Chapter 33: The painful Revelation

77 5 1
                                    

[Luhan]

"Baka naman may iba na yan, Hyung?" -Kyungsoo.

"Tanga, napaka-loyal kaya ni Patrcia Noona." -Sehun.

"Eh bakit ganun?" -Kai.

"Malay ko! Si Patricia Noona lang ang nakakaalam nyan." -Sehun.

Parang mga bubuyog na nagbubulungang sabi ng mga kasama ko. Pati sila napapansin na ang sudden change ni Patricia. Andito kami sa school. At kaninang umaga nya pa ako hindi pinapansin. Natatakot na tuloy ako sa ikinikilos ni Patricia. Natatakot ako na baka alam na nya ang tungkol sa magiging kasal namin ni Andrea.

"Baka alam na nya ang tungkol sa kasal .." wala sa sariling sagot ko sa mga katanungan nila. 

Para naman biglang may anghel na dumaan sa amin dahil sa biglang pagtahimik nila. Tsaka ko lang napagtanto na nasabi ko na pala ang matagal ko ng pinakatatago. Fuck! 

Dahil sa sobrang embarassment ay napasapo nalang ako ng mukha at saka binaon ang mukha ko sa lamesa. 

"H-hyung .. T-teka, nagbibiro ka ba?" nauutal na tanong ni Sehun.

"Magpapakasal na kayo ni Patricia?" buong pagtatakang tanong naman ni Lay. 

Parang bigla akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig dahil sa mga tanong nila. Ni hindi ko na nga maigalaw ang mga kamay ko dahil sa kaba eh. Nakakainis! Lumilipad kasi utak ko, hindi ko na tuloy mapigilan ang bunganga ko.

"Fuck!" mahinang mura ko at saka tumingala. Isa isa ko silang tinignan at pare-pareho sila ng ekspresyon.

Pare-pareho silang nakanganga at naglalakihan ang mga mata. Tila gulat na gulat sila sa sinabi ko.

"Naka-plano na ang kasal namin ..

Ni Andrea .." mukhang gulat na gulat din sila sa pangalang binanggit ko kaya sabay-sabay silang naglapitan at saka umupo sa harap ko. Habang sila Suho, Kris at Xiumin naman ay naghila ng kanya-kanya nilang upuan at saka pumwesto sa harap ko.

"Tell us .. EVERYTHING." authoritive na sabi ni Kris gamit ang pinaka-nakakatakot na boses nya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko inumpisahan ang pagkkwento sakanila ng buong istorya.

"Ganito kasi yun  .." panimula ko.

***

"Eh pano si Patricia Noona? Hoy hyung, tandaan mo to. Sa oras na maghiwalay kayo ni Noona, pinapaalala ko lang na matagal nakong nakaabang sakanya---aray ko!" sabi ni Sehun pagkatapos kong ikwento ang buong istorya sakanila. Agad naman syang binatukan ni Kris at saka tinignan ng masama.

"Imbis na makatulong ka, lalo mo pang tinataranta si Luhan! Manahimik ka nga dyan kung ayaw mong ibitin kita sa may attic mamaya." sita sakanya ni Kris kaya agad itong napakagat sa daliri nya.

"So what's your plan?" cool na tanong ni Tao habang naka-cross arms at nakacross legs pa.

Napabuntong hininga nalang ako sa tinanong nya dahil hanggang ngayon hindi padin ako nakakabuo ng isang epektibong plano para hindi matuloy ang kasalan.

Umiling iling ako sakanya bilang sagot. Napasandal sila sa kani-kanilang upuan sa naging sagot ko.

"So is that really means na handa ka ng iwan sya?" -Xiumin.

"Ofcourse not!" nakakunot noong protesta ko. "Ngayong alam nyo na, hindi pwedeng hindi nyo ko tutulungan no! Kaya nga kinwento ko eh para magpatulong sainyo!" dagdag ko pa.

"Eh ano namang maitutulong namin sayo?" curious na tanong ni Lay habang nag-aayos ng patilya nya.

"Let's make a plan .." mabilisan kong sagot. Agad naman silang napatingin sakin na parang nagtatanong kung anong klaseng plano.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon