.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko pero pakiramdam ko, ang bigat bigat nito at ayaw bumukas. Malabo ang paningin ko at medyo madilim pa sa lugar na to.

Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko bago ito tuluyang lumiwanag at luminaw. Napabalikwas ako sa kinahihigaan kong karton ng napagtanto kong nakatali pala ang dalawa kong kamay at nakagapos din ang magkabila kong paa.

Nasa isang malaking imbakan kami ng mga kotse.

Magagarang kotse! *o* May Porsche, Lamborghini at iba pang magaganda at halatang mamamahaling kotse na nakaparada dito.

Nakita kong tatlong lalaking naglalaro ng ng PSP habang nakapatong sa lamesa ang mga paa nila habang ang isa naman naninigarilyo sa harap nila.

"S-sino kayo?" nauutal kong tanong kaya agad naman silang napatingin sakin.

"Oh gising na yan." sabi nung lalaking nakataas ang buhok

Pinitik naman ng lalaking nagyoyosi ang sigarilyo nya at naglakad papunta sakin habang nakapamulsa. Hindi naman nakakatakot ang mga itsura nila katulad nung mga panget na humarang sakin noon sa eskinita. Actually, gwapo silang apat. Mga mukhang Koreano dahil sa mga Chinitong mga mata, Makikinis na balat, Malilinis na pananamit, gwapong mga mukha at magugulong buhok na lalong nagpagwapo at bumagay d

sa mga itsura nila.

Lumapit ito sakin kaya kumabog ng malakas ang dibdib ko. Buong akala ko ay sasaktan ako nito pero tinanggal nya lang pala ang pagkakatali ng kamay at paa ko.

Nakatitig lang ako sakanya dahil sa nakaka-attract nyang mahahabang pilik mata at ang matangos nyang ilong. Bat ang gwapo nito?

"Don't stare at me like that, I'm not a model on a magazine that you can look at whenever you want to." sabi nito habang patuloy ang pagtanggal ng tali sa paa ko.

Wow ah? Englishero! Patay. Mapapasabak nanaman ang ingles ko nito.

Tumingin naman ako sa ibang direksyon dahil sa sobrang hiya.

"B-bakit ako nandito?" nauutal akong nagtanong sakanya. Tumingala sya sandali para tignan ako at binalik uli ang pokus sa pagtanggal ng tali sa paa ko.

Ang huling natatandaan ko nanunuod ako sa dining area ng condo ni Luhan nang bigla nalang may nagtakip ng bibig ko.

Nung una akala ko si Luhan lang pero iba ang narinig kong boses kaya nagsimula na akong magpanic. Pinilit kong sumigaw para sana marinig ni Luhan mula sa kwarto pero di talaga ako makasigaw ng malakas dahil sa pagkakatakip nito sa bibig ko.

"I don't have the right to answer that question. Tanungin mo nalang si Jiovanni pagdating nya." kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"And who the hell is Jiovanni?" pagsusungit ko sakanya at saka ipinag-krus ang braso ko.

"Tss. You'll know when he get here." tila naiirita nyang sagot sakin.

I just rolled my eyes. "Matagal pa ba yan?!" bulyaw ko sakanya.

"Maghintay ka nga! Ang higpit kaya ng pagkakabuhol!" sagot naman nya sakin.

"Eh bakit kasi kailangan pa akong itali eh nakatulog naman ako! Tss. Isip din pag may time."

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon