Epilogue

103 5 8
                                    

After 7 years ...

"Tristan, wag ka nga malikot!" suway ko sakanya habang nakaupo at nakikipagharutan sa ama nya. Kanina pa sila ang likot likot dito sa sofa. Nasisipa na nga nya ang tagiliran ko kakapadyak, ayan at patuloy padin sa pagsipa.

"Si daddy kasi mommy! Nikikiliti nya ato. Hihihi~~" pagdepensa naman nya sa kanyang sarili habang hindi mapigil ang paghagikgik at patuloy naman ang pakunyaring pangingiliti sakanya ng daddy nya.

Matalim ko namang tinignan si Chanyeol. Agad naman syang tumigil sa pakikipagharutan kay Tristan at saka tumingin sakin na parang sinasabing I'm-sorry-Hon. I rolled my eyes at saka muling nanuod ng TV.

Oo, tama kayo ng pagkakabasa. Si Chanyeol nga. Sya ang napangasawa ko. 5 years old na si Tristan at 5 years na din kaming kasal. Sya yung lalaking yumakap sa akin nung mismong kasal ni Luhan. Wala na akong balita sakanila pagkatapos nung araw na iyon. Huminto na kasi si Luhan sa pagaaral kaya hindi na ito nakasabay sa graduation nung college. Pero ang EXO naman ay nakasama ko pa. Ang saya nung Graduation. Dahil sa wakas, pagkatapos ng dalawang taong pakikipagbuno eh, nakaakyat na din sa wakas sa stage. 

Pero hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak habang nagma-martya nung araw na iyon. Dahil ang pangako sakin ni Luhan dati, sabay kaming magmamartya at Ggraduate pero wala naman na sya. Nagselos pa nga nun si Chanyeol dahil, boyfriend ko na sya nun pero iniiyakan ko padin si Luhan. Pero nagreminisce lang naman ako nun eh.

Pagkatapos ng Graduation, ilang buwan din ang lumipas, bago kami magcelebrate ng 2nd Anniversary ni Chanyeol, nagpropose na sya sakin. Mangiyak ngiyak pa ako nun bago um-oo. 

Baka naman isipin nyo, ang bilis kong napalitan si Luhan? Hinde no! Mahigit isang taon din ang lumipas bago ko napagtantong mahal ko na pala itong kumag na to. :D

"Hon, eh kung labas kaya tayo?" agad naman akong napatingin sakanya nang bigla nyang itayo si Tristan at inayos ng pagkakaupo sa hita nya. "Diba baby? Gusto mo gumala?" sabay baling nito ng tanong kay Tristan na namilog naman ang bibig.

"Yes daddy! Yipeee!!" sagot agad ni Tristan. Kamukhang kamukha talaga ng tatay nya to! Pati ang tenga, mata, ilong at labi, kay Chanyeol din nagmana. Cheekbone lang ugali ang nakuha nya sakin. Yung pagiging maligalig at makulit. Yun! Yun ang kuhang kuha nya sa akin. 

"Ang init." tipid kong sagot sakanya at saka muling nanuod. Ang hilig nila pareho sa gala. -___- Hindi maipagkakailang mag-ama nga sila.

"Hon .." bulong nya at saka inupo si Tristan sa kabilang side ng sofa. "Dyan ka muna magplay." sabi nya at muling tumingin sa akin. "Hon .." bulong uli nya.

Lumapit pa ito sakin at saka hinawi ang buhok ko sabay ipit nito sa likod ng tenga ko. "Matagal tagal na tayong di nakakalabas." malambing nyang sambit sabay unan sa balikat ko.

Agad naman akong napatingin sakanya. "What?!" I shouted in disbelief. "Kakagala lang natin kahapon Chanyeol!" protesta ko.

Narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa at saka tumingala. "Ah. Kakagala lang ba natin? Haha! Hey, young man!" pagkuha nito sa atensyon ni Tristan na naglalaro sa tabi nya.

"Sino gusto pumunta sa Mall?" masaya nyang tanong. 

"Meeee!!!" maligalig na sagot ni Tristan at saka tinaas pa ang dalawang kamay nito.

Napailing iling nalang ako habang natatawa sakanila. Lagi nalang nila akong napagkakaisahan. Ano pa nga bang magagawa ko?

***

[Luhan]

It's been 7 years after the heart breaking marriage. Naging maayos naman ang takbo ng pagsasama namin ni Andeng. She's a good wife and a loving mother to our twins. Yes! May kambal kami. Sina Andrew at Lucho. Ang saya saya ko nga nang malaman kong parehong lalaki. Aba! Syempre naman. Dalawang Xi ang magdadala sa apelido ko! Mas matanda lang ng 3 minutes si Lucho kay Andrew.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon