Chapter 31: Is this the end?

86 7 0
                                    

[Patricia]

Hindi ko maitatangging kinakabahan ako sa magiging resulta ng paguusapan naming dalawa ni Ara. Hell yeah, ang lucky fiance ni Luhan. Ang Luhan ko. Ts. 

Kasalukuyan kasi akong nkasakay sa Cab papunta sa Aubergine na pagkikitaan namin ni Ara. Kabado ako, oo. Kinakabahan ako dahil sa hindi ko malamang dahilan. Una, ang lolo ni Luhan ang kumausap sakin. Pangalawa, ang mama nya. Tapos ngayon naman, mismong si Andrea na ang kakausap sakin. 

May dapat ba akong katakutan? Matakot dahil unti-unti nang napapalayo sakin ang mahal ko? Shet, hindi ko na alam. Naguguluhan padin ako. Siguro kung nakakapagsalita lang ang dala kong bag, kanina nya pa ako minura dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sakanya. Ninenerbyos kasi ako. Hindi ko alam ang ire-react ko pag nagkita na kami.

Hindi ko alam kung magtatapang-tapangan ba ako o magiging isang maamong tupa sa harap nya. Ah ewan! Bahala na sa magiging takbo ngntagpo.

Lalo pa akong kinabahan nang huminto sa harap ng Aubergine ang sinasakyan kong cab. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami. Buong byahe kasi, wala akong inisip kundi ang mga pasibleng mangyari.

Inabot ko na sa driver ang bayad ko habang halata sa akin ang pagkaba dahil sa  marahang pangangatog ng kamay ko. Buong loob akong lumabas ng taxi at saka tumingin sa loob. Wala pa akong makitang Andrea sa loob kaya medyo lumuwag ang paghinga ko.

Agad akong dumiretso sa loob at saka nag-order ng frappe na lagi kong ino-order kahit saan. Naghintay pa ako ng matagal-tagal bago tuluyang makarating si Andrea na nakapag-pakabog nanaman sa dibdib ko.

Pero hindi ako nagpakita ng anumang pagka-kaba sa harap nya. Pero deep down I swear, dinadaga na ako. Parang gusto ko munang sumaglit sa banyo para umihi dahil sa tensyong nararamdaman ko sa loob loob ko. Pero parang na-dikit na ako sa kinauupuan ko at hindi ko na magawang makagalaw. 

Cool lang si Andrea, walang sign na kinakabahan sya tulad ko. Hindi mapahkakailang maganda talaga si Andrea. Yung kutis nya parang porselana. Mamahalin. Wala man lang bakas nang kahit na anong gasgas saan mang parte ng katawan nya. 

"W-what took you so long?" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko na iyon para tanungin sya. Shit ka, Patricia. Please, don't stutter! -__-

"Ah, traffic kasi sa may Edsa. Malayo mula dito ang Mansion kaya medyo mahaba ang byahe." malamlam na pahayag nya. Napaka-lambing ng boses nya, parang boses ng isang anghel. Pero yun pala, magaling naman sa agawan. ><

Pakiramdam ko tuloy umiinit nanaman ang ulo ko. Sa tuwing naaalala ko kasi ang bagay na iyon, kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng to! Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagkasuklam at poot.

"Anyway, hindi ako nakipagkita to have a little chitchat with you." natigil ako sa pagiisip nang biglang magsalita si Andrea sa isang maangas na paraan.

"I'm here to talk about Luhan and I." dagdag nya pa.

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi nya. Hindi nga ako nagkamali ng akala. Nakipagkita sya para pagusapan ang tungkol sa kasal nila. Nararamdaman ko nanamang nangingilid ang mga luha ko pero pilit ko itong pinipigilan dahil ayokong magmukhang mahina sa harap ng babaeng to, Ang karibal ko.

"Well, Patricia. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sasabihin ko sa'yo straight to the point. Ikakasal na kami ni Luhan." dire-diretso at walang pagaalinlangang sabi ni Andrea. 

Nasaktan ako, oo. Pero hindi padin ako nagpakita ng kahit na anong kaba at takot. Parang wala lang sakin ang sinabi nya. Pasok sa kaliwang tenga, labas sa kabila. Alam kong nagtataka sya kung bakit parang wala man lang akong reaksyon sa sinabi nya dahil sa pagkakunot ng noo nya at saka nag-crossed arms.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon