Chapter 32: His Wicked Mother

75 5 0
                                        

[Luhan]

Nakakahiya talaga para kay Patricia. Nahihiya ako nang dahil sa inasal sakanya ni Mama. Ako ang nahihiya para sakanya. Hindi dapat ganun ang naging pagtrato nila sa bisita ko, sa girlfriend ko, sa mahal ko. =___= Gusto ko pa sana syang ihatid sa bahay nila pero umayaw sya at gusto nyang kausapin ko muna si Mama. Ts! Iba talaga sila kapag may mga saltik.

"Ma!" sigaw ko habang padabog na kumakatok ng paulit-ulit sa pintuan ng kwarto nya. Pero parang wala syang naririnig dahil nakailang ulit na akong kumakatok pero ayaw nya akong pagbuksan ng pintuan.

"Ma open this door!" I shouted at the top of my lungs while banging her door. "Ma kapag hindi mo to binuksa----"

"What?!" mataray nyang sagot pagkabukas ng pintuan nya. 

"Ma let's talk." ma-awtoridad kong sabi sakanya at saka walang alinlangang nagdiretso sa loob ng kwarto nyang tinutuluyan dito sa Mansion. Minsan lang naman sya nagsstay dito, dahil dun sya laging tumutuloy sa bahay nila ni Dad.

Pabagsak na umupo sa couch si Mama, nag-cross legs at saka tumingin sa akin. "Anong gusto mong pagusapan, baby boy?" mapang-asar na tanong nito sakin. Ts alam na alam talaga nya kung pano ako aasarin. Pero di ako nagpatinag.

Umupo ako sa upuan malapit sa inuupuan nya at nakipagtagisan ng titig sakanya. Nagtagal ang pakikipagtitigan ko sakanya pero sa huli sya din ang sumuko.

"Okay hands down, my Son. Anong paguusapan natin?" tanong nito at saka kinalikot ang kuko nya. Yes, She's a cool mom. Hindi nga halata sa itsura nyang 46 years old na sya eh, kaya kung kumilos sya parang bagets. -____-

"Ma, what you did was wrong." kalmado kong sita sakanya.

"What was wrong with that, Baby boy?" painosente nyang tanong. 

"Ts, ma! Para namang hindi mo alam kung anong mali don? And please, stop calling me that way! Hindi nako bata, pwede ba?" maotoridad kong utos.

Pero imbis na magseryoso eh, ngumisi pa ito na lalong nakapag-paasar sakin. Pero kailangan kong pigilan ang galit ko, kailangan ko syang kausapin ng mahinahon. 

"Oh my Lulu. Bat ba nagkakaganyan ka sa babaeng yon? She don't deserve my son." cool na sagot nito sakin. 

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Ma, I love her. And honestly speaking, I'm finding a remedy for this damn marriage. And don't you think na masasaktan lang din si Andrea kapag pinakasalan ko sya? Magkakasakitan lang kami." I protest. Unti-unti ng tumataas ang boses ko pero pilit ko pading pinipigilan. Damn! Hindi sya madaan sa masinsinang usapan at pakiusapan. Mapipilitan na ata talaga akong magpursige na hindi matuloy ang tanginang kasal na yun eh.

Natigil sa pagkalikot ng kuko nya si Mama. Pero imbis na matinag ako at matakot sa direstong titig nya sakin, nakipagtagisan pa ako ng titig sakanya at pilit na sinasalubong ang mga nakakatakot nyang tingin na tagos sa buong pagkatao ko.

"Stop arguing with me, Luhan!" sigaw nito sakin na nakapaghugot ng lahat ng hangin sa katawan ko sa sobrang gulat! "Wala ka ng magagawa! Yun na ang nakatakda para sayo at wala ka nang ibang pwedeng gawin kundi ang sumunod!" tuloy tuloy na sigaw nya.

Gusto kong matawa ng sarkastiko sa mga sinabi nya. Gusto kong tumawa at humagalpak sa harapan nya. Ako? Bakit palagi nalang ako itong naghihirap sa mga tanginang kagustuhan nila na labag naman sa kalooban ko?! Bakit laging ako ang nakikita nila sa mga ganitong sitwasyon? 

"Ma! Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Bakit ako nalang ang lagi nyong pinagtutulakang gawin sa mga kagustuhan nyo?! Bakit palaging ako?! Ha? Ma bakit?!" sigaw ko din.

Totoo naman eh, ako palagi ang pinagtutulakan nila sa mga kagustuhan nila. Sinunod ko na sila dati sa kagustuhan nila kahit labag sa kalooban ko. Umalis ako ng Korea at umalis sa grupo ko para sa kagustuhan nilang magaral ako dito sa CYU. Ayokong umalis noon dahil ayaw kong malayo sa EXO na para ko ng mga totoong kapatid. Pinilit nila akong umuwi dito  at magaral kahit maganda naman na ang buhay at pagaaral ko doon sa Korea. Tapos ngayon, eto! Ako nanaman. Susunod nanaman ako sa kagustuhan nila! Para nga akong aso na sumusunod lang sa utos ng amo nya eh. Nakakainis na! Palagi nalang ako.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon