Chapter 23: Girlfriend vs Childhood friend

121 6 0
                                    

[Luhan]

"Babe coffee?" -Patricia

"Oh? Nagco-coffee ka na ngayon?" -Andrea.

"Uh babe, magluluto nalang ako ng favorite mong Adobo mamaya for Lunch."

"Hm diba Tinola ni tita ang gusto mo? Yung maanghang at madaming sayote?"

"Babe shower ka na kaya?"

"Kapag tanghali ka nalang maligo para hindi ka lamigin. Maaga pa Luhan."

Palipat-lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa. Nagpapaligsahan ba sila? Tss.

Una, nagulat nalang ako nang gisingin ako ni Patricia dahil daw may bisita ako. Wala naman akong ini-expect na bisita ko ngayon kaya laking gulat ko nalang ng makita si Andrea sa living room.

Yeah, kababata namin ni Kuya si Andrea. Mas matanda lang ako ng isang taon sakanya. Ultimate crush ko sya noong bata pa kami pero nung nalaman kong hindi pala sya marunong magsulat or even magbilang using her hands, na-turn off ako. Bata pa kami non. At dati yun. Isang dekada na din ang lumipas.

"A-andrea .." pagtawag ko sakanya.

Lalo nya pang isiniksik ang sarili nya sa tabi ko at nakita ko naman ang pagtingin ni Patricia sa kaunting space sa pagitan namin ni Andrea kaya umusog ako ng kaunti pero lalo pa syang nagsumiksik sakin.

"What is it?" malambing na tonong sagot sakin ni Andrea.

Napalunok ako nang bigla nyang ipilupot ang kamay nya sa braso ko at humilig sa balikat ko.

Kinuha ko naman ang pagkakataong hindi nakatingin si  Andrea para tumingin kay Patricia. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkairita sa inaasal ni Andrea pero nagpipigil sya ng galit.

"A-ah, anong g-ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong.

Actually hindi talaga akong kumportable sa posisyon na ito. Nasa kaliwa kong side ang girlfriend ko na nakatingin lang samin at nakakunot ang noo. Samantalang sa kanang side ko naman ang kababata ko na daig pa ang linta sa pagkakayapos sakin.

"Why? Ayaw mo ba?" tanong nya na may nagtatampong tono.

"H-hindi naman" sagot ko habang nakikipagtitigan kay Patricia at kumindat. "N-nabigla lang ako."

Iniangat nya ang ulo nya at tumingin sakin. Titingin din sana ako sakanya pero napagtanto ko na sobrang lapit ng mukha nya sakin na kapag yumuko ako eh, baka magkadikit na ang mukha naming dalawa. Edi trouble to?

"Are you surprised?" masayang tanong nya sakin

Pilit akong tumawa habang nakatingin sa dingding at saka sumagot. "Of-ofcourse I-I am. Hehe."

"Good thing I succeeded." sabi nya at muling humilig sa balikat ko.

Nanatili pading nakatingin si  Patricia sa balikat ko kung saan nakapatong ang ulo ni Andrea. Gusto ko syang hatakin at yakapin pero hindi ko magawa dahil may nakadikit sa akin.

"Don't you missed me?"

Halos mahugot ko ang hininga ko sa biglaan nyang pagtanong ng ganun. Kahit si Patricia ay halatang nagulat sa itinanong nya dahil namilog ang mata nya at saka sarcastic na tumawa nang walang tunog.

Matagal bago ako nakasagot.

"Ofcourse, I-I missed .. I-I missed you." sagot ko.

Baka naman kasi mapahiya sya kapag sinabi kong hindi. Baka ma-offend. Actually, miss ko sya. Miss na miss. Syempre ilang taon din namin syang hindi nakita kaya natural lang na ma-miss namin sya. Kaya hindi ko maitatangging namiss ko sya.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon