[Patricia]
Ito na yun. Ang mismong araw ng kasal nila. Maya maya lang ay maguumpisa na ang seremonya.
At ako? Eto. Nakatingin padin sa Wedding invitation na ibinigay ni Andrea last time na nagkita kami accidentally sa Panoram Highview. Kanina pa ako titig na titig sa maliit na envelope na ito at hanggang ngayon hindi padin ako nakakapagpasya kung pupunta ba ako o hinde.
Nagbalik nanaman sa isip ko ang mga huling sinabi ni Andrea bago pa ito magpaalam na uuwi na sila ni Luhan.
"Patricia, hindi ko ito binibigay sayo para saktan ka. Ibinibigay ko to para ipangako sayo na magiging mabuti ang kalagayan sakin ni Luhan."
" ... Hindi kita pipilitin kung ayaw mong pumunta sa kasal namin, naiintindihan ko. Alam kong nasasaktan ka. Sobra sobra. Sorry Patricia. Mahal ko lang talaga si Luhan."
" ... Pero wag ka magalala, mamahalin ko din sya. Tulad ng ginawa at ginagawa mo."
Mariin akong napapikit sabay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Nagtitiwala naman ako sakanya na aalagaan nya si Luhan. Kitang kita naman iyon sa mga kinikilos nya. Pero hindi padin maiaalis sakin ang masaktan dahil sa nangyayari. LAST MINUTE. Damn! Ikakasal na sya.
Parang kailan lang nung mga panahong, ang saya saya pa naming dalawa. Nung panahong wala pa kaming iniisip kundi ang kasiyahan ng isa't isa. Yung mga panahong hindi ko pa iniisip ang mga ganitong bagay. Nung mga panahong ...
Hindi ko na naituloy pa ang mga iniisip ko nang maramdaman kong may mainit nanamang likido ang dumadaloy sa pisngi ko. Bayolente ko iyong pinunas at saka muling tumingin sa imbitasyon.
Bakit kailangang mangyari sa akin ang mga ganitong bagay? Bakit kailangan sakin pa? Bakit kailangan pa akong masaktan? Nagmamahal lang naman ako ah? Bakit kailangan ko pang masaktan? Karma ko ba to? Bakit? Wala naman akong masamang ginawa ah? Wala naman akong inagrabyado na kahit isa sa mga Fangirls nya. Minsan nga, ako pa ang nagtutulak sakanya na i-entertain ang mga ito. Minsan kasi ayaw nya ng masyado syang pinagkakaguluhan. Ayaw nya ng masikip at mainit. Pero kapag sinabi ko naman sakanya na i-entertain nya ang mga fangirls nya, gagawin din naman nya.
Naging mabuting girlfriend naman ako sakanya. May pagka-makasarili at childish nga lang. Pero I swear! Buong buo. Ibinigay ko lahat kay Luhan! Kasal na nga lang din ang kulang samin pero naunahan yata ako ni Andrea.
Kahit ata anong gawin kong pagpipigil, kusa talagang nagbabagsakan ang mga luha ko. Kahit anong gawin kong punas, maya't maya silang tumutulo. Kaya hinayaan ko nalang. Ako lang naman magisa dito.
Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa side table ng kama ko nang bigla itong magring. Ilang segundo ko munang tinitigan ang phone ko bago ako makapagpasya na tumayo at lumapit kung saan ito nakalagay.
Ang inaasahan kong caller ay si Irish pero napakunot ako ng noo nang makita ko ang pangalan nya sa screen. Ngayon lang sya tumawag sakin. Ang pagkakaalam ko kasi hindi naman sya pala-gamit ng phone kaya ganun nalang ang pagkabigla ko nang makita ko ang pangalan nya.
Marahan ko iyong kinuha sa lamesa at pinindot ang answer button. "H-hello?"
nauutal kong bungad sakanya.
Ilang segundo na pero hindi padin ito sumasagot. Inalis ko sa tenga ko ang cellphone at tinignan ang screen kung nag-end na ba ang tawag pero patuloy padin ito sa pagbilang ng minuto ng tawag. "Hello?" pag-uullit ko.
"Yah, Patricia Noona." malamya nitong sagot. Bakas sa boses nya ang lungkot nito. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, nalulungkot sya.
"S-sehun .." sabi ko na halata namang pina-kaswal ko lang para hindi nya mahalata na nalulungkot ako. "H-how are you?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
She's into Him [EXO Fanfic]
FanficA story made for all the EXO stans out there! v(^____^)v This one's for you guys! ♥ We should raise our EXO's flag! >:) Hahahahaha. :) Dedicated to my oh-so-pretty PATRICIA RAMOS LALENG ♥ Hihihihihi~ Ni-request nya. Kaya, puro kilig moments. :))) He...