Chapter 29: Fixed Marriage [Part-2]

104 5 2
                                    

[Andrea]

"Andrea hija, are you okay?"

nabalik sa kasalukuyan ang huwisyo ko nang biglang lumitaw si Tita Elena na Ina ni Luhan. Oo, andito padin ako sa Mansion nila. Ayaw akong paalisin ng mga magulang nya, kabilang na din ang lolo nya na si Lolo Hernan. 

Hanggang ngayon, cold padin ang pakikitungo sakin ni Luhan. Hindi na sya tulad ng dati, hindi na kami tulad ng dati na sobrang malapit sa isa't isa. Simula nung nalaman nya ang tungkol sa arranged marriage namin, nagbago sya. Sa tuwing kinakausap nya ako, parang nakikita ko ang pagkasuklam nya sakin. 

Tanging pagtango na lamang ang naisagot ko kay tita Elena. Umupo naman ito sa tabi ko atsaka tinignan ako na para bang naaawa na sya sa kalagayan ko. Harap-harap kasi na binabalewala ni Luhan ang presence ko. Hindi nya man lang ako kinakausap ng matino, kung kakausapin nya man ako puro bulyaw ang inaabot ko sakanya. Masama sya kung tumingin. Parang hangin lang ako sa tuwing makakasalubong ko sya. Na para bang wala lang ako dito sa Mansion. 

"Hija, don't give up on Luhan. He'll learn to love you soon." ani tita Elena habang hinahaplos haplos ang ulo ko. 

Sya lang ang nakakausap ko tungkol sa Luhan. Hindi namin pinapaalam sa papa nya ang tungkol sa pakikitungo nya sakin. Dahil natatakot kami na baka pagmalupitan sya ng tatay nya. Baka tanggalan sya ng mga bagay na meron sya ngayon. Mahal ko si Luhan, at ayokong mangyari yon sakanya. 

Nang dahil lang sakin. :(

"Tita, natatakot ang sa posibleng mangyari." pabulong kong sagot ko na ikinakunot naman ng kilay nya.

"What do you mean, hija?" kunot noo pading tanong nya.

"What if, hindi sumipot si Luhan sa kasal namin? What if, iwan nya ako sa ere? What if, mangyari lahat na bagay na kinatatakutan ko? What if----"

"Shhhhh." pagputol ni tita Elena sa susunod kong sasabihin. 

"Andrea, you're over reacting. You're being too paranoid. Gagawa ako ng paraan para masiguradong sisipot sya. Don't worry about it, hija. Let me handle that." pagaalo nya sakin.

laking pasasalamat ko na laging nandyan si Tita Elena sa oras na kailangan ko ng makakausap at masasandalan. Lagi nyang pinapagaan ang pakiramdam ko. Lagi nya akong binibigyan ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang matagal ko ng pinapangarap. Ang makasama si Luhan sa loob ng iisang bubong. 

"Tita, thank you. You're there when I need a helping hand." nakangiting saad ko habang nakasandal sa balikat nya. 

"Ofcourse I will always be. Aba! Malapit na kita maging manugang. I should start treating you as my own daughter." nakangiting din nyang sagot. 

Kung natatanong nyo kung kailan ang magiging kasal namin ni Luhan? Well, 5months from now. Pinadali kasi iyon ng Papa at Lolo nya at sumang-ayon naman dito sina Mama at Papa. Para daw mas mapadali ang pagiisang pwersa ng kompanya ng mga Xiu at Lim. Na-inform na dito si Luhan, at katulad ng inaasahan, nagalit, nagwala, nagpakalango sa alak na halos isang buwan at nagpakarebelde. At dahil malaki ang impluwensya ng pamilya nya, walang magawa si Luhan tungkol don.

Sa kabilang side ng utak ko, sobra akong sumasaya kapag naiisip ko na malapit ko na maging apelido ang apelido ni Luhan. Matagal kong pinangarap iyon. Simula mga bata palang kami, si Luhan na talaga ang pinangarap ko. Sya lang, wala ng iba. 

Oo, may mga mas gwapo, mas hot, mas gentleman, mas mabait at mas matino pa kay Luhan pero ewan ko ba. Sya padin ang hinahanap-hanap ko. Kahit nga ganito na ang pakikitungo nya sa akin, sya padin ang gugustuhin ko. Dahil nga katulad ng palaging sinasabi sa akin ni Tita Elena, matututuhan din akong mahalin ni Luhan. Hindi man ngayon, hindi man bukas. Balang-araw, makakaya nya dina kong tignan sa mata na may buong pagmamahal. Pero sana, pag nangyari ang bagay na iyon, hindi pa ako pagod na mahalin sya.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon