Chapter 21: Farewell (Part 2)

113 5 3
                                    

[Luhan]

"Luhan?" bigla akong napatingin sa katabi ko nang bigla nya akong sikuhin at saka hinawakan ang kamay ko.

"Hmmm?" tanong ko at saka ngumiti

"Kanina ka pa tahimik dyan." sabi nya at bakas sa tono nya ang pagaalala.

Nandito padin kami sa Cobo Pavillion at nagkaroon ng inuman kasama ang buong EXO at pati na din ang BND. Oo! You read it right. BND! Yung gang ni Dave Alcantara.

Nabigla ako sa pagdating nila. Naginit ang ulo ko pero pilit akong pinapakalma ni Patricia. Pinaliwanag nya sakin na hindi ko daw kailangan pang magalit kay Dave dahil nagawa nya lang daw yon for a reason. A fucking reason. Tss.

Nakipagshake hands pa sila samin pero dahil hindi naman ako ganun kasama, kinamayan ko na. For Patricia's sake. Pero ngayon ayan ayos na. Medyo kumalma na naman ako.

"I'm fine." tanging sagot ko nalang sakanya at saka humalik sa noo nya.

About sa usapan namin ni Chanyeol? Mali lang ako ng inakala. Ang akala ko gusto nya si Patricia  pero hindi pala. Dati lang. Pero medyo crush nalang ngayon. Malandi din kahit papano si Chanyeol eh. :D

"Kelan ba ang alis mo?" tanong ni Dave kay Ara at saka nagsalin ng alak sa shot glass.

"Hm by tomorrow. At exactly 3pm." sagot ni Ara at ngumiti ng matamis. Lupit nitong dalawang to. Parang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

"Wala na bang .. wala na bang makakapigil sa pagalis mo?" at pagkatapos ng 1234567890 years, sa wakas nagsalita na din si Chanyeol..Di na siguro nakatiis.

Ara just flashed a sweet smile. "I guess nothing."

"Kahit .. kahit ako?" parang nahihiyang tanong nya at saka kumamot pa sa batok nya.

Nagtawanan naman kami at saka sya tumingin na para bang sinasabing damn-it-Luhan-I'm-not-kidding-so-stop-laughing. Napailing nalang ako sa kanya.

Marami rami pang bisita. Halos lahat eh, mga kaklase at school mate lang ni Ara sa dati nyang school at sa CYU. Bigla nanamang tumugtog ang isang slow dance. Ayoko na sanang sumayaw pero laking gulat ko nang biglang may babaeng naglahad ng kamay nya sa harapan ko.

Parang ang awkward naman ata neto. Shit!

"Can I have this dance Mr. Xiu Luhan?" tanong nito sakin at saka ngumiti ng malapad.

"A-ara .." bulong ko sa sobrang kahihiyan. Shit! nakakahiya talaga. Sya pa talaga nagyaya sakin.

"Wag ka na nga maarte! Pasalamat ka nga niyaya pa kita. Kanina pa kita hinihintay na yayain ako pero parang di moko nakikita!" parang nanunumbat na sabi nya sakin. Napangiwi nalang ako at saka tumingin sa katabi ko na para bang hinihingi ang permiso nya.

Tumango lang sakin si Patricia kaya tumayo na din ako at inakay papunta sa gitna si Ara.

♪.. Ito na ang ating huling sandali

Di na tayo magkakamali.

Kasi wala ng bukas, sulitin natin ito na ang wakas.

Kailangan na yata nating umuwi ..♪

I put her hands on my shoulder and placed my hands around her waist. I can't believe na yung babaeng dati kong kinababaliwan eh, untii-unti ko ng nalilimutan lahat ng feelings ko para sakanya.

"I miss you Xiu Luhan." napasinghap ako nang biglang ipatong ni Ara ang baba nya sa balikat ko habang nakapaikot sa leeg ko ang braso nya. Okay parang ang awkward naman ata nito?

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon