[Patricia]
"Oh ito suotin mo." sabi ni Dave sakin sabay hagis ng isang plastic bag. "Baka sabihin ng shota mo, kinawawa kita. Hoy! Mamahalin yan ah? Alam ko namang hindi ka pinapasuot ng mumurahin ni Luhan eh!" dagdag nya pa at saka umikot pataas ang mga mata.
Somehow natuwa ako sa inasal nya. Kanina pa kasi ako namo-mroblema eh. Hindi ko tipo ang suot ko, yung malaking puting long-sleeved polo shirt ni Joshua ang pinasuot sakin. Yun yung isang kasamahan nya. Lahat sila, close ko na agad. Maliban nalang kay Carl na napaka-KJ.
At hindi pa ako naliligo damn it! Kating kati nako.
Nagtungo agad ako sa banyo at sinuot ang hanging blouse at maong shorts na binili nya kanina nung mapansin nya sigurong hindi ako kumportable sa suot ko.
Halos makita na ang pusod ko dahil sa hanging blouse na to. Kapag binaba ko naman, lilitaw naman ang dibdib ko.
Tsh. Mas gusto ko pa ata ang polo shirt ni Joshua eh. >< Eh ito para akong sasayaw.
Paglabas ko sa banyo, nakita ko kaagad ang pagbilog na mga mata at bibig nila dahil sa porma ko.
Nakapusod lang ng medyo magulo ang buhok ko pero sa pang-ibaba, BAGSAK. Helloooo? Naka-tsinelas lang ako for Pete's sake mygod. Tapos ang dumi dumi pa.
"Oh eto, suotin mo din." sabi ulit ni Dave at hinagisan nanaman ako ng isang paper bag na may lamang wedges.
Well, konti nalang mapagkakamalan ko ng bakla to. Alam nya kung anong ibabagay na sapatos sa bili nyang damit.
Nagtataka ba kayo kung saan kami pupunta?
Mag-de-date? Hell, no! Kay Luhan lang ako makikipag-date no!
Ngayon ako ibabalik ni Dave sakanila.
At ngayon na din magkaka-harap harap. Pero hindi para magka-gulo nanaman. Kundi para maayos ang gusot sa pagitan nila.
Nakakatuwa lang isipin na, kahit papano eh, nakinig sya sa mga sinabi ko. Natauhan na nga ata sya eh. :3
Para nga akong VIP habang papunta kami sa isang resto kung saan ako makikipagkita eh. Pano ba naman kasi. Buong BND ang sumama saming dalawa ni Dave. Kasi baka daw magka-trouble, andun sila para bumack-up kay Dave. Natatawa nalang ako sa sinabi and at the same time kinabahan. Eh pano kapag nalaman ni Luhan na si Dave pala ang dumukot—Humiram sakin para maghiganti? Baka ano pa ang magawa nya kay Dave—I mean, baka ano pang magawa ng buong BND kapag nakipag-away sya kay Dave. Aish! Sana naman hindi uminit ang ulo nya sa malalaman nya.
Hindi pa alam sa ngayon ni Ara na kasama ko si Dave. Bahala na, magpapaliwanag nalang ako mamaya sakanya. Alam ko naman kasing hindi yun makikipagkita kapag nalaman nyang kasama ko to. Kaya sinekreto ko muna. Nung tinawagan ko sya kanina, 10 minutes na ata ang nakalipas bago ko nasabi ang totoong pakay ko kung bakit ako tumawag.
Sunod sunod kasi sya kung magtanong. Kung nasan daw ako? Kung ayos lang daw ba ang kalagayan ko? Echos katal katal! -___- Halata namang alalang alala sya nung kausap ko sya kanina.
Hindi ko na rin muna pinaalam kay Luhan ang tungkol dito sa pagkaka-HIRAM sakin ni Dave sandali para gumanti sakanya. Isu-surprise ko nalang sya pagdating namin mamaya sa unit nya. :)
Si Julia? Papupuntahin ko din sya. At katulad ni Julia, hindi nya din alam na kasama ko si Ara at Dave. Ang alam nya, ako lang. Pati na din si Ara, hindi din alam na kasama ko si Julia. Tss. Magpapatulong nalang ako sa ibang BND mamaya para kapag sakaling may mag-walk out kapag nagkita-kita sila eh, mapipigilan nilang lumabas sa resto. Am I that smart? May pakinabang pala ang BND! Hihihi. mga bouncer kumbaga. :D
BINABASA MO ANG
She's into Him [EXO Fanfic]
FanfictionA story made for all the EXO stans out there! v(^____^)v This one's for you guys! ♥ We should raise our EXO's flag! >:) Hahahahaha. :) Dedicated to my oh-so-pretty PATRICIA RAMOS LALENG ♥ Hihihihihi~ Ni-request nya. Kaya, puro kilig moments. :))) He...