Chapter 25: The Painful Quarrel

102 6 0
                                    

[Patricia]

Ngayon ang bonding nila Andrea, Kuya Lian at Luhan. Hindi sya pumasok dahil don.

Alam kong pinilit sya nila Andrea at ng kuya nya na sumama sakanila. At alam ko naman na hindi mapagtiis na tao si Luhan lalo na pagdating sa Kuya nya at kay Andrea na kababata nila.

Sabi nya sakin kanina hintayin ko daw sya dito sa school mamayang uwian dahil susunduin nya daw ako

Naalala kaya nya? :)

"Hoy!" nabalik ako sa kasalukuyan nang batuhin ako ng bolang papel ni Irish. Tinignan ko lang sya ng masama pero di naman sya nagpatinag.

"Kanina pa kita tinatanong eh. Bakit hindi pumasok yung abnormal mong boyfriend?!" pag-usosyo nya.

Agad din namang napatingin sakin ang Exo at hinihintay ang sagot ko. Bumuntong hininga ako bago sumagot

.

"May bonding kasi sila nila Andrea eh." nakayukong sabi ko.

"Yah Noona, hindi mo ba napansin na parang kinukuha ni Andrea noona ang atensyon ni Luhan hyung?" makahulugang tanong ni Chen.

Napatingin naman kaming lahat sakanya

"H-huh?" nauutal na tanong ko.

"Ah oo nga. Naalala nyo nung nakaraan? Napansin namin na parang trying hard si Andrea noona na makuha ang atensyon ni Luhan hyung." dagdag naman ni Kai.

I forced a laugh. "Hindi naman s-siguro. M-matagal lang t-talaga silang hindi nagkita kaya n-nasasabik si Andrea na m-makasama ulit si L-luhan" pautal-utal kong sambit.

Hindi naman siguro ganun. Ayoko i-under estimate si Andrea. Alam kong sobrang na-miss lang nya si Luhan.

"Alam mo Laleng, may point sila eh. Tignan mo ah?" dagdag ni Irish at saka umayos ng upo sa harap ko. "Parang inilalayo nya sayo si Luhan. Parang gumagawa sya ng dahilan para magkalabuan kayo. At! At! At! Bakit naman sya didikit na parang linta kay Luhan gayong alam naman nya na may girlfriend na si Luhan. Diba?"

Somehow, naliwanagan ako. Pero ayokong isipin na ganun nga talaga ang purpose ni Andrea. Oo naiinis ako sakanya dahil sa pagiging bossy nya, pero hindi naman sapat na dahilan yun para pagisipan ko na sya ng kung ano-ano.

"Guys, wag na nating gatungan yan. Parang sa mga sinasabi nyo, naguguluhan si Patricia eh. Gusto nyo ba na magkalabuan talaga sila?" pagsingit ni Kris na seryosong seryoso ang hitsura.

"Why not? Andito naman ako para kay Patricia noona!" proud na sagot naman ni Sehun.

Binatukan nga ni Suho. Hahahahahaha. : ) Ang cute talaga nila kapag ganyan sila. :')

*

"Ano ba kasing sabi nyang abnormal mong boyfriend?!" naiiritang tanong ni Irish.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench at hinihintay ang pagdating ni Luhan.

"Sabi nya pagkatapos lang daw nila. Malapit naman na daw matapos eh." paliwanag ko.

Kanina kasi tinext ako ni Luhan. Hintayin ko daw sya dahil susunduin nya ako. Pero kanina pa kami dito at magtatakip-silim na pero wala padin sya.

"Tss. Mauubos na pasensya ko dito kakahintay ah?! Bwiset." pagrereklamo nya.

Ngumiti nalang ako ng pilit at saka muling tumingin sa gate. Asan na kaya sya? Sisiputin kaya ako non? Sabagay, kapag sinabi nya gagawin nya.

Pero ngayon lang sya na-late. Ah! Baka na-traffic lang. Okaya naman, isa to sa mga surprise nya. Hahahahaha. :) Kunwari late pero, susurpresahin lang pala ako. Shit nae-excite tuloy ako.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon