Chapter 15: Living with my former Ultimate Crush in one roof?!

183 8 8
                                    

[Third person's POV-EXO]

"Where are they?" tanong ni Kris habang pabalik balik na naglalakad at paikot-ikot.

"Hyung pwede ba tumigil ka ng kakaikot dyan?" angil ni Sehun.

Kasalukuyan silang nasa isang Korean restaurant na binayaran para sila lamang ang makapasok. Hinihintay nila ang kanila manager para sa isang mahalagang announcement daw. Galing itong Korea at pinuntahan pa sila dito sa Pilipinas. Malamang importante talaga kaya minabuting puntahan nalang sila.

"Where's Luhan? Chanyeol? Ugh! That boys! They're always late!" inis na sabi ni Kris.

Nakatingin lang sakanya ang ibang miyembro habang palakad-lakad sya. Siguro hindi lang sya makapagintay sa nasabing anunsyo.

"Hey boys. We're here!" napatingin silang lahat sa pagbukas na pinto at iniluwa non sila Chanyeol at Luhan kasama si Patricia na nakakapit sa braso nito.

"Yaah! Patricia noona!" masayang bungad ni Sehun kay Patricia at pinalipot pa ang kamay nito sa braso ng dalaga.

"Hoy hoy, tanggalin mo nga yang kamay mo sa girlfriend ko! Gulpihin kita?" ungot ni Luhan kaya napanguso nalang si Sehun.

"Ano bang meron?" tanong ni Chanyeol at kumandong kay Xiumin. Lagi nya itong ginagawa sa kahit na sino sa mga miyembro kaya nasanay na sila.

"Manager's coming .." sagot ni Lay habang kinakalikot ang kuko nito.

Agad namang napatayo ng pabagsak si Chanyeol sa pagkakandong kay Xiumin. "What?!" gulat na gulat na sigaw nya.

"Araaay ko potaenaa!" napatingin silang lahat kay Xiumin na namimilipit habang hawak ang paa nito.

"Napano ka?" nagaalalang tanong ni Chanyeol.

"Tangina mo inapakan mo lang naman ako!" nahihirapang sagot naman ni Xiumin kaya nagtawanan ang mga miyembro.

Naghintay pa sila ng halos tatlong oras hanggang sa makadating na si Im Kyun Hyun na kanilang Manager sa nasabing Restaurant.

"Wow, Chen. You look awesome!"

"And also you, Tao!"

"Tsk, Maknae, it seems like nothing changed about you. But you look swooning."

"You've bloated, Kyungsoo. Looks good!"

Hindi maubusan ng complements ang kanilang manager pagkadating nito kaya ipinag-kibit balikat nalang ito ng mga miyembro.

"Oh, hindi ako nandito para puriin ang mga developments nyo." sabi ng kanilang manager at inayos ang suot nitong Gray Suit. "I'm here to tell you about the upcoming Concert of Exo." dagdag nya pa na ikinabigla naman ng lahat.

"Wait, what?!"

"Teka, bakit?!"

"Hindi kaya!!"

"Busy tayo, wag muna!"

"Aish! Bakit ngayon naman?!"

"Pwede bang next year nalang?!"

"No way!!"

"Ayoko! Ayaw muna namin!"

Nagmistulang palengke sa loob ng resto sa naging ingay ng Exo sa narinig nilang anunsyo ng manager. Ayaw nila ang nasabing concert kaya kanya-kanya sila ng reaction hingil sa plano nito.

"Quite!!!" natahimik sila sa biglaang pagsigaw ni Manager kaya lahat sila ay napatingin sakanya. "Can you please shut up? Patapusin nyo muna ako bago kayo mag-react dyan!" inis na saad nito sakanila kaya napayuko ang iba.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon