[Patricia]
"Aba hindi pwede yan laleng! Magagalit sya sayo at hindi ka nya kakausapin ng dahil sa babaeng lukaret na lintang yon?"
Tanging buntong hininga at pagsimangot ang naisasagot ko kay Irish dahil kanina pa sya talak ng talak sa harap ko habang nakatayo't nakapameywang.
Naikwento ko kasi sakanya na hindi ako kinikibo ni Luhan simula kaninang umaga.
Pagkagising ko nagaasikaso na sya. At kahit nung nasa byahe kami papunta dito hindi nya padin ako kinakausap. Nagalit nga ata sya dahil sa inasal ko kagabi? Aish! Ewan. Nakakaasar na ah?
"Kung ganyan eh makipaghiwalay ka na!" agad akong napatingin sakanya at tinignan sya na tagos sa buong pagkatao nya.
"Pero syempre joke lang. Aisshhhh! Kapag nakita ko yang Andrea na yan, kakaladkarin ko talaga pabalik sa sinapupunan ng ina nya!" padabog nyang binuksan ang pamaypay nya at nagpaypay. Napabuntong hininga nalang ako at napasubsob sa lamesa ko.
Wala padin ang buong Exo dito ngayon. Ewan kung nasan sila. Kanina pagkababa namin ni Luhan sa kotse nya, agad syang nagtungo kung saan at akala ko mauuna na sya dito sa classroom pero wala naman sya dito pagdating ko.
"Oy alam nyo na ba ang latest?"
dinig kong chismisan ng Mean girls na kakapasok lang sa classroom. Naramdaman ko naman nagsilapitan sakanila ang iba naming mga kaklase at isa na doon si Irish. Haaaay! Babaeng to talaga.
"Sumunod daw si Park Chanyeol kay Ara Villafuerte sa New York."
bigla kong nai-angat ang ulo ko at kunot noong tumingin sa kumpulan nila.
"Actually ngayon na daw yata ang flight ni Chanyeol papunta don eh." pagsingit naman nung isa sa Mean Girls.
Madami pa silang sinabi pero hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo at lumabas ng classroom. Narinig ko pang tinawag ako ni Irish pero hindi na ako nag-abala pang lingunin sya.
Alam na kaya nila ang tungkol dito?
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang mahanap sila sa buong campus pero wala naman akong makitang sign ng Exo. Pumasok kaya sila? Eh nasan naman kaya si Luhan? San sila banda dito nagstay? Ang laki kaya ng school! San ko naman sila hahagilapin?!
Nakarating ako sa kabilang building pero hindi ko padin sila makita. Hingal na hingal akong napaupo sa isang bench habang taas baba ang dibdib ko at hinahabol padin ang hininga.
I tried to dial their number pero wala ni isa ang sumasagot sakanila. Halatang magkakasama sila. Kung hindi man sila pumasok? San naman sila posibleng tumambay? Eh ang pagkakaalam ko, hindi naman marunong mag-cutting ang mga yun eh.
Agad kong nai-angat ang phone ko nang bigla itong mag-vibrate. Napamura ako ng mahina nang makita ko ang pangalan ni Irish sa screen. Akala ko naman may nag-call back kahit isa sa Exo. Si Laleng lang pala!
"Bakit?"
bungad ko sakanya.
"Hello din naman." sagot nya. Hindi kasi uso sakin ang Hi Hello sa phone eh. :D
"Bakit ba?" sabi ko at patuloy padin ang paghingal.
"San ka?" cool nyang tanong.
Bumuntong hininga ako bago sumagot. "N-nasa kabilang .. kabilang building. Bakit?" hingal na hingal kong sagot sakanya.
"What?!" nailayo ko sa tenga ko ang phone sa biglaan nyang pagsigaw. Babaeng to napaka-butangera! ><
"Eh hinahanap ko kasi ang Exo eh." inis kong sagot.
BINABASA MO ANG
She's into Him [EXO Fanfic]
FanfictionA story made for all the EXO stans out there! v(^____^)v This one's for you guys! ♥ We should raise our EXO's flag! >:) Hahahahaha. :) Dedicated to my oh-so-pretty PATRICIA RAMOS LALENG ♥ Hihihihihi~ Ni-request nya. Kaya, puro kilig moments. :))) He...
![She's into Him [EXO Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/10079152-64-k272594.jpg)