Chapter 27: Her Real Agenda [Part-2]

93 5 0
                                    

[Luhan]

"Ha-ha-ha. You-re .. You're kidding Andeng right?" pilit na tawa at pagkumbinsi ko sakanya na may halong pilit na ngiti.

Ano nanaman bang prank to? Ito ba yung napapanuod ko madalas sa tv na kapag nagseryoso na ko, bigla nalang may lalabas na camera at sasabihing, NA-WOW MALI KA! Ha? ito ba yun? Sorry but this is not a kid of joke that I could laugh at.

Umiling iling ito at bahagyang yumuko dahilan para manghina ang tuhod ko. Napaupo ako sa katabing bench at saka tumingin sakanya ng matalim na parang sinasabing bawiin-mo-ang-sinabi-mo. Pero pilit nya lang iniiwas ang paningin nya.

"L-luhan. I'm sorry, hindi ko agad nasabi sayo ng mas maaga." nakayukong sambit nya na agad ko naman ikinatingin sakanya.

"W-what?! H-hindi a-agad? Y-you mean .."

"Yes Luhan, it's all planned now," pagpuputol nya sa sasabihin ko. 

Parang bigla akong nanggalaiti sa sinabi nya kaya agad akong napatayo at napahawak sa balikat nya.

"Tell me, alam ba nila daddy to?! Ha?!" I asked her at a loss. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa balikat nya kaya nakita ko ang pag-ngiwi nya.

'A-aray ko, L-luhan, nasasaktan ako" umpit na sigaw nya na pinipigilan ang pagtaas ng kanyang boses.

I tightened my jaw and gave her a gazing stare. "Sagutin moko, Andrea." seryoso at walang kakurap-kurap kong utos sakanya,

Kapag Andrea na ang tawag ko sakanya sa mga ganitong scenario, ibig sabihin seryoso na ako at hindi na nakikipagbiruan kaya kailangan na nyang gawin kung ano ang gusto ko,

"O-oo alam ng daddy mo 'to! In fact, s-sya ang k-kinausap ni daddy about sa f-fixed marriage na to." nauutal at mukhang takot na takot na sagot nya.

HIndi na ako nagdalawang isip na tumakbo palabas ng campus at iwan sya sa garden na may nanlulumong itsura para magtungo sa taong hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

Halos paliparin ko na ang kotse para agad na makarating sa tinitirhan nila. 

Pagkadating ko sa El Giardinno Subdivision kung saan sila nakatira, hindi na ako nagbakasaling baka wala sya sa bahay nila. Dahil madalas, nasa opisina sya at tinutulungan si Lolo sa pagpapatakbo ng kompanya.

Padabog at puno ng galit akong kumatok sa pintuan nila. may doorbell naman pero mas gusto kong kumatok para malaman nila na galit at madilim ang aura ko. Wala pang ilang minuto ay pinagbuksan na ako ng maids nila.

"Sir Luhan kayo po pa---"

"Where's dad?" pagpuputol ko sa sasabihin nya.

"Ah nasa office nya po sa taas sir---"

Pagkasabing pagkasabi nya non ay nagmadali na ako umakyat at agad na pumasok sa office nya sa bahay.

Alam kong nagulat pa sya sa pagdating ko dahil nakita ko kung pano syang napatingin sa kinatatayuan ko nang bigla bumukas na malakas ang pintuan.

Sumandal sya sa kanyang swivel chair at saka tumingin saakin nang may ngiti sakanyang labi na para bang natutuwa syang makita ako sa pamamahay nya. "Hindi padin talaga uso kay Xiu Luhan ang pagkatok." nakangiting sabi nya habang sinu-sway ng bahagya ang upuan.

Hindi kami ganun ka-close ni dad. Sila ni Kuya Lian ang malapit sa isa't isa dahil si kuya ang naging kaagapay nya sa pagpapatakbo sa kompanya. Katulad nga ng nasabi ko kanina, madalas syang nasa office kaya madalang lang kaming nagkikita dito sa bahay. Parang hindi nga kami magkakakilala eh. Magdadaanan lang kami at hindi magkikibuan. Minsan nga naisip ko na, ginagawa na nyang bahay ang opisina. Minsan hindi na sya umuuwi at dun na sya nagpapalipas ng gabi

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon