Chapter 20: Farewell (Part 1)

186 4 1
                                    

[PATRICIA]

"Hey, come to daddy. Let me cut your nails." sabi ni Luhan habang hinahabol si Yuan sa buong bahay.

Kanina pa sila ganyan. Naghahabulan dahil gustong gupitan ni Luhan ng kuko si Yuan pero ayaw naman nitong lumapit kay Luhan at gustong gusto pa ang paghahabulan nila. Well, para talaga silang mag-tatay sa lagay nila. At eto ako, naka-upo lang sa sofa bed habang pinapanuod silang mahtakbuhan sa harap ko.

Nagtataka nga ako eh, kaliit-liit ni Yuan hindi nya pa mahuli. Tss. Ang liksi kasi nitong maliit eh. Minsan, dumadaan sa ilalim ng lamesa kung saan hindi magkakasya si Luhan. Taba ng utak ng batang to eh.

"No, I don't want to. Bleeh!" pang-aasar naman ni Yuan atsaka tumakbo paakyat sa sofa.

"Hey! Bumaba ka, malaglag ka dyan eh!" pagsuway naman ni Luhan sakanya. "Mommy tignan mo sya oh? Ang kulit." sumbong nya sakin na parang isang bata.

Napapailing nalang ako sakanila dahil ayoko namang tumulong na maghabol, napagod kasi ako. Nung sinundo ni Luhan si Yuan sa bahay namin eh, naiwan ako mag-isa dito kaya naisipan ko nalang na maglinis ng buong bahay.

"Yuan, magpagupit ka na ng nails mo." sabi ko kay Yuan habang hinahabol ko sya ng tingin sa bawat takbo nya.

"Mommy ayoko. Si Tita Mica nagpapahaba ng nails eh. Sabi nya maganda daw kapag mahaba." sagot naman nito sakin habang patuloy ang pagtakbo.

Napasapo nalang ako ng ulo ko sa nalaman ko. So naimpluwensyahan pala sya ng magaling kong kapatid.

"Baby hindi maganda nagpapahaba ng nails, dirty na yan. Madaming germs ang nasa loob nyan. Wag ka maniniwala sa abnormal na kapatid ni Mommy, may saltik lang talaga yun" sagot naman ni Luhan sa bata at saka kinuha ang hawak ng patpat ni Yuan.

Nang mapagod siguro si Yuan sa pagtakbo ay, nagpahuli na lamang ito kay Luhan. Kinarga sya nito at umupo sa tabi ko habang nasa kandungan sya ni Luhan at naghahabol ng hininga. Okay, pareho silang pagod sa kabaliwan nila.

*tik*

(SFX yan ng nail cutter. Hahahahahaha)

"Ang tigas ng kuko mo ah?" pagrereklamo ni Luhan nang magupitan nya ang hinliliit ni Yuan.

Grabe naman kasi, parang kuko sa paa ang ginupitan nya. O baka ganun lang talaga ka-OA ang tunog ng nail cutter.

"Daddy, kung magrereklamo ka, edi sana di mo na ako ginupitan." sarcastic na sagot naman ni Yuan. Aba! Ibang klase to ah? Natuto ng sumagot.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Marahil natutunan nanaman nya ang mga linyang yan kay Mica The Great Philospher. Oo, napaka-pilosopa kasi nung babaeng tuod na yun eh.

Ang ganda nilang tignan habang nakaupo si Yuan sa hita ni Luhan at nakapaikot naman ang mga braso nito sa bata para magupitan ng maayos ang pagkakagupit.

Bagay na bagay talagang maging ama si Luhan.

Nasa ganung estado kami nang biglang mag-buzzer. At dahil, busy silang nag-gugupitan ng kuko, nagpresenta na akong magbukas.

Pagbukas ko, sumalubong sakin ang naka-ngiting mukha ni Kai na halos umabot na sa tenga ang ngiti.

"Annyeong!!" bati nito sakin at saka ko lang napansin na may mga kasama pala sya sa likuran nya.

"Sino yan babe?" sigaw ni Luhan mula sa living room.

"A-ah, hehe. P-pasok kayo" nauutal kong sabi sakanya at sumunod naman ang buong EXO. Oo, sila nga. Tss.

"Yah Xiu Luhan!" dinig kong bati ni Kris sakanya.

"Oh kayo pala." bati din sakanila ni Luhan at nakipag-fist bump pa. Nang makarating ako sa sala, naabutan ko silang nakaupo don habang pinapanuod si Luhan na gupitan ng kuko si Yuan.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon