Chapter 28: Fixed Marriage [Part-1]

113 6 0
                                    

[Patricia]

"Babe may assignment ka?" tanong sakin ni Luhan habang nililipat ang mga pahina ng notebook ko.

Tatlong araw na syang ganyan. Lalo sya naging maasikaso.

Nung tinext nya ako para makipagkita, hindi ako pumunta. Pakiramdam ko nung araw na yun, sobrang pagod na pagod ako at wala ako sa mood na umalis at pumunta kung saan saan. Nagpalusot nalang ako na nakatulog ako at hindi agad nakita ang text pero sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na makipagkita sakanya.

"Wala." tipid kong sagot nang hindi sya tinitignan.

Hindi ko pa sinasabi sakanya na narinig ko ang naging paguusap nila ni Andrea sa garden nung nakaraan.Gusto ko sya mismo ang umamin. Gusto ko sakanya mismo manggaling ang mga narinig at nalaman ko.

"Bakit wala? Babe naman, ngayon ka lang hindi nakagawa ng assignment ah? Meron ako kopyahin mo, bago dumating si Sir Sampana." mahabang litanya nya. Tinignan ko lang sya nang napaka-bored kaya naibaba nya ang notebook na hawak nya.

"Babe may problema ba? Nung isang araw kapa ganyan. Ayos naman na tayo diba? Nagsorry naman na ako ah? Babe?" pag-lalambing nya habang kinakalbit-kalbit ang braso ko.

"Wala ako sa mood." tipid ulit na sagot ko sakanya.

"Wala sa mood? Araw-araw? Babe naman." sabi nya nang hindi makapaniwala.

"Luhan wag mo muna akong kulitin." pakiusap ko. Agad naman syang umayos ng upo sa upuan nya at saka binasa ang mga nakasulat sa notebook nya.

Sa totoo lang, gustong-gusto ko na syang lambingin, kulitin, yakapin, kurutin at asarin. Pero parang may kung anong pumpigil sakin. Nadadala ako ng sakit na nararamdaman ko.

Kapag nakikita ko sya, bumabalik ang mga narinig ko sa garden. Lalo akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko sya at lumalapit sakin.

Nasasaktan na ko. Gusto ko na sya mismo ang magsabi sakin. Gusto kong aminin nya. Pero sa nakikita ko, parang nililihim nya sakin. Pilit nyang itinatago sa mga mata nya ang totoo.

Pagkadating ng teacher namin, tahimik lang kami ni Luhan. Buti nga at bukas na daw ipass ang mga assignment, marami din kasi ang mga wala. Kaunti lang ang nakagawa. Kaya ipinagpabukas nalang ni Sir Sampana.

Nagtatawanan, naglolokohan at nagaasaran ang iba naming mga kaklase, samantalang kami ni Luhan, nananahimik lang at walang pakialam sa mga nagaganap.May sarili akong mundo at meron din syang sarili nya.

Pagkatapos ng klase, ganun padin ang estado naming dalawa. Wala saming dalawa ang kumikibo. Walang naglalakas-loob na magsalita.

"Hey, early dismissal ulit tayo!! San ang gimik?" masayang anunsyo ni Kyungsoo habang pumapalakpak pa.

"Uh! EH kung dun nalang kaya tayo sa Mansion nila Lulu?" pakiki-joy ride naman ni Kris.

Halata sa itsura ni Luhan ang pagka-inis pero wala naman na syang nagawa noong pagtulungan na syang pilitin ng Exo. Hindi na dapat ako sasama pero pati ako napagka-isahan nilang kantyawan. Kasali na din si Luhan kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumama.

"Laleng?" bulong ni Irish habang nasa loob kami ng Van na sasakyan ng Exo. Agad naman akong napatingin sa kanya at gusto kong matawa sa itsura nya. 

Naka-puppy eyes sya at nakanguso na parang natatakot na ewan. Tinaas ko lang ang kaliwang kilay ko indikasyon na hinihintay ko ang mga susunod nyang sasabihin.

"G-galit ka ba?" nauutal nyang sabi habang kinakagat ang dulo ng daliri nya.

"Hindi ah! Bat naman ako magagalit?" takang-takang tanong ko din.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon